Chapter 18: Focus and forget
Another day has come at feeling ko, ang lakas-lakas ko na ulit. Tipong parang hindi naman ako nagkasakit, gan'ong level!
"Good morning, Ate Maricor!" masaya kong bati sa kaniya pagkababang-pagkababa ko sa hagdan.
Napatigil naman siya sa paglalakad nang mapalingon siya sa 'kin. I saw how her eyes sparkled as our gazes met.
"May balita ko sa 'yo!" pabulong pero excited niyang saad kaya napatigil din tuloy ako sa kinatatayuan ko.
"Balita? Maganda ba 'yan?" I asked showing how intrigued I am.
'Yang mga balita na 'yan, nagugustuhan ko na 'yan. Lalo na kung 'yong katulad ng balita ni Laurice n'ong isang gabi ang maririnig ko. Pero kung si mommy lang din ang may balita, no thanks.
Dahan-dahang lumapit sa tabi ko si Ate Maricor at saka niya ko hinawakan sa braso. 'Yong mga mata niya, nanlalaki tapos 'yong mga labi niya, ngiting-ngiti.
"Oo, kasing ganda mo!" pang-uuto niya pa sa 'kin pero totoo naman kasi. Napangiti tuloy ako dahil d'on. "Nandiyan 'yong crush mo," she continued with delight in her tone. Pero bigla akong napakunot ng noo.
Tinitigan ko siya mula sa gilid ko. "Crush? I don't have any crushes," nagtataka kong sambit.
Bigla niya naman akong binatukan na ikinalaki ng mga mata ko. "Ang sakit ah!" reklamo ko pero kaagad niya kong pinatahimik.
She shushed me before she whispered, "Si Sir Eli, nasa mesa kasama ng pamilya mo."
Gulat na gulat ako sa narinig. My heart immediately beats so fast and my lips instantly formed a sweet smile.
"Dapat sinabi mo po kaagad! Hindi ko naman kasi 'yon crush. Mahal ko si Eli, okay?" pagtatama ko sa kaniya at saka inalis 'yong kamay niya sa braso ko. "Bye! Elise Quiseo will now follow her dreams," natatawa kong pagpapaalam sa kaniya as I flipped my hair at saka dumiretso sa dining area.
Excited na excited ako pagkapasok ko sa loob. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Eli. The moment I laid my eyes on him, lalong lumapad 'yong ngiti ko.
"Good morning!" energetic kong bati sa kanila kaya napatingin naman silang lahat sa direksyon ko except Eli who is busy eating his food.
Ngiting-ngiti akong tumabi kay Laurice. I am intently looking at Eli na nasa hilera nina mommy, katabi si Ate Felize.
Hinawi ko pa papunta sa likod ng tenga ko 'yong ilang hibla ng buhok ko. Nag-beautiful eyes din ako in case magawi 'yong tingin niya sa 'kin.
Pero wala. Ayaw tumingin!
Napasimangot tuloy ako at saka kumuha na lang ng fried rice at dalawang ham para kumain na. Kailangan kong magpalakas para mahaba ang buhay ko at matagal kong makakasama si Eli.
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na "titigan lang kita, busog na ko".
"Para saan nga ulit 'yong gagawin niyo ni Eli?" tanong ni mommy kay Ate Felize na nakakuha ng atensyon ko.
Nakanganga na ko nang mapalingon ako sa kaniya, isusubo ko na kasi dapat 'yong laman ng kutsara ko.
Anong gagawin? May gagawin silang dalawa? Silang dalawa lang?
"He will help me with my business proposal for a potential partner," sagot ni Ate Felize kaya napalingon naman ako sa kaniya.
Nakahinga na ko nang maluwag dahil sa narinig at saka isinubo 'yong pagkain ko.
Akala ko kung ano ng gagawin nila eh! Good thing at nilinaw niya kaagad.
"Bakit ikaw ang gagawa niyan, Felize? You're the owner, it's not part of your job," kumento ni mommy bago sumubo ng tinapay.
BINABASA MO ANG
Waves of Life (Quiseo Girls #1)
RomanceAcknowledged by @NA Wattpad (Reading List: You have a beautiful Smile | Humor) Won FWBC Book of the Month The first time Elise has laid her eyes on Eleazar, she knew to herself that she felt something more for him. It is only him who she wants to wi...