Chapter 4

1.6K 72 3
                                    

PARA syang ninja nang nasa school sila. Alam nyang may usapan sila, pero wala syang tiwala dito. Si Creed ang tipong hindi mapagkakatiwalaan. He  doesn't really care about what she thinks.


Tulad ngayon, maaga syang pumasok sa klase para makapili sya ng mauupuan.

Umupo sya sa banda na alam nyang hindi uupuan ni Creed. On the center isle at the end row. Usually sa pinaka likod si Creed kaya alam nyang hindi ito uupo malapit sa tabi nya.

Actually, tinakasan nya ito kaninang umaga. Mas maaga syang umalis dahil nabanggit nito na mula ngayon sabay silang papasok.

No way na papayag syang makita sila ng ibang estudyante na sabay silang pumasok! Creed is a well known womanizer, at he's quite popular to ladies. Maraming may gusto dito na babae pero takot silang lumapit dahil sa nakakatakot na warfreak  vibe nito.


Nagsimula ng mapuno ang classroom nila, at agad syang nag iwas ng tingin nang makitang pumasok ito sa klase.

Through her peripheral vision, she saw him looking around.

"Please, don't see me......... I'm not here.... I'm not here...."


Mas iniyuko pa nya ang ulo pero ang kinakatakutan nya ay nangyari. Umupo ito sa katabing upuan.



He gave her a look , probably because she ran away this morning. Nag iwas sya ng tingin.

"I'm dead...."

"Hi Creed"

Pareho silang napatingin ni Creed kay Cassandra na kakarating lang.

Malapad na ngumiti ang babae pero medyo napangiwi sya nang makita ang putok na pink na lipstick nito na napunta sa ngipin nito.

"Good morning..." Masiglang bati pa nito.


Ngunit hindi ito pinansin si Creed. Nangalumbaba lang ito.

Nawala ang ngiti ni Cassandra nang tumingin sa kanya at nagpunta sa likod nya.

"Alis!"

Nagulat sya  nang bigla sya nitong itulak. Muntik na syang sumubsob, mabuti nalang nagawa pa nyang kumapit sa upuan sa harap nya.


Cassandra took her bag and threw  at her.


Nakangiti nitong inilagay ang bag sa upuan nya at akmang uupo na sana nang kunin ni Creed ang pink na mamahaling bag nito at ibinato sa upuan malayo sa kinaroroonan nila.

Everyone gasped and went silent. Bumagsak naman  ang  panga  ni  Cassandra nang makita ang estado ng mamahaling handbag nito.

Creed look seriously at the woman "Your annoying. Get lost"



Tumingin sa paligid si Cassandra. Siguro tinatawanan na ito ng lahat sa loob loob nila. Halata namang napahiya ito.

Creed took her bag and place it back in the chair, which is something that surprised everyone. Usually wala naman talaga itong pake alam sa mga tao sa paligid nito.

Hindi man sya nito tinulungang tumayo pero nagulat parin ang lahat sa ginawa nito kay Cassandra.



Tahimik na pinuntahan ni Cassandra ang bag nito at doon na rin umupo.


Sya naman ay tahimik din na naupo at sinubukang iwasan ang ilang atensyon na nasa kanya.

Pagkatapos ng klase, agad nyang isinuot ang bag at akmang tatayo nang pasikretong hinila ni Creed and hoodie  nya kaya hindi nya matawang tumayo.

Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon