Chapter 14: Society

1.4K 87 102
                                    

Chapter 14: Society


Maingay? Sobrang ingay? Walang kasing ganda ko este kasing ingay?

Hindi ko na alam kung anong tamang term 'yong gagamitin para i-describe 'yong ingay ng mga tao ngayon dito sa bus. Pati 'yong katabi ko kaninang tulog at balot na balot ng kumot niya, may pasigaw-sigaw pang nalalaman na akala mo naman ay may sinusuportahan sa instrams.

Napasapo ako sa mukha ko gamit 'yong pareho kong mga kamay. Gustong-gusto kong sumigaw sa inis. Gusto ko lang naman kasing matulog!

Naglalaro kasi sila ngayon ng Pinoy henyo. Na sa tingin ko ay kakatapos lang din. Wala namang prizes pero bigay na bigay sila.

At itong si Steven naman kasi, na ngayon ay kilala ko na dahil popular siya sa mga tao rito, naka-mic pa at ginagalingan masyado sa pagiging host. Kaya ayon, lalong naeengganyo sa pag-iingay 'yong mga nandito.

Pero, in fairness, he has the looks and the talents.

Huminga ako nang malalim at saka umayos ng upo. Nahuli ko si Steven na nakatingin sa direksyon ko. Nang makita niyang napatingin ako sa kaniya, kaagad niya kong nginitian. I tried my best to smile back.

Smiling is actually my talent pero nakakapagod din pala dahil lahat ata sila, panay ang ngiti sa 'kin. Akala ko nga ay tumatakbo silang mayor and they want to get my vote.

It was so unusual because I grew up being surrounded with people who don't smile a lot. Si Laurice pa lang, panay na ang simangot at pagseseryoso sa laro niya.

When it comes to work and university, people there aren't the type to smile at someone they don't know.

"Ang unang makakalimang puntos, mabibigyan nitong tatlong pack ng marshmallows!" nakangiting anunsyo ni Steven.

Nagtilian naman ang mga tao dahil sa sinabi niya. Habang ako, napatulala sa packs ng marshmallows na hawak niya.

That's my favorite! Lalo na 'yong chocolate flavor. Mawala na lahat ng matatamis na pagkain sa mundo, huwag lang ang marshmallows.

What Elise wants, Elise gets!

"For our first question, anong full name ni Dr. Jose Rizal?" ngiting-ngiti na tanong ni Steven.

Well, he has that ability to make people feel thrilled. O ako lang 'yon kasi kinakabahan na ko?

Nang ilang segundo na, wala pa ring sumasagot, naglakas na ko ng loob na magsalita. Nanginginig na itinaas ko 'yong kanan kong kamay at saka napasigaw sa nagmamadaling tono, "José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda!"

"Speed," namamangha na natatawang puna ni Steven.

Binaba ko na 'yong kamay ko at napatingin sa paligid.

I saw them staring at me. Medyo nako-conscious tuloy ako kahit sanay naman na kong nililingon at tinititigan. Sa ganda ko ba naman kasing 'to?

May iba pang mga sumipol kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Pero nand'on 'yong feeling na ang saya sa hindi ko malaman na dahilan. I unconsciously smiled because of their support.

"Ang gandang ngiti naman niyan, Elise! Oh, i-encourage niyo pa siyang makisalamuha sa 'tin," nakangiting saad ni Steven habang nakatitig sa 'kin.

People started cheering for me. I didn't expect them to welcome me this warm. Akala ko kasi kanina, I am an outcast for them but they proved me wrong.

Maya-maya lang din, binigay na ni Steven 'yong pangalawang tanong.

Pabilis na nang pabilis 'yong tibok ng puso ko. Pabagal na rin nang pabagal 'yong hininga ko.

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon