Chapter 13: His Savior?

8K 460 39
                                    

Thank God I took swimming class, kung hindi pa baka tuluyan na kaming nalunod dito. He was knocked out dahil siguro sa exhaustion.

Ganito ata pag hindi ka marunong lumangoy, madali kang mawawalan ng energy while flapping like a duck sa tubig. It takes lot of energy naman.

"You could have just let him drown, kasalanan niya naman yan." Naka-krus ang braso ni Magnus ng sinabi niya iyon he was looking away too.

Nag-shrug nalang ako dahil sa sinabi niya, it would be good kung tinulungan niya ako no? I gazed at Rios na kanina pa nagtatago ng tawa.

"Pfffttt... napaka-tapang mo Herabella, you manage to undress in front a man..." ano bang masama sa pag-undress? May playsuit dress naman ako?

Hindi naman talaga ako fully naked non ah? masama ba yun? I looked at myself na mukhang normal naman, well except sa mukhang bakat ata lahat.

But at least I'm not fully naked? palagi nga akong nakakita ng mga babaeng nagsi-swim suit eh, mas revealing yung sakanila.

Sinamaan ko nalang ng tingin si Rios, hindi ako pwedeng sumagot. Baka akalain ni Magnus na baliw ako... also why is he still looking away?

"Y-your dress." Namumula ba siya? hindi naman mainit ah? also nakita ko lang ang playsuit sa cabinet ni Herabella.

Take note maraming purple at pink dress ang andon at ito lang ang nakita kong playsuit na kulay purple din. It's just some sapaw for the dress...

Drying my hair would be hard, bakit kasi napaka-kapal ng buhok ni Herabella dito? she has long hair pero super duper bigat pag basa.

Lumuhod ako at chineck kung humihinga pa si King, mahirap na pag mamatay siya dito. ano na ang magyayari sa kwento?

"Hayaan mo na yan." Parang sinasabi niya na hahayaan ko nalang mamatay ang ikalawang knight and shining armor ni Erina. Ayaw ko nga!

And why is he acting like this? Alam kong malamig si Magnus pero was he selfish? Ay teka, oo nga pala napaka selfish, masungit at konti lang pala ang pasensya niya.

He kinds of hate stupid people, ang gusto niya lang non ay si Erina. He even cares for Erina, tas malambing din ang boses niya kay Erina. Puro nalang Erina...

Edi don na siya, sus kahit bias ko siya hindi ko pairalin ang pagiging fangirl ko dito. Bukod sa mahal niya si Erina, mamamatay din naman siya para kay Erina.

Ah basta umiikot lahat ng mundo niya kay Erina, astaka lahat ata sila nahulog kay Erina. Well it's gonna be none of my business soon...

I will force tadhana na hindi na ulit kami magme-meet sa mga characters ng nobela na ito. Bahala na't maghahanap sila ng ibang kontrabida.

"What the f*ck are you doing again?" kanina pa ako gumagawa ng chest compression dito. I don't know much about CPR kasi...

According sa nabasa ko, kailangan ko lang magperform ng 30 chest compression at 2 rescue breaths. So I'm basically doing CPR right now... ika-29 ko na chest compression ito.

"Time to do the rescue breaths." Mahinang sabi ko sabay lapit ng mukha ko sa mukha ni King. Oh sh*t! so is this considered as kissing ba?

Hindi naman siguro no? I was trying to revive him so...Don't mind if I do- "HEY GODDESS! STOP THAT!!!"

Hinila lang niya naman ang buhok ko at tinakpan ang bibig ko. basta inilayo niya ako sa katawan ni King, I immediately removed his hands naman.

"Alam mo Lord Magnus, epal ka! Nililigtas ko si Lord King using CPR! Hindi mo ba nakita?" Gusto niya ba talagang mamatay si King? Aba-

Napatigil ako sa pagsasalita because I sense bloodlust and displeasure galing sakanya. Even though hindi ako expert sa mahika, mararamdaman mo talaga ang presence niya.

Sobrang sama ng tingin ni bias, namaaann masama ba yung ginawa ko. "Stay away from him."

Ewan ko parang galit na galit siya sa ginawa ko, I was just saving a person? Hindi naman talaga kiss yung rescue breaths eh!

Hindi na ako nagsalita, baka kung anong gawin niya sakin't mamatay pa ako. Isa kaya siya sa pinakamalakas na character dito...

He raised his hands at lumiwanag namin ito sabay kuyom niya sa kamao niya. I looked at King na bigla nalang bumangon at umubo ng tubig...

Pwede naman pala niyang gamitin ang mahika niya, bakit di niya sinabi? I'm pretty sure matutulungan niya din sana si King kanina.

"Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ko, akmang lalapit sana ako kaso may naramdaman ulit akong kung anong awra sa malayo.

Wh-why is he releasing such presence? Nakakatakot tuloy gumalaw at magsalita- "YOU! IKAW!"

Halos gusto kong sumigaw sa gulat dahil sa sigaw ni King, tinuro turo niya nga ako eh. Wh-what!? napansin niya ba na gagawin ko yung kiss- este rescue breaths?!

"H-ha?" yun nalang ang masabi ko, basta kasalanan to ng kalandian ko at pagfa-fangirl ko.

"YOU!" oh my god hindi ba siya titigil sa pagtuturo saakin? Tiningnan ko naman si Magnus na matulis parin ang tingin sakin...

H-hindi niya ba ako tutulungan? Humarap nalang ako kay King at awkward na ngumiti, ano ba pinagsasabi nito? "YOU!!!!"

Maybe he did notice? Baka nagpre-pretend lang siyang unconscious kanina para itest ako? OH MY GOD PASENYSA NA. "HINDI NGA KASI KISS YON!"

"YOU ARE MY SAVIOR." I beg his pardon? Sasagot sana ulit ako kaso bigla iya akong niyakap, PAKINGTEEEYPP... "You saved me from drowning!"

Ahhh, I basically did pero si Magnus ang bumuhay sakanya. Ako lang yung umahon sakanya sa tubig. So Magnus and I did it...

"Para kang anghel na hulog ng langit." Muntik na akong matawa sa pinagsasabi niya, what is he even saying?!

"Ah nagkakamali ka Lord King, kami ni Lord Ma-" hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siya ulit sabay hawak sa pisngi ko...

"You're beautiful face is the last thing that I saw." N-nakainom ata ng maraming river water si King or naka experience ng death experience kaya nabuang na.

Maybe ako nga ang last na nakita niya bago siya nawalan ng malay sa tubig, pero niligtas ko lang naman siya dahil mabait ako.

"Hands off!" sigaw ni Magnus sabay taas ulit ng kamay niya, lumutang naman si King palayo sakin. Like he's under Magnus' magic.

Bumalik ang pagiging seryoso ni King nung tumingin na siya kay Magnus. T-teka... what's with the mood? Alam niyo yung hot glare or hot gaze? Ganern ang nakikita ko.

2 hot guys glaring at each other, I can stare at them all day pero nakakatakot sobra.

"Stop using magic Lord Magnus, wala ka pang lisensya. Alam mo ba na illegal at bawal itong ginagawa mo?" seryosong banta ni King.

"You basta*rd." Magnus cussed... "Hindi nalang sana kita niligtas at binuhay."

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon