Chapter 9: The Oval Academy

8.6K 428 15
                                    

Baka naging ganito siya dahil wala siyang kain? Yeah that's probably it. Hinawakan ko ang balikat niya at niyugyog siya ng paulit ulit.

"Uhm, Princess Mel. Kumalma ka muna, here eat ka nalang muna." Bobo din ako sa English, mapapa-conyo ako ng wala sa oras.

Bobo din kaya si Herabella? Bakit hindi ko nakuha ang katalinuhan niya sa English? I'm pretty sure palagi yung nage-english.

Kumain naman si Mel sabay tahi, kakain tas tatahi. Ano na ba ang nangyayari sakanya? jusko naman ayaw kong mag-alaga ng baliw. But at least she's NOT THAT crazy...

"Phew! Thank you Lady Hera!" masiglang pasalamat niya sakin at bumalik ulit sa pananahi. Looks like she didn't notice the changes sa katawan niya.

Wala nga siyang pake sa appearance niya ngayon eh, dahil nga siguro sa nangyari nung birthday niya.

"Princess Mel... don't tell me. naglilibang ka dahil sa nangyari saiyo nung birthday mo?" nagulat naman ako ng biglang may humampas sa likod ko, I'm sure it was Rios.

What the heck?! Bakit niya ako nahahawakan? Isn't he just a spirit? "Ano bang klaseng tanong iyan Herabella!!"

"H-huh?" itinigil naman niya ang ginawa niya at humarap sakin sabay ngiti. "To be honest, yeah I kind of did. Pasensya kana, ayaw ko lang mang-istorbo. So I put a lot of time... sewing."

I sighed at niyakap siya, knowing na wala ding pake ang parents niya. teka hindi nga siguro umappear ang parents niya nung birthday niya diba?

Si Mel lang ang gumawa sa lahat, the hosting and greeting sa mga guests. I thought pumunta siya sa parents niya para kausapin sila pero I guess they didn't come?

Hindi ko pa nakita ang parents ni Mel pero nung narinig ko ang kwento niya galing kay Rios. Doon ko narealize na sobrang alone pala ni Mel, she needs karamay.

"Ano ka ba Princess, ok lang saakin kahit yanigin mo ang buhay ko sa problema mo." Char joke lang ayaw kong mabaliw. "I'll listen."

"Thank you talaga Lady Hera, ikaw lang talaga ang parating nasa side ko whenever I have problems." She smiled and hinawakan ang ginawa niyang dress.

"Oh by the way, seryoso ka ba na kukunin mo ang designer course?" change topic ko, ayaw kong marinig ang pangalan ng prinsipe ngayon...

"Hmmm, well wala namang pake sina Mother so maybe I'm going to pursue my dreams. Hindi naman nila i-acknowledge ang mga pinagagawa ko." paliwanag niya.

"atsaka I always wanted to design some dresses, gusto ko sanang kunin ang royalty course para kay Gareth but since we broke up. I decided to make my dreams come true." Dagdag naman niya.

Well it's a surprising course lalo na't prinsesa siya. Madalas kasi ang ang mga nasa kurso na iyon ay mga common villagers lang or a ladies status like me.

Pero since dream niya iyon at not to mention napaka-talented niyang gumawa non. Maybe it's for her own good naman kesa kumapit kay Gareth araw araw sa royalty course.

"Magandang decision iyan princess! Tutulungan kita sa pagmo-move on and your dreams too! I'm taking the business course din para sa pamilya ko." kumento ko nalang.

"talaga!? I heard the business and designer course ay magkatabi lang ng room. Are you sure na yun ang kunin mo? You always wanted to take the royalty course." Umiling iling naman ako.

"My family needs me, Princess." Tumango nalang siya at niyakap ulit ako, we're growing closer every time nag-uusap kami. "Oh princess, k-komportable ka ba sa suot mo?"

"Hmm?" nagtatakang tanong niya. "What's wrong with my- teka bakit ang luwang ng dress ko?"

Ah sabi na at hindi niya napansin na lumiit siya eh. I went to get a large mirror at sobrang gulat na gulat si ateng kontrabida sa nakita niya.

"Wh-who... WHO THE HECK-OH MY GOD AKO BA YAN?! WHY AM I SO THIN?!" gulat na sigaw niya sabay ikot at hawak sa katawan niya.

Para siyang naiiyak na ewan... natatawa nga ako sa reaction niya eh. "L-lady Hera!!! An-ang gaan ng pakiramdam, I have small waist now?! And look at my face!...!"

"I-is this really me? wow... h-hindi lang naman ako kumain ng maayos at gumawa lang naman ako ng dresses para hindi ko siya maisip. Ang laki ng pagbabago ko..."

Well hindi lang ikaw nagulat sa bagong katawan mo Mel, pati na din ako na hindi pa nakakita ng ganong transformation sa buong buhay ko...

But isa lang ang masasabi ko, Melusine Ondine is more beautiful than ever. Now ano kaya ang magiging reaction ng prinsipe pag makita siyang ganito?

~~~~~~~~~~'

"Little sister! Ready na ba lahat? The bag? Your favorite unan? Andito na ba sa bag?" natatrantang tanong ni Harris saakin.

As I said before, madali lang ang oras sa nobela which is weird dahil parang normal lang pero super duper bilis ng oras na hindi mo namamalayan.

"Anak what about your favorite purple teddy bear? Hindi ka pa naman makakatulog pag wala iyon." ewan ko ba kung mahihiya ako kay Herabella dahil sa mga parents niya.

But I'm glad na napaka-caring nila sa anak nila. "Wag kayong mag-alala Ma, Pa, Big brother. Ok na ang lahat."

The maids carried my bags patungo sa carriage, ang sabi ni Mel sabay daw kaming magpa-enroll sa academy kaya inaantay ko pa siya.

"Don't forget your letter of acceptance anak. Alam mo namang hindi ka makakasok sa akademiyang iyong pag wala ito." Nakangiting paalala ni Papa sabay lahad sakin ng golden envelope.

Ah yes, this golden envelope belongs to Oval Academy. Isang sikat na paaralan sa buong bansa and not mention it's located in an island. Basta yun ang lokasyon na sabi ng novel.

Konti lang ang nakakapasok doon, you will a receive the golden envelope first bago makapasok sa akademiya na iyon. If wala kang letter then bawal kang pumasok.

Hindi ko nga lang maalala kung kelan ako naka-receive ng letter. I'm sure hindi ito galing kay Mel since she was also surprised na nakakuha ako ng envelope.

I wonder who gave me the envelope. Tinanong ko din si Rios pero as always wala na namang isasagot ang gagi. Napaka walang silbi talaga hays.

"Good luck lil sis, do your best." Niyakap ko na sila at nagpaalam na. pumunta na kami sa labas and saw a huge as$ed horse outside the gate...

TEKA ARE THOSE UNICORNS?! IT HAS WINGS?! "Lady Hera! Hello! Dito kana sumakay, maha-hassle ka lang if you take the long route."

Nakanganga lang ako sabay turo sa unicorn na naglead sa carriage nina Mel. "I-Is that a unicorn?"

"Hmm? Yes? N-nakalimutan mo din ba na unicorns exist? T-they are our aerial vehicle. What else are we using patungo sa isla?"

I DON'T KNOW?! first time ko talagang makakita ng mga unicorn. They do look magical...

"Napaka-ignorante mo." Kumento ni Rios, inirapan ko nalang siya. Kung marunong siyang mag explain nung una, hindi na sana ako magtatanong. Kaso wala siyang kwentang guardian eh.

Sumakay na ako sa carriage ni Mel at nagsimula ng lumipad ang unicorn... and I forgot... Hindi pala ako sanay sa ganito. I think nasusuka ako...

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon