Chapter 15: Something new

1.5K 84 70
                                    

Chapter 15: Something new


Akala ko makakapagpahinga na ko kanina pero heto ako ngayon, tumutulong mamigay ng mga regalo sa bawat bahay na madadaanan namin.

I walk on the runway but I've never imagined myself walking house-to-house for an organization's program.

Hindi ko na nga alam kung gaano na kalayo 'yong nalakad namin pero kanina pa kami lakad nang lakad. Parang hindi na nga matatapos.

Ang dumi-dumi na rin ng sapatos ko. White sneakers pa naman 'to. I look so dirty tuloy ngayon.

Napasimangot ako ng tignan ko 'yong sapatos ko. Baka pagalitan pa ko nina Ate Maricor kapag nakita nila 'tong sapatos ko. Siguradong mahihirapan silang labhan 'to.

I envy those who are on the site busying themselves preparing the tables and materials for a free medical consultation. Buti pa sila nand'on lang, baka paupo-upo lang sila ngayon.

Pero nagulat din ako na may pa-medical consultation sila ah. Hindi naman kasi ako informed. Pero sabagay, bigla-bigla na lang akong sinali ni mommy rito, what should I expect? Of course, magulat na lang nang magulat sa lahat ng ganap nila.

We have two buses in total as well na nasa site ngayon. Hindi kami nagsasakyan para mag-ikot dahil mas madali raw kung lalakarin namin. It is also a way for us to inform the people here that we have medical consultation to offer and groceries to give away at the site.

Mukhang sobrang laki ng budget ng organization nila and by thinking of it, mukhang malaki rin ang share ni mommy rito. Knowing my family? They are too generous when it comes to foundations, outreach programs, and other community projects.

Huminto kami ni Steven sa tapat ng isang bahay. Sobrang luma na ng hitsura nito at wala ring pintura 'yong paligid. It looks like any minute na may dumating na bagyo, masisira 'to.

When a lady opened the door, Steven immediately approached her. I simply observed him on how he talks with the people.

"Salamat!" tuwang-tuwa na sambit n'ong ginang nang ibigay na ni Steven 'yong regalo.

Hindi ko masyadong maintindihan 'yong ibang pinag-uusapan nila dahil iba 'yong gamit nilang language.

I am really amazed at Steven's knowledge of different Philippine languages. Minsan may nakakausap naman kaming nakakapag-Tagalog pero bihira lang.

I kind of pity myself for not knowing their language.

Si mommy kasi! Sana man lang sinabihan niya ko para nakapag-prepare naman ako kahit papaano. Hindi 'yong mukha akong snob rito na pangiti-ngiti lang. Baka sabihan pa nila kong 'ganda lang' kahit hindi naman totoo 'yon.

Maganda ako pero matalino rin ako!

Pero mas malala kung iisipin nilang bad breath ako kaya hindi ako nakikipag-usap. Grabe naman 'yon! That will never happen.

I can't blame the people here dahil hindi naman pwedeng sila pa ang mag-adjust para sa amin. I should have made an effort to make a way to communicate with them.

"Doon naman tayo sa kabila," sambit ni Steven sabay nguso sa pinakamalapit na bahay mula rito.

Naglakad na ulit kami papunta sa tinuro niyang bahay when we bid goodbye to the lady he just talked to.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay, I volunteered to do the talking dahil nahihiya na ko sa kaniya. "Ako na, Steven," nahihiya kong saad at saka dinagdag, "Ikaw na kasi 'yong may dala-dala ng mga eco-bag na naglalaman ng gifts tapos ikaw pa 'yong kumakausap."

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon