Chapter 28

1.1K 52 4
                                    

HABANG naka upo sa loob ng classroom at naghihintay, akala nya hindi sya mapapansin dahil nakahoodie sya at sa dulo naupo. Pero nagkamali sya, nararamdaman parin nya na  pinag uusapan sya ng Ilan.

"Good morning Daria" bati ng kaklase nya na hindi naman nya dating close.

Tipid syang ngumiti "Good morning"

Maya maya pa ay dumating si Cassandra na naglalakad at  tinanggal ang shades na suot at akala mo naman kung runway ang nilalakaran.

"Good morning guys" maarteng wika nito

"Aba himala, maaga ka yata" kumento ng isa sa mga kaklase nila.

Ngumiti si Cassandra "What are you saying. Lagi naman akong maaga eh"

Napailing ang ilang kaklase nila.

Maarte itong naglakad papunta sa upuan nito at nang makita sya nito, alam nyang nabinat pataas nanaman ang sungay nito.

Naglakad papalapit si Cassandra sa kanya at tinignan sya na parang isang ipis tulad ng laging ginagawa nito.


"Sobrang sikat ka naman yata ngayon" maarteng ani nito saka sya tinignan mula ulo hanggang paa "Just because you're that mysterious girl. Gosh, kahit ilang competition pa ang ipanalo mo hindi mababago ang reality na isa ka lang pulubi. You're just a trash, a garbage, a beggar" tumawa ito "Oh, baka gusto mo ng barya. Marami ako non.."

Napabuntong hininga sya "May nalalaman ka pang pa-good morning pero naninira ka naman ng   umaga. And no, salamat nalang pero hindi ko kailangan ng barya mo. You can keep it. Baka kase maiyak ka pag biglang putulin ng parents mo ang allowance mo"

Cassandra scoff "They'll never do that. I'm their princess. Hindi nila ako matitiis. Unlike you, mahirap kase kayo kaya hindi ka magiging tulad namin. " Humalukipkip ito "Hindi ko nga alam kung bakit pinagkakaguluhan nila ang issue tungkol sayo eh. Wala namang special sayo, ano nalang kaya ang sasabihin ng marami kung nalaman nilang isa ka lang pulubi. I'm sure mangangati silang patalsikin ka paalis ng school"

Pinigilan nya ang sarili na saktan ito. Alam nyang wala din syang mapapala kung maglalaban sila.

Isang pekeng ngiti ang ibinigay nya dito "Go ahead, sige sabihin mo. Wala naman akong dahilan para itago ang  status ko. Wala namang mawawala saakin. It's not my responsibility to make other people accept me. "

"Really?" Ngumisi ito "Dyan ka nagkakamali. Hindi magtatagal mawawala din ang issue tungkol sa relationship nyo ni Creed. Hindi bagay sa isang perfect guy na tulad nya ang  isang pulubi. Bagay sa kanya ang isang katulad ko, a prince deserves a beautiful princess. Hindi sya seryoso sayo..."


"I think nagkakamali ka dyan.." one of their classmates butt in "There's no way na hindi seryoso so Creed kay Daria. Kahit kailan hindi pa pumapasok sa isang serious relationship si Creed alam nating lahat yan.  But with Daria, they actually live together"

Medyo  napaangat ang dalawang kilay nya sa gulat "Ha? Pano mo alam?"

The girl giggled, maraming napangiti sa reaction nya.

"Sino namang hindi makakaalam? Almost everyone saw your cute argument at the comment section last night. Marami kayang nakabasa non" kinikilig na wika ng isang kaklase nila.

Her reaction slowly went sour, bakit hindi naman kase nya naisip na i-delete ang comment nya kagabi?!

"So Daria...." Malaki ang ngiti ng isa pa nilang kaklase "Sa labas ba ng kwarto natulog kagabi si Creed?"

Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon