Chapter 12: Unaware

1.4K 89 71
                                    

Chapter 12: Unaware


"Bakit ka palingon-lingon sa likod, hija?"

I got back to my senses when the taxi driver called my attention.

Napaayos ako ng upo at napatingin sa kaniya through the rear-view mirror. Naiilang akong napangiti nang magtama 'yong mga mata namin. Binalik din naman niya kaagad 'yong atensyon niya sa daanan.

Nakakahiya ka, Elise!

Gusto kong kurutin 'yong sarili ko, hindi dahil ang cute ng pisngi ko kundi dahil sa hiya na nararamdaman ko ngayon. Who wouldn't get shy? Baka isipin niya pa na may tinatakasan ako o kung ano na binudol ko kahit wala namang gan'on.

Although I was hesitant to answer him at first, I honestly answered his question, "May stalker po kasi ako."

Napatingin siya ulit sa 'kin mula sa rear-view mirror at halata 'yong gulat sa mukha niya. Tulad kanina, binalik niya rin naman kaagad 'yong tingin niya sa harapan.

Nakakakaba 'to si kuya driver ah! Baka mabangga kami. Kapag namatay ako, bukod sa walang iiyak, kawawa naman ang future self ni Eli na mamahalin pa lang ako.

The driver's voice was filled with disbelief when he asked bunch of questions, "Stalker? 'Yong sumusunod-sunod? Delikado 'yan 'di ba?"

Nagulat ako sa dami ng tanong niya. Ang alam ko, sumakay lang ako sa taxi para makauwi, hindi naman para ma-interview.

Nakatitig lang ako sa likod niya habang nag-iisip ng gagawin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I don't know as well if it's alright to talk about my problem with a stranger.

Nang hindi ako sumagot, nagtanong ulit siya, "'Yang stalker mo, ka-trabaho mo ba 'yan o may gusto siya sa 'yo, hija?"

I held my clutch bag beside me as I weighed things whether to talk about it or not. Pero dahil mukhang hindi makakatulog si kuya driver kapag hindi siya nakasagap ng tea today, I decided to share the real story.

"Pareho po, kaya nga po napilitan akong umalis na lang sa trabaho ko dahil nand'on din po siya," malungkot kong pagku-kwento. "I was left with no choice. Kahit ilang beses ko na siyang na-confront na itigil niya na 'yong ginagawa niya, nahuhuli ko pa rin siyang sumusunod sa 'kin. May nararamdaman pa rin po kong presence kapag naglalakad ako papunta sa sakayan ng taxi."

Hindi ako makapaniwala na nasabi ko lahat ng 'yon sa kaniya. Halos ayaw ko pa mag-kwento kanina tapos iku-kwento ko rin pala sa huli. I even seemed comfortable sharing all those things.

I heard him say 'tsk' as an initial response to what I shared before he said, "Lalaki ba 'yan? Napaka-walang respeto naman sa babae! Pero kahit nga anong kasarian, hindi tama 'yong ginawa niya sa 'yo."

Ramdam na ramdam ko 'yong gigil ni manong sa boses niya. Hindi ko tuloy naiwasang bahagyang mapatawa. Napaka-concern at attentive naman kasi niya sa mga sinasabi ko.

"Sinabi niyo pa po!" pag-sang-ayon ko sa kaniya. "Kaya kahit sobrang napamahal na sa 'kin 'yong trabaho ko, 'yong pagmo-model, hindi na po ko nag-renew ng contract. Ako na lang po 'yong lumayo," malungkot kong pagpapatuloy.

I don't know how many times I took a deep sigh but I couldn't help it. There's a part of me that wants to regret what I did but I know, this option was the best choice for me.

Nakita kong saglit ulit akong tinignan ni kuya taxi driver mula sa rear-view mirror. Kitang-kita ko 'yong pagkunot ng noo niya.

Nagtataka niya kong tinanong, "Bakit umalis ka? Dapat nag-report ka! Para siya 'yong mapaalis sa kumpanya na 'yon at hindi 'yong ikaw pa ang aalis, hija."

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon