Chapter 22: The end
Panay ang iyak ko habang umaakyat sa second floor.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, dali-dali kong sinara 'yong pinto at saka ko inilabas lahat ng hikbi na kanina pa gustong kumawala sa bibig ko.
I leaned on the door while I was wiping the tears away from my cheeks. Yet, tears kept on falling no matter how hard I try to stop them.
Sabi ni Eli, ako 'yong hangin. Pero bakit parang ako ata 'yong ulap na panay ang luha?
Tumingin ako sa ceiling at saka kinumbinsi ang sarili, "Tumahan ka na, please. Ang sakit-sakit na nga ng puso ko, ang sakit pa ng mga mata ko. Ano bang nakakaiyak? Palagi ka namang hindi sapat."
Natawa ako sa huli kong sinabi. 'Yong tawa na punong-puno ng pait at pighati.
Pinakalma ko na lang muna 'yong sarili ko bago nagdesisyon na kumilos na.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta 'pag umalis ako ngayon. Hindi ko rin sigurado kung saan ako pupulutin. O kung may patutunguhan ba lahat ng 'to. Pero sigurado na ko sa desisyon ko.
Dumiretso ako sa walk-in closet para mag-empake na.
May mga bagay talaga na alam naman nating may possibility mangyari pero kapag nandiyan na, ang sakit-sakit lang. Ang hirap tanggapin na kailangang humantong sa gan'ong sitwasyon.
Lumaki akong naliligo sa pera eh. I even get used to having everything I need and I want in front of me.
Luxury is my breakfast, lunch, and dinner. So deciding to leave everything behind is a big decision to make for me. It wasn't even my option before not until respect has gone missing in this house.
Kinuha ko 'yong mga maleta ko at saka pinaglalagay sa loob nito 'yong bawat damit na madaanan ko.
I am a fool if I say that it wasn't hard to choose this path— na bumukod sa pamilya ko. Pero nakakapagod na kasi 'yong set-up namin. Hindi lang nakakapagod eh— ang sakit-sakit din. Nakaka-drain.
Wala na nga ko masyadong laman tapos tagos pa sa buto 'yong sakit. Ano na?
Napatingin ako sa full-length mirror ko at saka pinilit na ngumiti sa sarili. Mukha akong ewan but I whispered to myself, "I want to heal and grow even if I have to risk everything."
I took a deep breath as I continued packing my stuff.
Hindi naman kasi ako maghi-heal if I have to live under the same roof with the person I thought understands me well pero siya pa 'yong nanakit sa 'kin. Sila.
Kung may vaccine lang para maging immune sa ganitong klase ng sakit? Baka ako pa 'yong nauna sa pila. Para naman hindi na ko umalis dito, 'di ba? Kaso kasi wala naman.
I will only torture myself to stay here with them.
Natigil ako sa ginagawa ko nang bumukas 'yong pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan akong naglakad palabas sa walk-in closet para tignan kung sino 'yon.
It was Laurice.
Upon seeing me, she suddenly rushed to me and hugged me. Sobrang nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi kaagad ako nakapag-react o nakagalaw man lang sa kinatatayuan ko.
Laurice is not the clingy type of person. Baka mas piliin niya pang hindi maglaro ng isang araw kaysa yakapin ako.
Pero ngayon?
"You'll leave today ASAP?" mahina niyang tanong habang nakayakap pa rin sa 'kin.
Unti-unti kong tinaas 'yong mga kamay ko para yakapin siya pabalik.
BINABASA MO ANG
Waves of Life (Quiseo Girls #1)
RomanceAcknowledged by @NA Wattpad (Reading List: You have a beautiful Smile | Humor) Won FWBC Book of the Month The first time Elise has laid her eyes on Eleazar, she knew to herself that she felt something more for him. It is only him who she wants to wi...