Chapter 22

1.2K 54 6
                                    

LAST round na at hindi parin ganon kalaki ang lamang ng score ng dalawang team. Kasalukuyang mas nakalamang ang kalaban nila Creed.



Hapos pigilan nya ang hininga sa bawat attempt ng mga to na maka score. And after a few minutes they finally catch up again. The score tied, hindi parin masabi hanggang ngayon kung sino ang mananalo.



Napatingin sya sa oras, ilang minuto nalang at matatapos na ang laro. Paano kung maging tie ang score.


Then when Creed's team got the ball, napatayo sila ay umaasang makaka score ang mga to. Hinawakan ni Casper ang palad nya ay parehong humigpit ang kapit nila lalo na nang makitang nagpapasahan ang mga to ng bola.


Naghigpit naman ang bantay ng kabilang team pero sinipa ng kasama ni Creed ang bola sa kasama  nito, saka muling sinipa sa ibang kasama. And when the ball is already near the goal, sinipa nila Ito ng malakas.

Nagpigil hininga sila pero nanghinayang nang hindi pumasok ang bola at sa poste tumama. Pero muli silang napapigil ng hininga nang makitang hinabol ni Creed ang nag bounce na bola at malakas na sinipa iyon.

Parang nagslowmotion ang lahat. Sinubukang pigilan ng goal keeper ang bola, he jumped and tried to block the ball. The tip of his finger touched it but it wasn't enough to stop it from entering.



Malakas silang napasigaw nang pumasok ang bola at nakapag score sila Creed. Nagawa pa nilang makapag habol ng puntos at nalamangan ang kalaban bago matapos ang laro.

Napapalakpak sya at hindi mapigilang mapangiti habang masayang nakatingin kay Creed. He is covered in his own sweat and catching his breath.


Tumingin ito sa kinaroroonan nila at ngumiti sa kanya. She gave him two full thumbs and and a clap.


"You two are so mushy " hindi mapigilan na wika ni Casper.

Hindi nya ito pinansin at masaya parin na nakatingin kay Creed.


Napakunot noo sya nang makitang nagtatanggalan ng jersey ang mga kasama nito at  ibinibigay sa kung sinong mga babae.

"Ah, usually ginagawa yan ng mga players pagkatapos ng laro. You know, like flirting with the girls"  wika ni Casper nang mapansin ang pagtataka nya.


Unti unting nawala ang ngiti nya nang  makitang may magandang babae na lumapit kay Creed. She is obviously flirting with him. And when she suddenly kissed his cheeks, nakaramdam sya ng galit. She felt something unfamiliar building inside her.

Sumeryoso ang mukha nya habang nakatingin dito mula sa kinaroroonan. Then Creed look up at her pero hindi na nya sinalubong ang tingin nito. Nakita nyang muli nitong kinausap ang babae na mas lalong dumagdag sa inis nya.

Hinawakan ni Casper ang braso nya "Daria-"

Tumigil ito nang magring ang phone nya.


Message iyon mula sa instructor na tinatawag nya.

"Daria-"


"Let me go Casper" seryosong wika nya "May competition pa akong pupuntahan",

"Hah?" Gulat na wika nito "Competition?"

Marahas nyang inagaw ang kamay at naglakad palayo. She's too pissed to notice that she's no longer feeling any pain and she's walking straight.

Nagpunta sya sa department nila at naabutan ang instructor doon na hinihintay sya.

Nagulat ito nang makitang wala syang problema sa pagpalakad. "You're fine!"




Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon