DAYS went quite fast. Nagawa din nyang makapag adjust kay Creed. At lagi nya itong inuunahan na pumasok dahil ayaw nya itong makasabay. Pag nasa school naman sila, gumagaling syang magtago.
Kumuha sya ng libro at umupo sa dulo. Wala ng katao tao sa library tanging ang librarian nalang dahil alas sais na ng hapon. May pasok pa kase sya ng pang seven o'clock, at Ilan lang ang estudyante sa subject na yon.
Habang wala pang klase, inabala nyang magresearch sa mga assignments nya para hindi na sya magkaproblema sa trabaho nya.
"Hi",
Napatingala sya sa boses na bumati sa kanya. Ito yung lalakeng bisita noon ni Creed.
"Mag isa ka lang?" Tanong nito.
Tango lang ang isinagot nya.
"I'm Gun by the way. "Pakilala nito. "you're Daria right?"
Muli syang tumango.
Napakunot noo ito "do I....make you uncomfortable?"
Umiling sya, saka narealize na hindi sya umiimik "Oh sorry"
Lumapad ang ngiti nito at umupo sa harap nya "It's ok"
Napatango lang sya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Alam mo......malaking advantage sayo kung hahayaan mong malaman ng maraming tao na may kuneksyon ka kay Creed" maya maya ay wika nito.
Natigilan sya sa pagbabasa at tumingin dito.
"I heard you get bullied sometimes" dagdag pa nito.
Bumuntong hininga sya at isinara ang libro "Kung lalake siguro ako, pwede pa. But since I'm a girl, I'm sure pag iinitan ako ng mga babae. "
Umiling ito "Hindi mangyayari yan. Sa oras na may magtangkang manakit sayo, magbabayad sila kay Creed. I've known him since we were kids. Ang tanging babae lang na mahal nya ay ang mommy nya. Yung ibang babae mga flings lang tingin nya. Kaya nagulat ako nang may hanapin syang babae. Nacurius ako, sino ba itong babaeng nakaagaw ng attensyon nya?"
"He only wants my phermone. " Maiksing sabi nya
"Alam ko" sang ayon nito "Pero sa tingin ko hindi lang yon ang kailangan nya sayo. If he only wants your phermone, marami namang paraan para makuha nya yon sayo. He doesn't have to take you to his house and let you invade his private space"
Nagkibit balikat sya "Don't get the wrong idea. Sapilitan nya akong dinala sa bahay nya dahil tumanggi ako sa gusto nya. Wala rin naman akong laban, he's from a powerful family. Habang ako wala akong pamilya sa lugar ba to, I'm not rich either. There's no way I can go against him. That's why I have to compromise and try to survive. Hindi naman ako papayag na habang buhay nalang akong magiging alila nya. Time will come, I will free myself"
Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito "It's amazing that you're different. Kung sa ibang babae nangyari ito, I'm sure hindi sila mag aaksaya ng panahon at aakitin nila si Creed. Ladies are dying to cling in his arms and claim him as theirs"
Mabigat syang bumuntong hininga "Sana nga ibang babae nalang. I'm really stressed out"
"What's stressing you out?"
Muntik na syang mapatalon sa kinauupuan dahil sa pamilyar na boses mula sa likod nya.
Dahan dahan syang tumingin sa likod. Creed is looking at her.
"Andito ka pala Gun eh" wika ng isang lalake na kasama ni Creed "If you're planning to flirt with someone sabihin mo agad para hindi na kita hanapin" tumingin ang lalake sa kanya "Hi, I'm Casper"
BINABASA MO ANG
Pleasing Daria
WerewolfCompared to other omega blood, Daria is different. Hindi lang iisa ang klase ng pheromones na kaya nyang ilabas. At bilang isang omega, kailangan nyang nagdoble ingat. The society is cruel especially when it comes to omega blood like her. They can p...