Chapter 21: Stuck for 24 Hours

7.2K 410 28
                                    

Hindi ko maiwasang hindi mapaubo dahil sa usok. It smells like candy pero I feel something sticky sa kamay ko.

"I'M SO SORRYYYYYYY!!!" patakbong lumapit sina King at Mel saamin, marami ding estudyante ang lumapit.

Nanlaki naman ang mata ko ng bigla akong na-magnet kay Magnus, what the fu- "AGH!" so ayon natumba kaming dalawa.

Dahil sa lakas ng pagmagnet sa kamay. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng magkahawak kami ng kamay ni Magnus, hinila ko ito kaso ayaw matanggal... don't tell me?!

"Oh guess you'll be stuck for 24 hours now." Natatawang sabi ni Harris. Since malayo kami sa mga tao, kami lang ni Magnus ang naapektuhan.

"Wh-why did you throw it at us?!" nagtatakang tanong ko kay Mel, napakamot naman siya ng ulo at tiningnan si King.

"We weren't really aiming sainyong dalawa." Sagot ni King at palihim na tumingin sa gilid. Nakita namin sina Gareth at Erina na magkakasama.

Don't tell me, ibabato sana nila tong bola kina Gareth at Erina?! Did they dodge or hindi lang talaga magaling bumato ang dalawang to?!

Aish nevermind that, I will be stuck with this guy for 24 hours. I looked at Mel na sobra ang pag-alalala. Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"I'm realllyyy sorry, hindi namin sinasadya. We were just gonna throw it at them kasi kanina pa sila tingin ng tingin samin ng masama." Bulong ni Mel sakin.

So... binato nila to dahil tinitingnan sila ng masama nina Gareth? Or Erina? Teka ba't andito sila- "They've been following us."

Lapit ni Magnus sakin sabay bulong, they did? Teka pano niya nalaman ang iniisip ko? is he a mind reader or something!?

At sinusundan kami nina Gareth? Why? And nagtaka din ako dahil nag-agree si King sa plano ni Mel na bato ang sticky balls kina Erina.

When he was suppose to be protecting Erina. Tatanungin ko nalang siya mamaya, hays. Lumayo na si Mel sakin.

"Anong gagawin natin? We can't be stuck for 24 hours?" kanina ko pa hinihila yung kamay ko, its weird because the sticky ball is invisible.

Pero sobrang lakas ng impact kanina at umusok pa. hindi mo talaga makikita ang sticky balls, anong laman don? Usok? Akala ko may mga slimy stuffs na lalabas.

"Wala tayong choice." Maikling sagot ni Magnus, gagi ba siya? he's the greatest student wizard? Baka pwede namang humanap siya ng paraan?

"Are you kidding me?! pano kung maliligo ako? pano kung magc-cr ako? what sasama ka sakin?" I said such embarrassing stuffs para lang ma convince si Magnus na gumawa ng cure.

"Nah, it's troublesome. Atsaka I don't mind being with you for 24 hours." WELL I MIND BEING WITH MAGNUS FOR 24 HOURS!?

"Meron namang antidote but you'll die before mo makuha yon." Sabat ni Harris, my brother is not helping me at all!

"So it's better to be stuck in 24 hours or die para lang makuha ang antidote." Dagdag niya, yung right hand ko ang nakahawak sa left hand ni Magnus.

"Pero he's a genius!? Maybe pwede siyang mag-create ng antidote?! Diba?" natatarantang tanong ko, juskooo naman bakit pa kasi nangyari to.

Dumating na ang isang prof at Faerie para tulungan kami, pinaalis na nila din yung mga estudyante na kanina pa nakatingin samin.

Sila din yung kasama namin na tumitingin sa mga isda kanina, also hindi nga lang umalis si Gareth pero wala na si Erina. Baka pinaalis na din?

Ang andito nalang ay sina Gareth, King, Magnus, Ako, Mel, Harris at yung prof na may kasamang faerie. "Well this is bad. Pero mawawala lang naman to in 24 hours."

Pati guro hindi makakatulong sa sitwasyon mo, bakit ba kasi nila in-approve na ibenta ang mga sticky balls kung nagbibigay lang pala ng masamang problema?!

"So we'll inform the management para makapasok ang isang lalakeng estudyante sa girl's dorm. Doon nalang muna siya matutulog since they will be stuck for a while" –Prof (di niya kilala)

"what?" nagtatakang tanong ko, "h-he's going to sleep with me tonight?"

"Well Lady Hera wala tayong choice. Also he will be attending your course for a day dahil din sa insidente, we will get going now." Paalam nung prof kasabay yung faerie.

Ayon nakatunganga lang ako sa kawalan, not only na kasama ko siya mag-cr. Kasama ko din siyang matulog at sa first day of class ko?!

Isn't my luck going a bit too bad? Sa sobrang sama umabot na sa ganitong sitwasyon unimaginable?! "Oops gotta run dear sister, you too Princess Mel."

Sabay kaming napatingin kay Harris, mukhang oras na para umalis siya sa school. "Aalis kana big bro? Magkita ulit tayo pag graduate na kami!"

Sigaw ni Mel at tumango naman si Harris sabayt gulo sa buhok ni Mel "Sure thing Princess. And you take care of my sister ok? Bye bye guys!"

Mabilis siyang nawala na parang bula, bumuntong hininga nalang ako sabay tingin kay Me. "Brother Harris is so cool! Sana marunong din akong mawala ng ganon"

Parang nakalimutan na niya yung ginawa niya sakin. napatingin naman ako kay Gareth na kanina pa nakatayo dyan sa gilid.

He's here again, ano na naman ang meron at sinundan niya kami hanggang dito? nakatitig din siya kay Mel pero si Mel parang nakalimutan niya atang andito si Gareth.

She was still smiling about what my brother said, may gusto kaya siya kay Harris? I should ask her mamaya, they seem close too so siguro nga?

"What are you doing here Prince Gareth?" tanong ni King, doon naman bumalik sa katinuan si Mel at napasimangot.

Kitang kita iyon ni Gareth kay napayuko siya ng wala sa oras ng tiningnan siya ni Mel. "I- I wanted to talk to the Princess..."

That's the first time I heard his voice na parang natatakot. What is he afraid of? "Why? I don't wanna talk to you though."

Nakita ko ang pagflinch niya nung sinagot iyon ni Mel, lahat tuloy kami napatingin kay Mel na parang masama ang tingin kay Gareth. Well he deserve that.

"I-"

"Ayaw kitang makausap forever." Ulit ni Mel pero mas worst pa ata yun kesa sa dating sinagot niya. "Tara na."

Unang umalis si Mel kaya nagtinginan naman kaming tatlo nina King at Magnus. Sumunod na kami pero Magnus pointed at our back.

Kaya lumingon kami ni Magnus at tiningnan si Gareth na nakayuko parin sabay luhod. I even stopped para tingnan ng maayos, baka illusion lang ang nakita ko.

"Is he crying?" mahinang tanong ko. PRINCE GARETH IS CRYING?! 

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon