Chapter 8: Dress Designer

8.7K 494 41
                                    

Jusko magt-two weeks na hindi parin lumabas si Mel sa kwarto niya, maybe nabaliw talaga siya ng tuluyan?! Eeek- it means mission failed talaga ako

I always visit her pero sabi talaga ng maid bawal daw siya istorbohin. I even asked Rios to go check on her pero sagot niya hindi daw pwede.

"WALA KA TALAGANG SILBI! RIOS NAMAN BAKA NABALIW NA SI MEL!" inis na sigaw ko kay Rios sabay bato ng unan. Pero tumagos lang yung unan sa katawan niya.

Not to mention school is coming up, NAMAN EH! Kahit sa nobela may paaralan padin? Iniiwasan ko kaya yan noon, I can't believe I'm going to school again.

Nagtatrabaho na kaya ako! though I forgot kung ano ang trabaho ko, AISHHHH! Nakakatamad namang mag-aral. I'm sure Erina's preparing for school na.

In the novel, nung sakanya ang point of view. She was busy preparing for school at busy din siya sa pagrereklamo tungkol kay Gareth.

Si King ay kasama ngayon si Erina since siya yung Knight and bodyguard.

Si Gareth? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanya, basta last naming pagkikita ay nung debut ni Mel. Atsaka bad mood din siya non. Ewan ko kung bakit...

Si Magnus? Wala din akong alam, I'm sure he's napping somewhere sa mga puno. According sa novel, mahilig siyang matulog sa mga puno.

Atsaka walang oras si Magnus sa pagprepare or study sa school since matalino naman yun. Kahit si Gareth ang male lead, si Magnus ang top 1.

I'm sure magkakaibigan sina Magnus, Gareth at King sa academy. Dahil din kay Erina ay nagkafriends sila, edi sana all sakanila.

Samantalang kami ay nabuhay lang para mamatay, hayssss. I really need to make sure na safe si Mel, pupuntahan ko ulit siya ngayon.

I went downstairs and saw my parents and brother sa living room. Ah, nakalimutan kong sabihin sakanila na iba ang kukunin kong course.

"Oh Herabella anak, ready ka na ba sa royalty course mo?" nakangiting bati ni Mama sakin. I call them Mama and Papa like Herabella call them.

"I'm going to take the business course po. I have decided this 2 weeks ago, pasensya na kung ngayon ko lang nasabi." Nagtinginann naman sina Mama at papa.

Tsaka tumingin kay Harris na nasa harapan lang nila. "Pinilit ka na naman ba ni Harris anak? You don't have to agree, you have to pursue your dreams."

"Oo nga-

"Ma, pa we need another business expert sa pamilya natin. Alam niyo naman ang sitwasyon natin, naghihirap na tayo." Harris intruded. "And Herabella already agreed."

Tama si Harris, I'm sure sino-spoil nila si Herabella na kunin ang kursong gusto niya. Too bad I don't like the royalty course. Its dream over needs, at kailangan ng pamilya ko ang tulong ko.

"Ok lang po, I already talked to big brother about this and kusa po akong nagdecision. Harris didn't force me, I decided this on my own." Ang babait ng pamilya ni Hera.

Kahit naghihirap sila, pino-pursue parin nilang kunin ang dream course ni Herabella. Pero like I said, hindi ako si Herabella. So I'm doing this for them...

"S-sure ka ba tallaga anak?" tumango naman ako at ngumiti. I'm sure they also want me to take the business course pero hindi nila pinipressure si Herabella.

"Thank you." Tsaka nila ako niyakap. Harris smiled at me naman and mouthed 'thank you'

Nagpaalam na ako sakanila upang bisitahin si Mel, mabilis lang ang byahe at ng nakarating ako don. The maids lead the way patungo sa kwarto niya...

The maids only bring her food sa room niya, walang ni isa sakanila ang concern sa health ni Mel. Nako naman pag hindi ako pumupunta dito, baka nakalimutan na nilang magbigay ng pagkain kay Mel.

But since araw araw akong pumunta dito, they kept serving kahit labag sa kalooban nila. Pati sa sariling pamamahay ni Mel wala paring may gusto sakanya.

Mabait naman siya ah, maybe they just don't want to serve a chubby master. Duh, mapili din kasi ang mga servants dito. Gusto ata nila ng maganda na amo.

Baka nabaliw na nga si Mel? What am I gonna do?! Two weeks na siyang hindi lumalabas- "Hey you. Lumabas ba ang prinsesa?"

Maybe because napaka-mean pakinggan ng boses ko eh natakot yung katulong, hayssss. Dapat lang no."H-hindi po..."

I knocked at the door and thank god she finally opened it! agad akong pumasok at super duper dilim ng kwarto ni Mel. Ang tanging ilaw lang ay sa labas pero naka cover naman ng curtain.

Para tuloy siyang aswang dahil sa ginawa niya. "Princess Mel? I... Asan ka?"

Buset hindi na ako nakatiis at binuksan na ang ilaw, bahala na siya kung magalit. Akala ko nga patay na siya kung hindi pa niya binuksan ang pinto ng kwarto niya.

And to my surprise, puro tela lang ang nakikita ko sa paligid. Tambak tambak ng dress ang isang side at may sewing machine naman sa isang gilid. Kaya pala ang hirap gumalaw.

"P-PRINCESS?! ANONG NANGY- WHAT THE-" halos hindi ako makapaniwala dahil sa nakita ko, It's the princess... and she's so payat! What!? Why?!

Like literally para siyang isang model dahil sobrang loose ng dress na suot niya. did she lose weight!? Obviously she did pero nagawa niya iyon in two weeks?! At walang kain kain!?

Nasa isang gilid lang siya nagtatahi parin at sobrang focus sa pinagagawa niya. Pero hindi ba siya mamatay pag hindi kumain or uminom man lang ng tubig?!

I looked around and saw some tray of food, I inhaled in relief.

Buti nalang at kumakain parin siya, pero she did loose weight in two weeks. Agad agad? Well... nasa nobela naman kami kaya siguro posibleng mangyari iyon?

Hindi ako makapaniwala na para na siyang dyosa tingnan dahil sa bagong anyo niya. Well alam kong maganda na siya with her chubby face...

Ang hindi ko inexpect ay yung nawalan siya ng timbang. Hindi talaga to nangyari sa novel, ano ba ginagawa niya? nag...tatahi ng dress? Is she making dress?

"L-lady Hera! Did you see the dress I created in a few days!?" biglang sigaw niya pagktapos niyang manahi at ipinakita ang dress na kakatapos niya lang.

Wow I never thought na ganito siya ka talented sa paggawa ng dress, I mean a princess creating such awesome dresses is so rare to see.

Ito ba yung epekto ng break up ni Gareth? Dahil sa sakit ay naglibang nalang siyang gumawa ng dress? She created tons of dresses in 2 weeks not to mention ang ganda pa.

"I HAVE DECIDED TO BE A DRESS DESIGNER!" sigaw niya ulit sabay taas ng dress na hawak niya. "F-CK ROYALTY! I'M GOING TO PURSUE MY DREAM!"

"YOU WHAT?!" Ewan ko kung alin ang mas worst, yung nabaliw sa break up or nabaliw siya sa pananahi... Or both?! 

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon