Chapter 27: Confession
Kinabukasan, nagising akong sobrang sakit ng mga mata ko.
Hindi 'to namamaga ah! Hindi naman ako umiyak kagabi. Hindi lang talaga ako nakatulog nang maaga.
P'ano ba naman, ang tagal kong hinintay na umalis si Eli! I can't exactly remember what time he left but I think it was around 10 in the evening.
At oo, hindi ako lumabas ng mga oras na 'yon. Hinintay ko siyang mapagod kakatayo sa tapat ng kotse niya.
Ang nakakainis lang, hindi umuwi kagabi sina Aika at Sophia kaya hindi agad umalis diyan si Eli. Pero okay na rin, at least they didn't meet him. Because if they ever did? For sure, they'll ask questions which I can't give an answer to.
Naghilamos at nag-toothbrush na lang muna ko bago nagpaka-busy sa paghahanap ng dress na masusuot para sa birthday ni Laurice.
Kaso, inabot na ko ng anong oras, wala pa rin akong napipili.
Inis kong sambit, "Kaunti na nga lang 'tong mga damit ko, hirap na hirap pa rin akong mamili!"
Napasimangot ako at saka kinuha 'yong dress na pinakamalapit sa pwesto ko. Tinignan ko 'to mula taas hanggang laylayan.
"Okay na 'to," bulong ko sa sarili. "Bagay naman sa 'kin kahit anong damit."
I put it on a hanger before I hang it inside my cabinet. Tapos 'yong ibang damit, tinabi ko na rin para makababa na ko.
Kanina pa ko nagugutom eh. Ano kayang pwedeng almusalin?
Magtimpla na lang kaya ako ng gatas? Chocolate drink?
Sana may tira pang pagkain kahapon.
When I got downstairs, sa sala pa lang, amoy na amoy ko na 'yong mabangong corned beef na niluluto.
Oh? Nakauwi na sila?
Napangiti ako at saka tumakbo papunta sa kitchen. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, langhap na langhap ko agad 'yong mabangong amoy ng ulam namin.
It was Sophia who is cooking our breakfast.
Sumandal ako sa counter at saka sinabing, "Buti naman at hindi na tayo noodles today."
Natatawa siyang lumingon sa 'kin. "Napurga na ko sa noodles. Sa de lata naman tayo magpapapurga," she said before putting her attention back to the corned beef.
Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi niya. Naglakad ako papunta sa dish cabinet para kumuha ng baso.
"Next time, sa fast food naman tayo magpapapurga," natatawa kong suggestion.
Sophia excitedly commented, "Gusto ko 'yan!" Then she asked, "When kaya tayo mapupurga sa mga mamahaling pagkain sa restaurant?"
While walking towards the counter, I smilingly told her, "Mag-bake muna tayo ng maraming cookies, brownies, bread, at cake. Para lalo pang lumago 'yong business natin."
Nang makabalik sa counter, kinuha ko 'yong pitcher sa gilid at saka sinalinan 'yong baso ko. I prefer this sometimes dahil hindi malamig.
"Why not?" she asked with confidence. "There's nothing impossible for those who work hard."
Napangiti ako sa sinabi niya. "True! There's nothing instant but we will get there. We will be successful."
I saw how she nodded while she was removing the lid of the pot with gloves.
When she took a glance of me, she reminded me, "Baking day bukas, huwag kalimutan!"
Tinanguan ko naman siya bilang sagot before I drank the water in my glass all at once.
BINABASA MO ANG
Waves of Life (Quiseo Girls #1)
RomanceAcknowledged by @NA Wattpad (Reading List: You have a beautiful Smile | Humor) Won FWBC Book of the Month The first time Elise has laid her eyes on Eleazar, she knew to herself that she felt something more for him. It is only him who she wants to wi...