Chapter 23: New beginnings

2.8K 90 97
                                    

Chapter 23: New beginnings


One year later.

"Elise! Nandito na si Steven," malakas na tawag sa 'kin ni Sophia mula sa labas.

Nagmadali tuloy akong tapusin 'yong pagtu-toothbrush ko.

Nang matapos sa ginagawa, pinunasan ko lang ng tuwalya 'yong bibig ko at agad na lumabas mula sa CR.

Dumiretso ako sa sala pero napakunot 'yong noo ko nang hindi ko nakita sa sofa si Steven. Instead, si Sophia na busy sa laptop niya 'yong nand'on.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Nakapameywang pa ko nang huminto ako sa tapat niya. "Nasaan?" takang-taka kong tanong sa kaniya.

She didn't bother to look at me. She simply pointed her finger at the door that made me frown.

"Pinapasok mo na sana!" I hissed at her. By that, nakuha ko na 'yong atensyon niya.

Agad-agad siyang napairap nang magkatinginan kami. "Alam mo namang 'di 'yon pumapasok kapag hindi ikaw 'yong nagpapapasok," mariing bulong niya bago ibinalik 'yong tingin sa laptop niya.

Napa-pout na lang ako dahil sa narinig.

'Yong isang 'yon talaga!

Lalabas na sana ko nang bigla siyang magsalita, "'Yong toothpaste mo may mukha."

I walked backwards to face her but she wasn't looking at me. "Toothpaste ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Joke ba 'yon tapos outdated lang ako?" dagdag ko pang tanong.

Biglang umalingawngaw sa sala 'yong tawa ni Aika paglapit niya sa 'min. Pareho kami ni Sophia na napatingin sa direksyon niya dahil sa pagtataka.

"'Yong mukha mo may toothpaste," saad niya sa gitna ng tawa niya. Sandali akong nag-buffering d'on pero naintindihan ko rin 'yon agad na naging dahilan ng pagtawa ko.

"Toothpaste mo may mukha," natatawa kong ulit sa sinabi ni Sophia. Napahawak na nga rin ako sa tiyan ko dahil sumasakit na 'to sa kakatawa ko.

"Sobrang perfectionist?" naaasar na statement more so a question ni Sophia.

Nang mapatigil ako sa tawa, tinignan ko siya. "Ikaw naman, sobrang pikunin," pang-aasar ko pa sa kaniya na lalo niyang ikinasimangot.

"Lumabas ka na nga! Pinaghihintay mo 'yong tao sa labas," she said as she rolled her eyes.

Tinignan ko si Aika at pigil na pigil 'yong tawa niya when she approached me. Pinunasan niya 'yong pisngi ko gamit 'yong hawak niyang bimpo bago binulong, "Ganiyan talaga kapag napupuyat kaka-chat sa taong wala naman silang label."

Pigil na pigil 'yong tawa ko pagkarinig ko n'on.

I whispered with a big smile on my face, "Magmahal ka ng isang Sophia; pagkakagastusan ka kahit wala kayong label."

Pulang-pula na 'yong mukha ni Aika pagkasabi ko n'on. Pero natigil kami sa mahinang pagtawa nang sumigaw na si Sophia, "Makapag-usap parang hindi ko rinig ah? Umalis nga kayo rito!"

Nagtanguan na lang kami ni Aika. Mukhang pikon na pikon na talaga 'tong isa.

Ngiting-ngiti akong lumabas mula sa bahay but I didn't see Steven upon opening the door. Napakunot ako ng noo.

Nasaan na? Nainip?

Lumingon ako sa kaliwa pero wala. When I looked to my right, I saw him leaning on the wall while staring at me. He was all smiles just the usual.

Nginitian ko siya pabalik at saka nilapitan. "Ba't 'di ka na lang pumasok agad?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"Wala pang sinasabi 'yong may-ari na pumasok ako eh," nakangiti niyang saad na ikinairap ko.

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon