Chapter 6

1.5K 67 4
                                    

TULAD ng dati, punong puno ng tao ang bar. Walang tigil ang pag galaw nila at pagdadala ng mga orders.

"Ria table eight" wika ni Jino sa kanya.



Agad nyang kinuha ang tray at dinala sa table.

"Ria, isang bucket ng malamig na beer" wika ng isang guest nila na madalas doon.

Ngunit sya "Coming up!"

Dali dali syang kumuha ng isang bucket ng beer at dinala agad sa table ng mga to.

"Sweet!" Masayang wila ng isang guest sa table na yon.

"Thank you babe" kinindatan sya nito.

Napa iling sya habang nangingiti.

"Hey here" may iniabot itong pera sa  kanya "Thanks for always prioritizing us"

Natawa sya "Baliw! Anong prioritize. Sakto lang na kakabigay ko lang ng order sa kabilang table. Sige na, enjoy your drink!"

Agad nyang inasikaso ang ibang mga table.

Pagkapunta nya sa likod ng bar, napasinghap sya.

"Anong meron? Anong nangyari sa inyo?" Natatawang tanong nya sa  mga kasama.

Para kaseng nabugbog ang mga to at nakalupasay sa sahig.

"Pusang gala  naman kase sila Dan at Iggy. Umabsent ba naman kase ngayon.  Kanina pa ako buhat ng  buhat ng mga tray ng mga alak. " Reklamo ng isa dito.

Natawa sya "Eh sa emergency daw eh. Sige na, paubos na yung mga malamig sa ref. Pagod din naman kami doon eh"

The guys groaned and get back in their feet.

Bumalik sya sa ginagawa. Dahil napakabusy nila, halos hindi na nya namalayan ang oras. Napansin nalang nya na masyado ng malalim ang gabi nang magsimulang magsiuwian ang mga guest.

"Ria, sa VIP 5" ani ng bartender.

Kinuha nya ang mga nakatray na cocktail at  dinala sa VIP area.

Hindi na ganon karami ang tao kaya medyo nakarelax na ang mga ibang servers.

"Excuse sir"  aniya bago pumasok sa VIP room.

Agad din syang umalis nang mailalagay nya sa table ang mga cocktail. Ayaw nyang manood ng mga naglalampungan kaya para syang sinisilaban sa bilis ng pag alis nya.

Paalis na sya ng VIP area nang  makitang nag kulay pula ang ilaw ng VIP3. Ibig sabihin may hindi magandang nangyayari!

Agad syang tumingin sa baba sa kinaroroonan ng guards.

"Kuya Mico!" Tawag nya sa  isa doon.

Tumingin ang mga nakabantay sa kinaroroonan nya at dali daling umakyat sa VIP area. Kasunod non ang pagsigaw ng babae sa loob.

Hindi na nya nahintay ang mga guards at sya na mismo ang pumasok. Napasinghap sya nang makita kung gaano kagulo doon. Sumakit ang ulo nya sa lakas ng Pheromone ng mga lalake. Habang ang dalawang babae naman na entertainer mula sa kanilang bar ay halatang tinangkang gahasain. The one girl is lying unconscious in the couch but thankfully she's still fully clothed. Pero ang isa ay napunit ang damit sa harap at todo takip sa sarili para hindi lumuwa ang dibdib.

Naabutan din nyang natanggal na ang belt ng mga lalake at kaunti nalang ay nakababa na ang mga pantalon.

Agad nyang hinila ang isang babae para hindi nila ito saktan lalo na at nakita nyang namumula ang pisngi nito mula sa sampal.

Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon