NAGTATAKA sya dahil maraming tumitingin sa kanya habang naglalakad sya sa hallway. Kanina pa nya napapansin ito actually, na parang maraming matang nakatingin sa direksyon nya. Hindi nya maiwasang mag alala. Tinignan nya ang Instagram ni Creed, wala naman itong na-upload na picture nyang nakikita ang kanyang mukha. So bakit? Bakit malakas ang kutob nyang sa kanya nakatingin ang mga to?
Naisip nyang isuot ang hood ng damit dahil nacoconsious sya pero natigilan sya nang marealize na wala syang suot na hoodie. She realized that she actually stopped using her hoodies a long time ago. Matagal na simula nang maramdaman nya ang mababang self esteem. Ngayon nakakaramdam sya ng hiya pero wala ang hoodie nya.
Nagyuko nalang sya ng ulo at binilisan ang paglalakad hanggang sa makarating sa classroom para sa next subject nya. Tahimik syang naupo sa isang sulok pero naramdaman nya ang atensyon ng mga estudyante doon mula sa ibang course.
"Hey Daria, congrats" wika ng isang babae doon.
Nagtataka syang tumingin sa mga to. Hindi nya alam kung para saan ang pagbati nito.
"Para.....saan?" Naguguluhan na wika nya
Nagtatakang nagkatinginan ang mga to.
"Hindi mo ba alam? Featured ka sa school blog dahil sa pagkapanalo ng school natin for the Cheerleading competition. It says there na malaki ang naging role mo lalo na at ikaw ang nag design ng Cheerleading uniform this year. Nakita ko yung design mo, it was really dope. Ang galing, I didn't know you can design something like that" wika ng isang babae.
School blog? Alam nyang doon inilalabas ang mga interviews and news about the school. Ni minsan hindi nya binasa ang laman ng school blog nila kaya wala syang idea.
Dali dali nyang kinuha ang phone sa bag at nagpunta sa school page nila. Totoo nga! Kaninang umaga lang inilabas ang blog at marami ng nakabasa. Naroon din ang picture ng Cheerleading team, and also her solo picture at the stage. She is smiling brightly at the picture while holding her award.
Kaya pala sya pinagtitinginan ng mga ibang estudyante, they saw her picture at the school page.
Napalunok sya, iba't ibang emosyon ang nararamdaman nya.
Is she scared? No, wala naman syang dahilan para matakot. Siguro nga hindi sya sanay na nakakatanggap ng malaking atensyon ngunit hindi naman kahihiyan ang dahilan ng lahat ng to. To receive such award is something to be proud of.
Unti unting napuno ang classroom nila, akala nya hindi papasok si Creed dahil kaklase nya ito sa subject na to pero humabol pa ito bago dumating ang instructor.
Tulad ng dati, wala silang imikan at umaktong hindi magkakilala. Napansin nya ang medyo pagsimangot nito nang makitang may umupo sa likod nya kung saan ito laging nauupo. Wala itong choice kundi ang umupo sa medyo may kalayuan na upuan. He look at her and gave her a small smile but she just rolled her eyes at him.
Pareho silang palihim na napangiti. She's happy that he is keeping his word. He promised to act like they don't know each other outside and he is still following the deal.
Ten minutes after the class started, pumasok si Cassandra. She is loud and proud late. Pumasok ito na parang hindi ito late.
Nagpapacute itong ngumiti sa instructor "Sorry sir, I didn't mean it-"
"Che! Wag mo akong artehan. Late is late pang ilang beses na ito" galit na wika ng baklang instructor "No wonder tinanggal ka sa Cheerleading team dahil ang tamad tamad mo at late ka lagi. "
BINABASA MO ANG
Pleasing Daria
WerewolfCompared to other omega blood, Daria is different. Hindi lang iisa ang klase ng pheromones na kaya nyang ilabas. At bilang isang omega, kailangan nyang nagdoble ingat. The society is cruel especially when it comes to omega blood like her. They can p...