Chapter 5: Beauty and brains

1.8K 116 176
                                    

Chapter 5: Beauty and brains


"Anong sagot mo sa number 10?" tanong ni Sophia kay Aika na kasalukuyang may ginagawa sa notebook niya.

Sumubo ko ng fries habang pinapanood at pinapakinggan silang dalawa sa tapat ko. Seeing them doing this after long quizzes give me amazement.

Excited ba silang malaman 'yong mga mali nilang sagot? O naghahanda lang sila kung mapapalayas sila sa kanila o hindi?

"Light subject in dark background and vice versa 'yon 'di ba?" tanong ni Aika pabalik nang hindi nililingon si Sophia.

"Oo. Anong sabi sa notes mo?" naiinip na tanong ulit ni Sophia kay Aika.

"Contrast," sagot ni Aika at saka napangiti.

Sobrang napangiti rin si Sophia bago sinabing, "Yes! 'Yong 13? 'Di ko sigurado 'yon eh. 'Yong image exposed for a long time," napasimangot siya bigla pagkasabi.

Naubos ko na 'yong fries kaya uminom naman ako ng tubig. Hindi ko inaalis 'yong tingin ko sa kanila.

While they were busy finding out the right answers, I was answering their questions in my mind.

"Hindi ko nga rin maalala," nakasimangot na sagot ni Aika saka siya tumingin sa 'kin. "DOF ba 'yon?" tanong niya.

Napatingin na rin si Sophia sa 'kin. Umiling ako bilang sagot. I found it exciting whenever I have to tell them if they got the right or wrong answer.

"Focal length?" hula naman ni Sophia.

Umiling ulit ako bilang sagot. Smile is finally forming in my face.

Umayos ako ng upo at saka gumawa ng mahinang sound sa mesa. Continuous kong tina-tap 'yon gamit 'yong dalawa kong kamay para maging intense 'yong pagsabi ko ng tamang sagot.

"The right answer is..." huminto ko tapos lalo akong napangiti n'ong nakita kong abang na abang sila. Huminto na ko sa paggawa ng sound sa mesa at saka sinabing, "Long exposure!"

Pareho silang napasimangot pagkasabi ko n'on. Inirapan pa ko ni Sophia na parang kasalanan kong 'di siya nakinig during lecture.

Napatawa ko sa nakita.

"Yabang nito!" Sophia hissed at me. Pero maya-maya lang din, 'yong nakasimangot niyang mukha, biglang napalitan ng lungkot. She placed her chin in the palm of her hand as she looked at me. "Hindi na ko pwedeng bumagsak dito sa long quiz na 'to."

Nginitian ko siya saka kinuha 'yong dalawang burger sa loob ng bag ko. Binili ko 'yon kanina habang busy sila sa pag-check ng mga sagot nila.

We had long quizzes in four of our courses today. Next week, final exams na kaagad kaya they are trying to find out how much effort they need to exert before that.

Inabutan ko sila ng tag-isang burger kaya napangiti naman sila pareho. Umayos sila ng upo saka sinimulan 'yon kainin.

I was so happy when I saw them enjoying the burgers.

I crossed my hands and placed it on the table. Looking around the cafeteria, I saw many students doing the same thing— checking on one another's answers and reviewing while having their meal.

Kahit saan pumunta ngayon dito sa university, punong-puno ng mga tao. Ito 'yong season na biglang sumusulpot 'yong ibang estudyante. Tipong akala mo magda-drop na tapos biglang magpapakita.

"Sana may utak kami kagaya n'ong sa 'yo," sambit ni Sophia kaya napatingin ako sa kaniya.

I raised my right eyebrow asking her why.

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon