Chapter 19: Doomed

1.7K 84 88
                                    

Chapter 19: Doomed


"Aalis ka na? Idaan mo na rin kaya 'to sa office niya?" Narinig kong may kinakausap si mommy mula sa sala.

Kakatapos ko lang kumain kaya tumayo na ko para pumunta sa lababo't maghugas ng kamay. Hindi ng pinagkainan ah! Baka makabasag pa ko ng plates kung susubukan ko. Mapagalitan pa ko ni mommy.

Mag-isa lang akong kumain today dahil hindi ako nakasabay sa kanila kanina. Parang eight in the morning na ata ko nagising. Late than usual dahil anong oras na ko nakatulog kagabi.

Wala rin namang gumising sa 'kin kaya heto, ang walang kasing ganda ko na lang ang naiwan dito sa dining area.

I slept late because I had an online discussion with the CEO of the cosmetics company that Sophia recommended me to. At the same time, I already prepared the documents they need me to pass.

"I badly need to rush now, mom," narinig kong seryosong saad ni Ate Felize habang naghuhugas ako ng kamay.

Siya ata 'yong kausap ni mommy.

Siyempre. Sino pa ba? May iba pa ba rito na pwede niyang tawaging "mommy"?

She continued, "I won't bring Mang Nestor with me. Bye."

I closed the faucet as I reached for the towel to dry my hands.

Hindi ko na ulit narinig 'yong boses ni Ate Felize after she bid her goodbye. Tanging pintong bumukas at sara na lang 'yong naring ko.

Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila but I don't care. I already have a lot on my plate.

Bukod kasi sa nagpaka-busy ako kagabi para sa potential work ko bilang fashion model ulit— na alam ko namang matatanggap ako, I also had a bad headache because of Eli.

Nakakainis kaya siya! Pasalamat siya, mahal ko siya. Kaya kahit mas malabo pa siya sa tubig kanal, malinaw na siya pa rin 'yong pipiliin ko sa araw-araw.

Grabe! Ang sweet na naman ng banat ko. I am getting a hang of it. Kaunting practice pa, bibigay rin sa 'kin si Eli.

Lumabas na ko sa dining area para umakyat na sana sa kwarto ko. Kaso napahinto ako sa living room when I saw mommy sitting on the sofa while watching her favorite series.

Napakunot ako ng noo at saka ko siya nilapitan to check if I have seen it correctly.

Pagkakita ko sa TV, I was right. She's watching her favorite series that she's been viewing countless times already.

Hindi ko naman masabi sa kaniya na wala ba siyang magawa kaya nagsasayang na lang siya ng kuryente? Because she didn't even bother to point out how late I woke up earlier.

Ilang beses niya na 'tong napanood; as if she still doesn't memorize the flow and plot of that series.

Napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya. "Pwede ka na bang umalis diyan, Elise? Nakaka-istorbo ka," seryoso niyang saad as she motioned me to get away.

Napatawa tuloy ako dahil sa narinig. I crossed my arms while looking at her.

Natatawa kong tanong, "Really mommy?" I can't believe her! "Wala naman po kong ginagawa—"

"Ayaw ko na may nakikinuod," pagsusungit niya nang hindi man lang ako tinitignan. Her eyes were glued to the TV.

Napailing na lang ako.

Okay! Madali naman akong kausap. Ako nga, ayaw ko ng may kahati kay Eli eh. I can't blame her for not wanting to see anyone here watching with her.

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon