Chapter 23

1.2K 46 1
                                    

🍀Note:Pagpasensyahan nyo na ang author nyo at naging sobrang busy ako nitong nakaraang ilang linggo.
At dahil matagal akong nawala, dadagdagan ko ng chapters natin 😁 happy reading!!! 💙


MATAPOS ang ilang araw na torture na hindi makapaglakad at hindi makatakbo palayo kay Creed, sa wakas ay nagawa din nyang pumasok. Ilang araw din ang itinagal bago nya muling magawang maglakad ng maayos.




Kahit may pasok sila, halos hindi sya iwan ni Creed. Pag pumapasok ito, umuuwi din pag may mahabang break. Hindi ito nagtatagal sa school dahil sa kalagayan nya. Kahit sabihan nya ito na wag syang isipin dahil kaya nya ang sarili ay hindi ito nakinig.

Kung pwede pa nga ay wag na syang gumalaw at ito na ang gagawa ng lahat. Akala mo naman paralyzed patient sya at pati ang pagsubo ng pagkain nya ay gusto nitong gawin.

Nang magdesisyon syang pumasok ng araw na yon, ayaw sya nitong payagan. Pero sipa ang binigay nya dito bago pumasok sa school.



She can finally walk straight, pero hindi nya kayang tumakbo ng mabilis. Hindi rin nya kayang umakyat at bumaba ng mataas na hagdan. Kaya nagdadahan dahan sya sa pagpalakad. Lalo na at ang buto nya ang masakit.


Nang makapasok sya, napansin nya na wala namang nakakakilala sa kanya. Mukhang sumunod sa usapan ang mga instructor na wag ilabas ang identity nya. People are ignoring her and pays no attention to her.

Nang magbasa sya ng student school blog tungkol sa intrams, sinabi lang doon na galing sa department nila ang nanalo pero hindi na sinabi  ang mga pangalan ng mga sumali sa race. Binanggit din doon ang insidente tungkol sa semi finals, pati na rin ang gulo na ginawa ng former champion.

Ayon sa mga comments, maraming gustong makaalam sa pangalan nya. Curious sila sa identity nya.


Dapat lang talaga na wag nyang ipagsabi. What if they expect her to win again? What a very heavy burden to bear.

"Daria" bulong ng kaklase na lumapit sa kanya "Kumusta ka na?"


Unti unti syang napakunot noo nang makita kung sino ito. Isa ito sa mga  nakasama nya sa race.

"Kaklase kita?" Gulat na tanong nya


Ilang buwan na nya itong naging kaklase pero hindi manlang nya kilala kahit  ang mukha nito.


Tumango ito "Gulat ka din no? Ngayon ko lang din nalaman ang tungkol sa existence mo"


Tumango sya "Ako rin"

Natawa ito ng mahina "So,.kumusta ka na nga? Ok na ba ang mga binti mo? You seriously ran so fast"

Nagkibit balilat sya "Ok naman kumpara noong araw na yon. Ilang araw din akong hindi nakalakad eh. Pero ok na"

Napangiwi ito "Eh yung ano......yung....alam mo na....yung mga kagat at kalmot ni ano...."


Napahawak sya sa balikat "Halos wala na. Kaunti nalang at  tuluyan ng naghilom. "


Napatango ito at napaharap sa board nang pumasok ang instructor nila.





Ilang missed calls ang natanggap nya mula kay Creed nang muli nyang tignan ang phone. He was trying to check her condition kahit sinabi nyang ok lang sya.


Pagkatapos ng lahat ng klase nya, nagpunta sya sa club upang makita kung kumusta ang mga  ito.  Pero nasalubong nya si doctor Deacon sa daan.



Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon