Chapter 2: Forgotten

2.2K 133 290
                                    

Chapter 2: Forgotten


Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Naka-spread 'yong mga kamay at paa ko. Nag-iisip.

Ang tagal ko na kasing nagtataka. It's been a while since Eli brought me home. 'Yong araw na nakadali ako ng halik sa pisngi niya. Simula n'on, wala pa kong naririnig na kahit ano kay ate.

It was unusual since Eli used to complain and report everything I do to Ate Felize. Kaya palagi akong napagsasabihan sa bahay. Nakailang almusal at hapunan na kami rito sa bahay pero walang kahit sino ang nagsasalita tungkol d'on.

Napakunot 'yong noo ko.

Hindi kaya, nagustuhan ni Eli 'yong halik ko?

A smile suddenly formed on my face. Halos mapunit na 'yong mga labi ko sa lapad ng ngiti ko.

Hindi malabong mangyari 'yong naiisip ko! That's the only possible reason why he hasn't told anyone about it yet.

Napabangon ako sa higaan at saka nag-Indian seat. Hinawakan ko 'yong dalawa kong pisngi at saka tinukod 'yong magkabila kong siko sa kaliwa't kanan kong binti.

"Ang ganda mo talaga, Elise!" kinikilig kong papuri sa sarili.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang saya't kilig na nararamdaman.

Unti-unti akong napahiga at nangingiting naisip na baka gusto na rin ako ni Eli. After years, mutual na 'yong feelings namin?!

Nagpagulong-gulong ako sa higaan at parang ewang natatawa dahil sa kilig.

N'ong mapagod ako, tumigil din ako at saka dumapa. I closed my eyes and grabbed the nearest pillow to hug it.

While smiling, I reminisced the first time I met Eleazar. I was only 13 years old back then while he was 19 same as Ate Felize. Third year na sila n'on sa college.

Sana all na lang talaga ay hindi inabutan ng K-12!

Sa lahat siguro ng bagay na pinilit ako ng mga magulang ko, 'yong pagpilit nila sa 'kin n'on na sumama kay Ate Felize sa Quezon ang hinding-hindi ko irereklamo kahit kailan. They pushed me to go there para maramdaman ko raw 'yong fun sa team building ng organization na sinalihan ni ate. Pero ibang fun naman 'yong naramdaman ko r'on!

Apparently, Eleazar was also part of that non-profit community-serving organization. Pinakilala ko ni Ate Felize sa kaniya n'on.

The first time I laid my eyes on him, I completely knew that my heart felt something more for him. At n'ong isang beses na nginitian niya ko? I told myself that I will win him over. Siya na 'yong lalaking gusto kong pakasalan.

They told me na naging magkaibigan daw sila n'ong first year sila. Simula n'on, naging magkasama na sila sa iba't ibang workshop at organization.

Kahit gusto kong mag-"sana all best friend", hindi ko ginawa kasi ayaw kong maging kaibigan lang. I knew from the beginning that I want to be Mrs. Maceda.

May certain activity sila n'on sa team building nang makita ko siyang umalis. Typical person who doesn't like big crowds and activities like that.

Siyempre, 'di ko na pinalagpas 'yong opportunity na 'yon. Sinundan ko siya at nakita kong pumunta siya sa tabing dagat.

I was amazed when I saw him jumped over the speed boat. Hindi 'yon 'yong karaniwang speed boat. Dad bought one pero mas malaki 'tong sinakyan ni Eleazar.

Black and white kulay 'yong nito at mas malaki sa usual. Kayang magsakay n'on ng anim na tao. Two in front and four at the back.

Umupo siya sa likuran habang may isa pang lalaking nakaupo sa harap, 'yong magpapatakbo ng speed boat.

Waves of Life (Quiseo Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon