Chapter 19: SURPRISE

7.5K 390 4
                                    

"Ah? siya ba yung mahal na prinsipe?" tanong ni Harris sabay baba kay Mel. "He ... seems kinda intimidating."

Kasi naman nakatingin talaga siya saamin, even the students na kasabay nina Gareth pumunta dito.

Bakit ba sila nakatingin? Kami lang din kasi ang nakaupo dito. Alangan namang titingnan nila ang empty seats diba? "Well I guess Big brother Harris is popular afterall."

"H-huh?" nagtatakang tanong ko, ano ba si Harris?! Malay ko ba kung anong role niya dito?! I glared at Rios na nasa harapan ko lang.

"Ack- oo na, your brother is the top student here sa academy kaya sikat siya ok? Kaya din siya yung guest." Inis na paliwanag ni Rios.

Pag-explain nga lang pagalit na eh, "The teachers suddenly invited me kahit busy ako, atsaka si Princess Melusine lang ang sinabihan ko to surprise you."

"Oh yeah! May bet kasi kami ni Big brother kung masu-surprise ka ba or hindi!" nakangiting sabi ni Mel. "And I won! Which means he's going to have fun with us!"

"Oo na, kahit talo ka. Sasama padin naman ako sainyo, I have the whole full day to enjoy the academy ulit." –Big Brother Harris

Habang nag-uusap sila at nagtawanan ay may lumapit saamin, and guess who? Ughhh. "The teacher's been calling you a couple of times."

Malamig na sabi ni Prince Gareth, nag-bow naman si Harris since he's the crowned Prince. Kasama niya si Erina, teka ba't nakabuntot si Erina kay Gareth?

Isnt it suppose to be the other way around? Bakit sumama si Erina kay Gareth? "Good morning Lord Harris! I'm a huge fan of you po!"

Bati ni Erina at namula naman yung kapaatid ko, ah I don't know why pero I guess he has a soft spot for sweet girls. "Oh thank you... Princess?"

Halos gusto kong tumawa dahil hindi niya kilala si Erina, may tumawag naman ulit kay Harris "Ah Pardon me Prince Gareth and Princess, aalis na po ako."

Nagpaalam na si Harris samin kaya umupo na kami ni Mel at hindi na pinansin si Gareth, HAYYS kakasabi ko lang na sana hindi kami magkikita.

Yet here we are. "MY SAVIORR! GOOD MORNING!" hays, kakasabi ko lang. Another troublesome dude.

Bati ni King saakin na ikinagulat ko, what? Why isn't he with Erina? Nakita kong umiwas ng tingin si King kay Erina at agad nagtungo sakin.

Ano bang ginagawa nito!? "G-Good morning din Lord King."

That's weird, kanina din nung pinagkakaguluhan siya. Hindi niya din kasama si Erina, nag-aaway ba sila? Also I forgot to explain why they're popular.

First is Gareth Oval, of course sikat siya dahil siya ata ang susunod na magma-may ari ng school if he's going to be the King. He's taking the royalty course.

Hays buti di ako namatay nung sinuntok ko siya kahapon. Next si King Leigh Aquaz, he's popular because he's good at combat, magaling sa martial arts and probably taking the Knight course.

Last is Magnus Dean Lennon, a child prodigy, genius at magaling sa mahika. Like literally magaling pa sa magaling, his death was a shock dahil siya kaya yung pinaka-malakas sakanila.

Also asan na kaya yun? bakit kaya wala siya dito sa gymnasium? "P-Prince Gareth, tara na't umupo sa unahan."

Sabat ni Erina habang nakatingin kay Gareth kaso mukhang lumilipad ata utak ni Gareth dito. But he's staring at Mel though...

Si Mel ba tintigan nito o yung upuan na katabi ni Mel? I mean it's empty, walang nakaupo. San ba talaga to nakatitig?

Kung hindi lang hinatak ni Erina si Gareth, hindi sana ito aalis sa pwesto niya. "You must be princess Melusine! Good morning Princess!"

"Oh hello, you must be Lord King. The famous knight they're talking about, nice to meet you." Bati ni Mel sakanya at tumango naman si King. "I'm honored na kilala mo ako."

"So my savior! Pwede ba akong maupo sa tabi-

"Sorry this seat's taken, don kana sa side ng prinsesa." Halos gusto kong sumigaw ng malakas dahil biglang sumulpot si Magnus sa empty seat sa tabi ko.

"L-lord Magnus!?" JUSKOOO NAMAAANNN- kakasabi ko lang diba?! Na sana hindi ko na sila makita ulit!? Na idistansya ang sarili sa bias at ibang karakter!?

"What!? hey napaka-walang modo mo talaga. Ako ang nauna-" nag-smirk naman si Magnus sabay krus ng braso.

"Too bad, ako ang naunang umupo." Hindi ako makapaniwala... why are they like this!? Dahil ba sa nangyari kahapon?

What is happening in this world- "Oh Hello Princess Melusine, sorry sa nangyari kahapon. I shouldn't have switched with the Prince kung alam ko lang na in bad terms pala kayo."

Sabi niya sorry pero di naman sincere yung sorry na sinabi niya kay Mel, I don't think he regret switching. "Ay ok lang Lord Magnus!"

Napatampal nalang ako ng noo, umagang umaga. First day na first day, nade-drain na agad ang energy ko. ito ba yung exciting na sinasabi ni Mel?

"Hey-"

"WELCOME 1ST YEAR STUDENTS TO OVAL ACADEMY!" sabay kaming napatingin sa stage at nakita ang isang matandang lalaki. "I am the headmaster, Lord Achilles is my name."

Wala namang choice si King kundi umupo, mas lalo namang napangisi si Magnus since nanalo siya. para tuloy silang bata...

Gusto ko sanang makinig sa program, kaso yung utak ko may ibang iniisip. Like 'Ganon na ba talaga ko kasama para parusahan ng ganito?' or 'Am I punished?' or 'Why am I here?'

Kasi hindi umaayon ang tadhana sakin, hindi naman siguro mahirap lumayo diba? Pero kusa silang lumapit kaya anong magagawa ko?

Itakbo ko kaya si Mel sa susunod na mag-encounter kami sa ibang karakter? Or should we just drop out and live somewhere? Or mag-disguise?

Magandang plano naman yun para hindi na talaga kami guguluhin ng mga to. Ikamamatay talaga ni Mel pag lapit ng lapit sila saamin.

Not only that, hindi na ulit ako makakabalik sa sariling mundo ko. "Hey tapos na ang program, ano pang tinatanga-tanga mo dyan?" tanong ni Rios kaya bumalik na ang lumilipad na utak ko sakin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tara na Lady Hera, big brother Harris said ito-tour niya tayo."

"Oh can I come? Wala namang klase." Magnus intruded. Tumawa naman si Mel sabay palakpak at tumango tango.

Humarap sakin si Mel at palihim na nagwink. cIs she winking? Paulit ulit siyang nagwi-wink, may sakit ba siya sa mata? "Can I come too?"

"Sure! The more the merrier!" I never thought na ganito pala ka-active si Mel, bakit siya pumayag?!

Pano na yung plano ko? naghiyawan naman ang dalawang to... why are they even here? I regret talking sakanila, sana pala hindi ko na sila kinausap.

Wala sana akong problema ngayon. 

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon