Chapter 21: To be enough

2.5K 89 90
                                    

Chapter 21: To be enough


Leaving my room in the morning after crying all night was a tough decision to make.

Sino ba namang gustong ibalandra sa mundo 'yong namamaga nilang mga mata? Wala namang gan'on 'no! Pero siyempre iba na ang usapan kapag gutom na ang kalaban.

Kasalanan kasi 'to ni Laurice kahapon. Kung hindi siya tanong nang tanong at kung hindi niya ko niyakap, hindi ako iiyak nang iiyak.

Pwede pa siguro 'yong konting iyak pero hindi 'yong inabutan na ko ng gabi pero humahagulgol pa rin ako. Anong oras na, hinahanap ko pa rin 'yong rason ba't 'di nila makita 'yong worth ko.

Masakit na nga mga mata ko, iniisip ko pa rin kung masarap ba kong saktan. Para kasing enjoy na enjoy pa sila.

Napahinga na lang ako nang malalim at saka napatingin sa salamin dito sa CR.

Hindi naman kasi kasama sa plano ko 'yong umiyak nang umiyak eh.

Gusto lang atang makita ni Laurice na pumangit ako kahapon pero, duh! Never mangyayari 'yon. Tatangkad muna— ay bawal na nga pala 'yong mga gan'ong joke dahil 'di 'yon funny.

Naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit na lang muna ko ng damit bago lumabas mula sa kwarto ko. I had no choice but to go downstairs to eat breakfast with my family.

When I entered the dining area, everyone was already there. Good thing, wala si Eli rito ngayon dahil kung nagkataon na nandito siya? It would be a shame to me if he witnesses me at this state.

Tahimik lang akong tumabi kay Laurice at tamang yuko-yuko lang para 'di na nila ko mapansin. May pinag-uusapan sila habang naghihintay kami ng pagkain— as usual, business.

Napahinga ako nang malalim.

Ilang beses na ba kong huminga nang malalim ngayong araw? Hindi ko na rin alam.

Ang bigat-bigat kasi talaga ng loob ko while I am in the same table with them.

Pwede palang mangyari 'yon 'no? Na makaramdam tayo ng bigat ng loob kapag kasama natin 'yong ilang miyembro ng pamilya natin.

Medyo napaangat 'yong tingin ko nang marinig kong nagtatawanan sina mommy at Ate Felize. They look fine and unbothered.

Napayuko na lang ulit ako at saka napangiwi.

I have no one to blame for this overflowing pain but myself.

Sabi nila, kapag mas mahal mo raw 'yong sarili mo kaysa sa taong gusto mo, hindi ka na masasaktan nang husto. That was a lie.

Kung mahal na mahal ko si Eli, times three naman 'yong pagmamahal ko para sa sarili ko 'no! Pero heto ako, nalulunod pa rin sa sakit ngayon.

Wala naman kasing hard, average, at easy kapag nasaktan na eh. Hindi rin tayo makakasagot ng 'kaunti lang' kapag tinanong tayo kung masakit ba.

Wala ring pause. Walang fast forward. Kailangan damang-dama at lasang-lasa natin bawat pait.

Basta kapag nagmahal ka, masasaktan ka. 'Yon ang sigurado.

Partida, si Eli pa lang 'yong minahal ko pero feel ko pasado na ko para makapagpayo sa ibang broken-hearted.

Naagaw nina mommy at Ate Felize 'yong atensyon ko when I heard them changed their topic from business to a South Korea trip. Napaangat ako ng tingin sa kanila.

Pero mukhang maling desisyon 'yon dahil sa 'kin na napunta 'yong atensyon ni mommy. Napakagat kaagad ako sa ibaba kong labi nang magtama 'yong tingin namin at saka ako napayuko ulit.

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon