Chapter 28: New customer

2.7K 80 37
                                    

Chapter 28: New customer


"Tao pala talaga si Eleazar 'no? Hindi gawa-gawa lang ng imagination."

'Yan agad 'yong bungad sa 'kin ni Aika pagkapasok ko sa kitchen.

She was firmly looking in my direction as if she was waiting for my reaction. Inirapan ko naman siya para mabuo na 'yong araw niya.

"Grabe! Good morning ah?" I sarcastically told her which she only laughed at.

For four consecutive days, 'yan ang bukang-bibig niya. Walang palya! As in dinaig niya pa 'yong ka-MU ng iba riyan sa pagiging consistent niya.

Three days have passed since Sophia has first seen Eli yet they still can't get over of that encounter. Kaya ayon! Ang sakit ng ulo ko sa mga pang-aasar at tanong nila.

"Pabebe nito," kumento ni Sophia habang kinukuha lahat ng packed cookies, loaves of bread, and brownies mula sa storage.

Tinulungan naman siya ni Aika para unti-unting malagay lahat ng 'yon sa ibabaw ng kitchen counter.

"Kunware pang hindi kinikilig," dagdag na pang-aasar niya pa sa naunang nasabi.

I pouted at Sophia when I reached the counter. Nilapag ko r'on 'yong dala kong listahan ng mga kukuha ng orders nila today.

Feel ko, namumula 'yong mga pisngi ko ngayon dahil sa kilig. Pero pilit kong pinipigilan 'yong puso ko dahil natatakot ako sa napakaraming possibilities.

P'ano kung pinagti-tripan lang ako ni Eli n'ong sinabi niyang he's crazy for me? P'ano kung confused lang siya? P'ano kung kinulang lang siya sa atensyon?

"Ayaw mo ba siyang bigyan ng chance?" tanong sa 'kin ni Aika nang magkatapat kami sa counter.

I stared at her for a moment. I was befuddled with what she said.

"Bakit bibigyan ng chance?" nagtatakang tanong ni Sophia nang makalapit na rin siya sa 'min.

"True! Ba't bibigyan ng chance kung 'di naman humihingi ng chance?" hirit ko bago umikot papunta sa tabi nila.

Parehong natawa 'yong dalawa dahil sa sinabi ko. Pero 'yon pala, kaya natawa kasi mang-aasar na naman.

Aika teasingly asked, "So naghihintay ka kung hihingi ng chance?"

I was dumbfounded for a second or two upon hearing that question.

Nag-iinit 'yong mukha ko nang umiwas ako ng tingin at saka umupo sa tapat ng cabinet ng kitchen counter. I need to get the paper bags from the inside.

I can't help but ask several questions to myself.

Hinihintay ko lang ba talaga siyang humingi ng chance? P'ano kung sabihin niya na ang magic word? Would I still be hesitant?

"Pero sabi mo ayaw niya lang daw i-take advantage 'yong pagiging young and impulsive mo noon, right?" Aika asked me putting emphasis on 'young' and 'impulsive'.

Wala sa wisyo akong tumango nang hindi siya nililingon.

I am halfway done with what I'm doing when she hooked me with the next thing she said. Napaangat 'yong tingin ko sa kaniya. "Tapos sinabi mo rin na umamin siyang, quote-unquote, he's crazy for you. Malay naman natin na seryoso naman talaga siya."

I unknowingly smiled upon hearing that. Ni hindi ko na rin naiwasang kiligin dahil d'on.

What if nga naman?

"Should I give him the benefit of the doubt?" mahina kong tanong nang ibalik ko na sa ginagawa ang atensyon ko. It was more of a question to myself than to them.

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon