Chapter 11

1.3K 72 15
                                    

MABIGAT syang bumuntong hininga nang makita ang message sa group chat. Paalis na sya ng school nang makita ang ilang beses na pag mention sa kanya ng president. Of all things, she doesn't like getting her name mentioned in public.

Pinapapunta sya sa club hall para sa another preparation na gagawin kasama ang ilang estudyante. Napatingala sya at agad na nag alala. Hapon na at makulimlim, bubuhos panigurado ang mabigat na ulan kaya gusto na nyang umuwi. Baka wala na syang masakyan.

Hindi na sana nya papansinin nang muli syang i-mention ng vice president. Tumingin sya sa paligid, halos nag uuwian na ang lahat.

Wala na syang nagawa kundi ang magpunta sa club hall kung saan sila tinipon. Nang pumasok sya,  agad nyang napansin ang mahinang tawanan ng mga council nang makita ang pagpasok nya.

She realized na pinagtritripan sya ng mga to kaya sya laging binabanggit. May ilang mga estudyante doon, hindi pa hihigit sa dalawampu ang naroon kasama ang limang council member. The president is smirking, halatang nananadya nanaman ito.

"Ok, magsimula na tayo sa meeting-"

Napatigil sa pagsasalita ang president nang magring ang phone nya. Napamura sya sa isip nya dahil nakalimutan nyang ibalik sa mute ang phone.

"Daria, please turn it off" utos sa kanya ng president.

Gagawin sana nya ang sinabi nito nang makita ang pangalan ng tumatawag. She can't chose the club over him again. Magpapaalam sya ng maayos dito

"Excuse me, saglit lang. Magpapaalam lang ako " aniya sa president at agad na sinagot ito.

"Nasan ka? Tapos na ang klase mo diba?"  bungad nito

"Tinawag ulit kase ako sa club. Uuwi din ako agad after this. I'll call you later-"

"Daria turn that off" pikon na ulit ng president kahit halos  bumulong na sya sa pagsasalita "I don't care whoever that is, you're in a fckng meeting!"

Namutla sya, magpapaalam na sana kay Creed nang makitang ito na ang pumatay sa tawag.

Nahihiyang ibinaba nya ang phone at napayuko. Inayos nya ang pagkakasuot ng hood ng jacket nya. Alam nyang pinagtitinginan sya ng lahat.

"Next time wag mo ng sasagutin ang kung sino man ang tumawag sayo" lalo pa sya nitong ipinapahiya. "Wala ka na ngang itinutulong-"

Napatingin silang sa pinto nang biglang bumukas iyon. May mga napasinghap nang makita si Creed na pumasok. Kasama nito sila Gun, Casper at ilang mga kaibigan nito na hindi pa nya nakikilala. He looks serious as he walks towards the president.

Kinabahan sya sa maaaring mangyari. Ano naman ang magdadala kay Creed dito?

"Creed! What a surprise!" Masayang wika ng president "It's rare to have you around. Ano naman ang nagdala sa inyo  dito?"

Hindi sumagot si Creed, pero laking gulat nila ang dumapo ang kamao nito sa mukha ng president na ikinabagsak nito.

Agad syang napatayo sa gulat. Naalarma din ang ibang tao sa paligid.

Napahawak sa pisngi ang lalake, tumayo ito "Why the fck did you do that-"

Hindi  ito pinatapos ni Creed ay muling sinuntok ng malakas.

"Creed-" tumingin sya sa humawak sa balikat nya. Si Casper iyon.

"Stay here, he's really pissed at that fcker. " Bulong nito.

Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon