Chapter 14

1.3K 56 0
                                    

CHEERLEADING club is one of the most popular club. Laging nakakaagaw ng atensyon ang mga members. Tulad nalang ngayon.


Pagkatapos ng morning class nya, nagpunta sya sa cafeteria para kumain dahil nagugutom na sya.


Matapos kumuha ng pagkain, naupo sya sa isang bakanteng mesa. Hindi na ganon karami ang mga estudyante doon, siguro dahil patapos na ang lunch.


Mabilis syang nagbaba ng ulo nang makita si Cassandra at ang minions nito na pumasok sa cafeteria. Hindi sya nakaligtas nang madaanan nito ang table nya. Akala  nya kung ano na ang gagawin nito, pero irap lang ang binigay nito saka nagpunta sa kabilang bakanteng table.



Kasunod non ang pagpasok nila Cheena sa cafeteria. Napatingin sa mga to ang ibang tao sa loob. Beautiful girls can really grab attention without efforts.  Matapos kumuha ng pagkain, tumingin ito ng mauupuan.


"Captain!" Tawag ni Cassandra sa mga to at inaaya ang mga to sa table nya.



Napairap ang mga babae sa pekeng ugali si Cassandra. Ofcourse, if you stick with the popular girls pwede kang sumikat katulad nila.


Ngumiti si Cheena nang makita sya. Inaya nito ang mga babae at nagpunta sa table nya.



"Wala kang kasama?" Tanong nito saka umupo sa harap nya.


Umiling sya "Wala naman"


Nagsi upo ang mga to sa  kinaroroonan nya. Nakita nya pa ang hindi magandang tingin na ibinibigay ni Cassandra sa kanila. Halatang hindi nagustuhan ang nangyari.



"Hayaan mo sya, inggit lang yang babaeng yan" wika ni Charlotte



"Bakit hindi kayo pumunta sa table nya?" Tanong nya kahit may ideya na sya sa dahilan ng mga to.



Napairap sa hangin si Camila "My gosh, alam mo naman na peke ang babaeng yan. She acts like the nice girl at pavictim, kahit napaka itim naman ng budhi nya"



Napailing sya saka nagpatuloy na kumain.



"Nga pala, bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?" Nakangiti tanong ni Lizzy



Napakunot noo sya "Boyfriend?"



Nagkatinginan ang mga to "Si Creed"



Agad syang napa ubo dahil muntik na syang mabilaukan nang banggitin ng mga to ang  pangalang yon.


"Sorry....hindi ko sya boyfriend" pagtatama nya.



"But he likes you" Cheena teased


Namula ang pisngi nya "Ha? Hindi ah. Malakas lang mangtrip  yon... Basta! Hindi kami, walang kami"


Nakasimangot na bumuntong hininga di Camila "Ang unfair naman. Marami kaming may gusto sa kanya for a long time. We really want him to look at us pero kahit anong gawin namin he just ignores us. Tapos ikaw na gusto nya, hindi mo manlang sya gusto. Kainis ka"



Awkward syang napangiti "S-Sorry?"



Nakangiting napailing si Cheena " Give it up Camila, kahit marami kayong member ng cheerleading team ang may gusto sa kanya si Daria lang ang gusto nya. Kita mo naman, he even forced her to live with him."




Nanlaki ang mga mata ng ibang  mga babae doon "Totoo?"




"Sa tingin nyo, bakit sya sinundo kahit gabi na?" Nakangiti na ani ni Alyssa "Syempre, saang bahay pa ba sya iuuwi?"




Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon