Chapter 12: Enrollment Expedition

8.2K 418 8
                                    

Hindi ako makapag-oppose sa nangyaring decision ni Gareth, what the hell was he thinking!? Maybe Gareth just wants to be with Erina?

Pero... hindi ba sila naaawa sa sitwasyon ni Mel!? Kusang umiwas si Mel pero why is he making everything so hard?! "TEKA-"

Bago ko makapagsalita, nagteleport kami bigla sa isang maliit na Bangka. We are in a river? May river sa loob ng island? Malaki naman ang isla so... maybe nasa isla pa nga kami.

What the frick- Buset naman eh! Iniiwasan na nga siya namin ni Mel para smooth na ang kwento.

I mean boring pag walang villainess pero making them as a sacrificial pawn para lang maging maganda ang kwento doesn't make it more human!? This is bad....

Erina-Gareth-Mel is a bad match up! kusang nagdecision ang isang karakter!? "Why do you look so worried? Ok lang kang kaibigan mo."

Ewan ko kung ano ang mararamdaman ko kay Magnus ngayon eh siya yung umagree sa utos ni Gareth, ano na ba ang nangyayari sa kwento? Kasalanan ko parin to diba?

But why did he agreed tho?! Kasalanan din to ni Magnus, pero isa lang naman siyang character so I cant blame it all to him. Kasalanan to ni Gareth? Hmm...

"Of course it's your fault." Hindi ko na pinansin si Rios na nakatayo lang sa may tubig. Goddammit, I was just trying to let the villainess live...

Malay ko bang bigla nalang magdecision si Gareth para makasama si Erina? Was he really going for Erina though? Baka galit siya sa sinabi ni Mel?

Why would he though? At least honest si Mel at hindi na niya ginugulo ang relasyon nila ni Erina tulad ng nangyari sa nobela... so why does he look so mad.

"Ugh magsimula na tayo and let's get this over with. Kailangan ko pang hanapin si Princess Erina." Malakas na sabi ni King at bumalik naman ako sa katinuan.

"T-tama." Yes, hahanapin ko din si Princess Mel. "Ah, magpakilala muna tayo."

Alam kong hindi niyo ako kilala because I'm just a mere side character pero hindi na yon magma-matter sa susunod dahil hindi na tayo magku-krus ng landas.

"I'm Lady Herabella Venturi. Please call me Lady Hera para madali lang." basta pangtanda pakinggan ang 'Herabella'.

(no offence sa kapangalan ni Herabella, ayaw lang talaga niya sa pangalan na iyan.)

"Magnus." Maikling sabat ni Magnus na mukhang bad mood, anong nangyari dito? parang kanina lang kinausap niya ako, did I say something? ...teka wala naman akong sinabi ah.

"Lord King Leigh Aquaz, nagteleport tayo dito which means andito ang clue." Tumango ako at tumingin sa paligid, this looks like a jungle. "We have to hurry."

Psh if I know didikit na naman ulit to kay Erina pag magkita sila, he's known as the clingy type. Si Magnus as the cold/matured type samantalang si Gareth naman ay obsessive and possessive type.

I sighed and just looked around again. May kung ano kayang strange creature dito? the river looks clean and quite, teka diba dapat pag river may flow ang tubig?

Nagteleport kami sa isang end... maybe the clue is in the other end? Kasi naman wala talagang flow, atsaka mukhang one way lang siguro ang daan ng river nito.

"Let's start rowing. Baka may makita tayong clue sa other end ng river, mukhang wala namang clue dito since dito tayo nagteleport." Mahinang sabi ko.

Jusko naman, kailangan ko na talagang magbasa kahit side note lang ng novel about sa enrollment expedition nila. Tsaka wala akong alam sa scene dito.

Naka focus ang scene kina Erina at Magnus sa novel, malay ko ba kung ano ang ginawa ng grupo nina Mel para makuha ang clue. Basta ang alam ko naka-pasa sila.

For some reason, sinunod nila ang sinabi ko. di naman ako sure non, pero baka nga siguro diba? May hidden katalinuhan ako dito ehe.

"May marami pa tayong oras, when this hourglass runs out we are goners." Malamig na sabi ni Magnus sabay taas ng hourglass.

Anong nangyari sa mood niya? atsaka bakit ansama ng tingin niya? sakin ba siya nakatingin ng masama? Wala naman akong ginawa ah?

Basta di ko nalang siya pinansin dahil busy ako sa pag-iisip sa mga posibilidad na mangyari kay Mel kasama ang female at male lead sa novel.

Habang nagro-row kami ay may narinig kaming konting ingay sa malayo, I think nasa may forest iyon since nasa river naman kami.

I don't have any plans in going dyan dahil nasa fantasy novel tayo, baka kung ano pa ang makita kong kababalghan like a snake with wings or talking animals...

Ayaw ko panama sa mga mga weird looking things except sa unicorn syempre. Ang cute kaya nila, "W-wag na nating pansinin ang ingay-

"Princess!" malakas na sigaw ni King na ikinagulat namin ni Magnus, naka chill lang kasi amp at hindi kami tinutulungan sa pag-row.

"Princess who?" hindi ba to nagha-hallucinate? "Kumakain ka ba ng maayos Lord King? B-baka n-nakakita ka lang ng multo."

One thing I despise in fantasy novels is that, may mga multo or some doppelganger na nag-exist or mermaids na nagbibigay hallucination para mag iba ang tingin mo.

'Why are you not talking to me?!' sabay kaming napalingon sa sumigaw. Teka boses yun ni Prince Gareth ah? andito kaya sila?!

Sabay kaming napatayo ni King, mukhang parehas kami ng iniisip. Pero we have to finish the expedition first... I really wanna know kung ok lang si Mel.

'HEY DONT IGNORE ME TOO!' sigaw ni... Erina? What? hindi ko makita kung ano ang nangyayari dahil sa dami ng puno. But we can hear them...

"Princess Erina!" sigaw ni King, what the? What is he doing? Parang tatalon ampota... hinawakan naman siya ni Magnus.

Yes hold him baka tumalon to ng wala sa oras. 'AAAAAAAAAAAAAH!!!'

Nagulat naman kami nung sumigaw si Princess Erina. Pero mas nagulat naman ako ng tumalon ng tuluyan si King, is he crazy!?

"LORD KING! WHAT ARE YOU DOING?!" bakit siya tumalon?! Narinig niya lang ang boses ni Erina tumalon na agad siya. buang ba siya?!

The river may seem safe pero baka may kung anong nakatira sa ilalim dyan, it's a river! I hate rivers, pano nalang kung may crocodile na may shark tail?

I looked at where the sound came from again pero nawala na ang sigaw ni Erina, ano ba ang nangyari? Hindi ko maalala kung sumigaw ba siya sa novel.

I don't know what's happening since hindi na umayon lahat sa nobela, did I mess up? paano kung may nangyari kay Princess Mel?

"ACK-" nanlaki naman ang mata ko when he started flapping his arms sa tubig...

Don't tell me? HINDI SIYA MARUNONG LUMANGOY!? Then bakit siya tumalon kung hindi naman siya marunong lumangoy?!

"What are you doing!?" I started removing my outer dress, may playsuit naman ako eh so ok lang. "Why are you undressing!?"

Tinapon ko ang dress ko sakanya sabay lugay sa buhok ko. Hindi ko na pinansin si Magnus at tuluyan ng tumalon sa tubig. 

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon