Chapter 19

1.2K 53 4
                                    

KINABAHAN sya nang tawagin sila ng department for the preliminary rounds. They will have competition with the other students from their department at lima lang ang mapipili para sa final competition kasama ang ibang departments.

Ngayon kailangan nilang magpalit ng anyo at iprisinta ang sarili sa head ng department. Naghintay sya sa labas habang nakapila. May changing room sa sariling gym ng department nila at hindi sila sabay sabay na pupunta. They have to enter one by one to get examined in their physiques through wolf form.

Nagpahuli sya dahil ayaw nyang may makakita sa kanya. Her wolf color is quite different after all. Hindi nya alam, baka pagtawanan sya ng mga ibang kadepartment. .

Matapos ang napakahabang oras, sa wakas ay sya naman ang tinawag.

"You can remove your clothes at the changing room and shift" wika ng isang instructor doon.

Doon nya napansin na may isa pang extra na tao doon. Hindi ito kasama sa department nila kaya naisip nyang baka kasama ito sa panel or judge ng competition. Maybe to see who could possibly get chosen.

Ibinaba nya ang bag sa gilid at naunang tinanggal ang jacket bago pumasok sa malawak na changing room. She took off all of her clothes and neatly folded them.

Humugot sya ng malalim na hininga. She spared no effort on shifting into her huge wolf. Nang lumabas sya, napatayo sa gulat ang head ng department.

"Y-You..... you're Daria?" Gulat na wika nito "You're miss Daria Karev? You're an omega right?"

Tango lang ang isinagot nya dito dahil hindi naman sya makapag salita.

Tumayo ang isang instructor at pinagmasdan ang pangangatawan ng kanyang lobo.

"O-Ok, pwede ka ng magbihis" ani nito.

Bumalik sya sa  changing room at bumalik sa dating anyo saka nagdamit bago lumabas.

Pinaupo sya ng mga to sa harap.

"I'm sorry, nagulat lang kami" wika ng dean nila "I know you, naalala ko pa noong nagpa enrol ka dito. Napakatahimik mo at lagi kang naka yuko. You were always letting that girl...uhm.. what's her name again...Oh, Cassandra, lagi ka nyang pinapahiya. She was always bullying you. Hindi ko inaasahan ito, your wolf is really big for a normal omega"

Napalunok sya at nahihiyang nagbaba ng tingin. Hindi nya alam kung anong sasabihin. She doesn't really talk to her instructors.

"Ilang taon ka nang una kang mag shift?" Tanong ng isang instructor.

Napaisip sya "Medyo maaga po sabi ni mama. Around.....twelve? Thirteen? Around that age po"

"Pretty early" mahinang wika ng dean "And when you shift, how long does it usually take?"

Nagkibit balikat sya "I shift just fine. I can change right away"

Napatango ito at tumingin sa instructor. Parang nag uusap ng mga mata ng mga to.

"Daria, kung papasa ka sa  preliminary match at maganda ang performance mo I think isasabak ka namin sa final match" wika ng dean.

Nanlaki ang mga mata nya at bumilis ang tibok ng puso nya "Po?!"

"Kung napapansin mo, your wolf is different. Usually omega wolves are not as big as you. Iniisip namin na puro alpha ladies ang isasabak namin pero kung maganda ang ipapakita mo I think it's good to give you a slot for the finals" dagdag nito

Napalunok sya "P-Pero.....sa tingin ko....wala akong laban dun sa ano....dun sa may.....sa dating nanalo..."

"We can't really tell hija" wika ng isang judge "Why not give it a try?"

Pleasing DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon