Chapter 8

1.3K 68 4
                                    

NAIINIS nyang nilagay sa mute ang group chat ng club nila. Sobrang ingay kase non sa tuwing binubuksan nya ang phone. Ilang linggo palang silang member pero kung anu ano na ang pinag uutos ng mga to sa mga baguhan na members. Hindi naman nya pinapansin at lagi syang busy.

Nagpunta sya sa kabilang building  para dalhin ang report nya sa isang subject sa isang instructor nya.

Nang maibigay nya ang report sa faculty room, dumaan sya sa old building dahil walang gaanong tao doon. Just as she was passing by, she heard a loud moan.

Nagulat sya at luminga linga. Hindi nya pinansin iyon at nagpatuloy sa paglalakad pero habang naglalakad sya sa  iisang direction parang mas lalong lumalakas ang ungol. Hanggang sa napatigil sya sa isang madilim na classroom.  Hindi sinasadyang nakita nya ang mga taong gumagawa ng kung anong kamunduhan. And she clearly saw the faces of those people. Hindi sya maaaring magkamali, ang lalake ay ang president ng club na kinabibilangan nya.


Dali dali syang umalis doon dahil sumasakit ang ulo nya sa mga pheromone ng mga to.


Nang makalayo sya saka lang sya nakahinga ng maluwag. Totoo pala ang sinabi ni Gun tungkol sa president. That guy is dangerous.

Pagkatapos ng ilang klase nya, linapitan nya ang class head nila.


"Excuse me, pwede ba kong makahingi ng club application form tapos list ng available clubs?"  Nahihiyang wika nya.



Hindi kase nya kinakausap ang mga kaklase, wala syang kaclose sa mga ka-year level nya.

"Hindi ka ba kumuha noon?" Tanong nito "Dapat kumuha ka, baka hindi na sila tumanggap ng form sa ibang clubs. "



"Kumuha ako noon, gusto ko lang lumipat" mahinang aniya

Parang wala itong ganang kausap sya. Nakayuko kase ang ulo nya at hindi tumitingin ng deretso dito. And as usual, her hear is covered with hoodie again. And the guy is also a vampire..

"Wag ka ng lumipat" tinatamad na wika nito

"Please, kahit isang form lang" pamamakaawa nya.


Kailangan nyang umalis sa club na yon.


Umiling ito "Ubos na yong form. Sorry, next sem ka nalang lumipat"




Alam nyang nagsisinungaling ito pero wala naman syang lakas ng loob na pilitin ito. Hindi naman sila close kaya wala syang nagawa. Kinuha nya ang bag saka lumabas ng klase. Hindi nalang nya papansinin ang club at bahala na next sem.





"Daria!"



Nanigas sya nang marinig ang boses mula sa taong binabalak nyang iwasan. Dahan dahan syang humarap dito at iniyuko ang ulo.


"Bakit pres?" Tanong nya

"Napansin ko lang kase na hindi ka masyadong active sa club. Ilang linggo ka ng member pero hindi ka sumasali sa group chat" masiglang wika nito

Napalunok sya "Busy kase ako. Sorry. "


Umiling ito "Hindi pwede yan. How about we compromise. Let's talk somewhere else"


Kinabahan sya, paano kung may gawin ito sa kanya ?

"Uhm.....may.....may pasok pa ako eh" pagsisinungaling nya.


He chuckled" Alam kong wala. I checked every schedule ng mga members kaya alam ko. Wala kang pasok for the next hour"


Nanlamig ang kamay nya "May  research assignment ang next class ko. Kaya kailangan kong magpunta sa library para tapusin yon.  May essay din doon kaya kailangan kong umalis. Sorry"


Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon