Chapter 21

1.1K 41 1
                                    

SHE is so disappointed. Parang walang silbi ang mga pinaghirapan nya. Nanalo nga sila sa semi finals pero hindi naman sya makakasali sa final match. Wala syang pake alam kung  hindi dinlang mananalo doon, ang important nagawa nyang tapusin ang lahat ng laban.

Mabigat syang bumuntong hininga at naiinis sa nangyari. Bakit ba kase nandaya ang kabilang team? Bakit kailangan nilang gawin iyon?


Tumabi sa kanya si Creed at yumakap. "It's really ok. Wag mo ng isipin yon, lalo ka lang nang hihinayang"

Tumingin sya dito, her disappointment is really deep. Hindi nya iyon maitago kaya siguro lagi syang linalapitan ni Creed at sinusubukang pagaanin ang loob nya.

Kinalas nya ang yakap nito at humarap dito saka sya naman ang yumakap. Naramdaman nya ang pag haplos nito sa likod nya saka mahigpit na yumakap.

"Alam ko sobrang disappointed ka. Nakakapanghinayang pero wala naman tayong magagawa sa sitwasyon mo. I wish I can do something pero wala eh. " Ani nito "When I saw you fall into the ground, sobrang nagalit ako. But I really want you to stand and fight again dahil alam kong kaya mo. But when I saw your injured leg, natakot ako at nag alala. I was worried na baka sobra ang sakit ng paa mo o di kaya ay mas malala pa. But you proved us all wrong. You ran again, and you won. Kaya Daria wag kang manghinayang.  Dahil alam kong nakuha mo ang respeto ng lahat. You showed us something amazing"..

Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi kasabay ng pagtulo ng luha nya. Mabilis nya iyong pinunasan at pinigilan na maging mas emosyonal.


Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at ipinatong ang noo sa  kanya "Bakit hindi mo sinabi? You should've told me that you were joining. You have no idea how happy and scared I was when you fell, you were so strong"


"Alam mo ba kung bakit ako tumayo kahit sobrang sakit ng paa ko? Kahit injured na ako? Do you know why I badly want to win?"

Mahina itong umiling "Why?"

Napalunok sya "Because you won"

Natigilan ito, naguguluhan nitong sinalubong ang mga mata nya "Ano?"

Bumuntong hininga sya "I...... pinanood ko yung game nyo. Kaso hindi ko napanood ng buo kase nasa practice ako. Pero sinubukan kong humabol. I was there at the last minute and I saw your team won. I was so happy. Then I imagined, paano kung pareho tayong makakapasok sa final? Wouldn't that be amazing?....." Namuo ang luha sa mga mata nya "Alam mo, I was never been this disappointed my whole life.......sobrang nakakainis pala"


Hindi na nya napigilan ang pagtulo ng luha nya. Tila lumabas ang sama ng loob nya  sa lahat ng nangyari.

Umiling si Creed at pinunasan ang luha nya saka sya yinakap "Shh, it's ok. Don't cry, please don't cry. "

Hinagod nito ang likod nya at pinapakalma sya.

"Ok lang yan Daria.  Tulad ng sinabi ko, may next year pa. We can still enter the competition and win together so please... Don't cry" malambing na wika nito.

Hinalikan nito ang  mga kamay nya at pinagsalikop ang mga palad nila.


"Wag ka ng pumasok bukas, baka mas lalo lang sumama ang loob mo. Magpahinga ka nalang" ani nito

Umiling sya "Kailangan kong pumunta. May game ka pa diba?  I promised na manonood ako ng last game"

Tumango ito "Ok, watch me. I'll win for you"

Ngumiti sya at tumango "Dapat lang"

Napangiti ito "I will. I promise I will. ."






Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon