"I WAS wondering kung bakit ka biglang lumipat" wika ng Lola nya "Base kase sa report ni Fonse, nakatira ka dati sa bahay ng kaibigan mo."
Peke syang ngumiti "Uhh, nagdecide po akong umalis doon. Medyo matagal na rin naman po akong nakikituloy"
The woman suspiciously look at her "Ang sabi saakin ni Fonse, possible daw na boyfriend mo ang lalakeng yon. Totoo ba?"
Kinagat nya ang loob ng labi, muntik ng malaglag ang ngiti nya. "Me and Creed were never a thing"
Parang hindi ito naniniwala sa sinabi nya. Ngunit hindi na rin ito nagtanong. This morning nagulat sya nang bisitahin sya nito. Her grandmother stayed until lunch.
"So, dito ka na sa bahay ng isa pang kaibigan mo nakikitira?" Tanong nito
Tumango sya "Maghahanap po ako ng apartment within this week. For now, dito muna ako"
"Why apartment? Just get a condo, or di kaya ay bahay nalang. I can ask my assistant to find you one"
Mabilis syang umiling "W-Wag na po. Masyado pong mahal ang mga yon eh. Ok naman po ako sa simpleng apartment."
Ngumiti ito sa kanya "Ano ka ba apo, ako naman ang magbabayad. Para saan pa't naging lola mo ako. "
"P-Po?"
Napailing ito "I can't believe na nagpapart time job ka. Manang mana ka sa mama mo. Mahilig din tumakas ng bahay noon si Tanara, hindi namin alam nagtratrabaho pala sya sa bar. Hindi ko maintindihan kung ano bang nakikita nyo sa mga ganong lugar at doon nyo pa naisip magtrabaho. "
Kinagat nya ang ibabang labi "Sorry po"
Umiling ito "Basta, ako na ang bahala sa lilipatan mong bahay"
"Uhm, lola pwede po bang sabihan ko muna si mama?" Nag aalangan na wika nya "Ayoko namang magalit sya. Isa pa, hindi ko pa po nasabi sa kanya ang tungkol sa pagkakakilala ko sa mga grandparents ko. "
"Do you really need to tell her first?" Parang ayaw makinig na wika nito
Tumango sya "Ayoko pong itago sa kanya ang tungkol sa nangyayari ngayon."
Tumango ito ",Fine, pero magpapahanap na ako ng place in advance ok?"
Tumango sya "Ok po"
"Oh sige na, aalis na ako. May meeting pa ako mamaya", ani nito.
Inihatid nya Ito sa pinto. At nang makaalis na ito ng tuluyan, kinuha nya ang phone at tinawagan ang ina.
"Oh hello my daughter. Kumusta? Mabuti naman at naalala mo ang mga magulang mo" masiglang bungad nito
Napangiti sya nang marinig ang boses nito "Hey ma. I'm ok.....uhmm....ma, tumawag ako kase...... kase may kailangan po akong sabihin"
"Oh, ano yon? Kinakabahan ka yata? Bakit, bumagsak ka sa exam?"
Napailing sya "Hindi yon ma. Ok po mga grades ko. Pero......uhm.....kase....."
"Ano na? Ano ba kase yon?"
Humugot sya ng malalim na hininga "Kase po nitong nakaraang mga araw..... maraming nangyari. Then.....may mga taong sumusunod saakin, hindi ko po sila kilala-"
"Ano?! Ok ka lang? You're safe right?"
"Safe po ako don't worry. It's just that ilang beses ko po silang tinakbuhan. Hanggang sa nalaman kong tauhan sila ng mga .......parents mo.....?"
BINABASA MO ANG
Pleasing Daria
WerewolfCompared to other omega blood, Daria is different. Hindi lang iisa ang klase ng pheromones na kaya nyang ilabas. At bilang isang omega, kailangan nyang nagdoble ingat. The society is cruel especially when it comes to omega blood like her. They can p...