Chapter 38

1.3K 49 14
                                    

NAPANGANGA sya ang makita ang upload ni Pierce sa Instagram kaninang umaga. Picture iyon ni Alyssa kagabi na nasobrahan yata ng alak at naka tulog sa mesa. He even captioned 'Its alright to pass out. You're in  the right hands'.

Hindi nya maiwasang matawa sa  nakita. Kaya naman pala bigla syang tinigilan ni Pierce. May iba na itong kukulitin. Unfortunately it's Alyssa.

Mabilis syang nag comment sa litrato.

'You better treat her right or else.....'

Inakbayan sya ni Creed "Anong nakakatuwa? Did something good happened?"

"Tignan mo oh" nakangiting ipinakita nya dito ang picture "Kaya naman pala biglang nawala ang lokong yun, may nakitang iba. "

Napangisi si Creed "Ok na rin yan at tinigilan ka nya. Hindi sya pwedeng lumapit sayo dahil akin ka lang"


Napailing sya "Ang korni mo. Ok na hindi na nya ako sinusundan pero kawawa naman si Alyssa. Sya yung naging sacrifice ko dito"

"I'm sure hindi naman agad magpapatalo si Alyssa. She got a strong personality.  Wag kang mag alala sa kanya, hindi naman siguro sya pipilitin ni Pierce" wika nito

Nang aasar syang tumingin dito "Oh, really. Himala naman yata na ipinagtatanggol mo si Pierce. Eh dati lang halos patayin mo  sya"

"Eh kase naman inaagaw ka nya. Pero.....pagkatapos nung.......hindi magandang nangyayari satin I realized I should be thankful to him. Hindi ko alam na habang hindi kita binibigyan ng atensyon sya ang tumulong sayo sa mga nangyari sa buhay mo. Because of him you were safe. " Ngumiti ito



Napatango sya "Mabuti naman at naging peaceful na lahat. Just so you know, magkatuluyan man sila ni Alyssa o hindi he is already my friend. So wag mo syang aawayin ng walang sapat na dahilan ha?"



Halatang napipilitan itong tumango "Whatever. Let's go. Nasa sasakyan na lahat ng gamit"

Ngumiti sya at tumango. Ngayon sila pupunta sa probinsya kung saan sya lumaki. Ipapasyal nya si Creed sa lugar na yon, at para na rin maranasan nito ang tumira sa simple at tahimik sa lugar. She wants him to experience peace and take a break from the city.


Nakasimangot si Casper nang lumabas sila. Ayaw kase nitong sumama pero pinilit nya. Unfortunately for their friend, aksidente nyang nakilala ang mga magulang nito nang bumisita sila ni Creed sa condo nito. At si Creed bilang dakilang kaibigan, ipinaalam nito si Casper sa mga magulang nito. His parents are very happy about the invitation at pumayag ang mga ito. Ang sabi nila masyado daw mahilig mag party si Casper at kung saan saang bansa pa ito pumupunta para lang makapag party. Kaya nawalan ng choice si Casper kundi sumama dahil ang allowance nito ang maaagrabyado kung hindi ito susunod.


"Casper, ayusin mo nga yang mukha mo" natatawang wika nya.

"Eh kase naman ang sasama nyo. Gagawin nyo pa akong chaperone nyo! Iinggitin nyo lang ako doon eh!" Naiinis na wika nito

Napahalakhak sya "Ano ka ba, promise maganda doon. "

Para itong batang nagtatampo na tumingin sa ibang direksyon. Napailing nalang sila ni Creed at sumakay na ng sasakyan.  Sa harap sila ni Creed habang sa likod naman si Casper.

Kasabay nilang umuwi ang mga magulang nya ngunit ibang sasakyan ang gamit ng mga to. It was a very long ride, ilang oras din ang byahe.

Si Casper nakatulog agad matapos ang mahabang reklamo nito dahil nang iinggit daw sila. Hindi naman nya kasalanan ba sinubuan nya kanina si Creed matapos silang mag drive through ng pagkain sa McDo. Nagmamaneho ito kaya natural lang na subuan  nya ito para makakain. Pero si Casper nagrereklamo sa likod habang kinakain ang large fries at ilang pagkain na binili nila.

Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon