Chapter 17: Dump

1.7K 85 87
                                    

Chapter 17: Dump


"Let's go, Elise."

Napalingon ako sa direksyon ni Eli nang sabihin niya 'yon.

By just simply staring at him, bumibilis lalo 'yong kabog ng puso ko. Hindi ko na tuloy maintindihan kung anong uunahin ko— kiligin sa kissing scene namin kanina o humingi ng tawad kay Steven for what he saw.

"You'll go home now," naiinip na sambit niya at saka kinuha 'yong maleta ko sa gilid ng sofa.

Aalis agad? Atat na atat? Hindi ba pwedeng dito muna kami para mabantayan niya ko?

At saka nabitin kaya ko sa kiss namin! Ang fake niya naman kung sasabihin niyang hindi siya nag-enjoy.

Ayaw niya bang mag-spend pa ng time with me? Hindi naman ako magpapapilit, oo agad ang sagot ko!

Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi niya. Instead, I closed my eyes and laid in the bed.

"Elise," mariing tawag niya na naman sa 'kin pero pinagpatuloy ko lang 'yong pagtutulug-tulugan ko.

Hindi ako papayag na umuwi agad kami! Wala na bang part two 'yong kanina? 'Yon na 'yon? Baka naman, 'di ba?

"Ang tigas ng ulo," naiinis na saad ni Eli.

Naramdaman ko 'yong footsteps niya na papalapit na sa kinahihigaan ko nang biglang magsalita si Steven. "Tara na, Elise," kalmado at malambing niyang saad.

Napadilat ako kaagad at napatingin sa kaniya sa may pintuan.

I suddenly felt sad upon seeing his eyes filled with pain. Nawala 'yong kilig na nararamdaman ko which Eli is giving me.

I pouted my lips as I stared at Steven. Bakit ba kasi nakakaawa siya?

I thought he will say something else pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya— kahit masasakit na salita, wala. He simply smiled at me and said, "Para makapagpahinga ka na sa inyo."

Sa huli, he still cares for me and wants what's best for me.

Ang bigat sa loob na makita siyang nasasaktan dahil sa 'kin. Sino ba naman kasing hindi masasaktan? Kapag nakita ko rin si Eli na may kahalikan, masasaktan din ako. Buti na lang, ako 'yong kahalikan niya. That's my happy thought!

Nginitian ako ni Steven na parang hinihintay 'yong pagsunod ko sa kaniya.

Wala na kong nagawa. Tinanggal ko na 'yong kumot ko at saka dahan-dahang tumayo.

Napatingin ako kay Eli na nakatayo malapit sa hinihigaan ko at saka ko siya inirapan. "Killjoy!" I hissed on him.

"Nahilo ka lang, nagpa-ospital ka na kaagad," pagsusungit niya sa 'kin.

Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil sa narinig.

"Nawalan kaya ako ng malay! At saka may lagnat talaga ako," pagde-depensa ko sa sarili at saka napatingin kay Steven. "'Di ba, Steven?" paghingi ko pa ng tulong.

Marahan siyang napatawa dahil sa sinabi ko at saka ulit nag-aya, "Tara na. Baka mabinat ka pa."

Kitang-kita ko 'yong pag-aalala sa mukha niya. How could he be this caring and kind? Kaya ang hirap niyang i-turn down eh! Parang kasalanan ko pa tuloy kapag hindi ko siya na-like back.

Doesn't Eli feel the same thing when he is pushing me away? Hindi ba talaga? Ang sama niya naman kung gan'on.

I crossed my arms as I approached Eli. Nag-tiptoe ako at saka bumulong sa gilid ng tenga niya, "Kung hindi ako na-ospital, hindi ka makakahalik."

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon