NAPASINGHAP SYA, mabilis na kumilos ang braso nya at isinara ang pinto. Pero nagawa pa nitong iharang ang paa.
She squeeled "Get away from me!"
He groaned "Papasukin mo muna ako!"
"No!" Matigas na tanggi nya.
Tinapaktapakan nya ang paa nito.
"Hey-ouch!"tinanggal nito ang paa nang masaktan Ito.
Agad nyang inilock ang pinto. She panicked, halos wala syang maisip.
"Oh no....oh no ..."
"Seriously, gusto lang kitang maka usap" dinig nya mula sa labas "Let's talk "
"Eh kung ayaw ko?" Pagmamatigas nya.
"Then I'll break this fckn door"
She gasped "Excuse me?! That's trespassing!"
"Do you think I care?"
Napasabunot sya ng sariling buhok. She's done for. He's going to kill her!
"Open it or I'll break it? One........."
Lalo syang nagpanic sa pagbibilang nito.
"Two!"
Napapikit sya "Fine! Fine! But atleast let me wash! Kagigising ko lang eh........ang aga nyo kaseng mang istorbo....."
"Make it fast. Two minutes!"
"Heh! Shut up! "
Dali dali syang pumasok ng banyo at mabilis na naligo. Halos magkandarapa sya sa pagbihis at isinuot ang kung ano man ang unang nahawakan ng kamay nya.
Nang makapag ayos, saka lang sya nakahinga ng maluwag.
Para syang dinagsa ng lahat ng stress sa mundo.
"It's over...... I'm dead..."
Huminga sya ng malalim at lumabas ng apartment nya. Lalo syang natakot nang makitang may dalawa pa itong kasamang naka suot ng itim na suit.
"Let's talk somewhere else" mahinang wika nya.
"Somewhere you can kill me in peace...." Bagsak ang balikat nya
" Oh, I'm guessing you still haven't had breakfast yet"
" yeah, the last meal of this lifetime" napailing sya sa naisip
Mabigat syang bumuntong hininga.
Dinala sya nito sa isang kilalang restaurant.
" You can order whatever you want" ani nito
" just coffee and pancakes" maiksing wika nya. This place screams luxury. Mamahalin panigurado ang mga pagkain.
" You sure? According to my research you work a lot. Would that be enough to give you energy for the whole day ?"
She sigh "Bakit mo ba ako gustong makausap? "
"You lied. " Malamig na wika nito.
She felt goosebumps, she's really scared. Pero andito na dinlang sila, why not just end this?
"Paano mo nalaman........" Napatikhim sya at nag iwas ng tingin. Hindi talaga nya matagalan ang mga mata nito.
"P*nyeta, bakit ba kase ang gwapo mo? Tapos parang nakakaturn on yang galit na mukha mo?"
Mahina syang napatikhim dahil sa naisip.
BINABASA MO ANG
Pleasing Daria
WerewolfCompared to other omega blood, Daria is different. Hindi lang iisa ang klase ng pheromones na kaya nyang ilabas. At bilang isang omega, kailangan nyang nagdoble ingat. The society is cruel especially when it comes to omega blood like her. They can p...