Chapter 24: In The room where it Happened

6.9K 382 33
                                    

"Oh look, malapit lang ang wizard course sa business course." Turo ni Magnus nung nakarating kami sa isang corridor with full of doors.

Ba't magkakatabi ang mga course room? Di naman maliit ang building ah. "Don't get fooled, kahit mukhang magkakadikit tingnan yang mga yan. It's bigger inside."

Sulpot ni Rios, nabasa niya suguro yung isip ko. Thank God he said that to me, may naitulong din siya sakin sa wakas bukod sa pagreklamo.

"Akala ko nasa kabilang dulo pa yung room niyo Lord Magnus." Nagtatakang sambit ni Mel. Inilabas niya yung form at ipinakiya ang mapa. "See? Magkatabi ang room ng wizard and royalty course."

"Oh yeah, about that. Magkatabi parin naman hanggang ngayon but it change location closer here." tiningnan ko naman ang mapa and Mel was right.

Bakit nag-iba ang lokasyon ng wizard at royalty course? Ba't... andito malapit sa course room namin ni Mel? This is a lady/Lord's course side.

Nasa dulo pa ang Princess/Prince na course side, kumbaga yung samin eh support type lang na course. Like Mel's dress making course and my business course.

So bakit... andito? "Did... someone asked na mas ipalapit ang course room dito?" nagtatakang tanong ko.

Walang makakagawa ng request unless it's someone who has higher position. Tulad ni King... at Magnus... or...

"Good morning Princess Lucy, Lady Hera and Lord Magnus." Sabay kaming lumingon sa bumati. It was prince Gareth... teka bakit parang haggard ata siya ngayon?

Parang walang tulog, he has eyebags and dark circles under his eyes. At sinong Lucy, since kami lang tatlo ang magkakatabi.

I'm guessing it's Mel? I mean alangan namang Lucy yung pangalan ko eh wala ngang 'Lucy' related sa name ko. I looked at Mel na nakatingin lang sa mapa.

Hindi man lang niyapinansin si Gareth. I sighed and bowed at him, sumunod naman si Magnus sa ginawa ko.

"Are you guys still stuck?" walang ganang tanong ni Gareth, kahit na wala siyang gana naggawa pa niyang magtanong.

"Oh yeah, mawawala naman to mamaya." Sagot ko nalang, kawawa naman kung i-ignore namin. He's the crowned prince too.

Tumango naman siya sabay tingin kay Mel, tsaka na pumasok sa course room niya. wow he looks pitiful now, dapat din ba akong maawa?

"Who's Lucy?" muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway ng biglang may sumulpot sa likod namin. "Good morning my Savior! Princess! And... psh wizard guy."

Nag-smirk naman si Magnus at parang nagsho-show na magkakahawak parin kami. Sinamaan lang siya ng tingin ni King at inirapan. "Morning Lord King."

Sabay sabi namin ni Mel. "Sorry I heard the crowned prince mentioned the name Lucy, so nagtaka ako kung sino."

Narinig naman naming bumuntong hininga si Mel. "That would be me, tinatawag niya ako ng ganyang pangalan nung kami pa."

"Oh, I'm sorry I asked." Napakamot naman ng ulo si King. Hindi na naman sila magkasama ni Erina, I should ask para malaman kung asan yun.

"Nga pala Lord King, bakit di mo kasama si Princess Erina? You were suppose to be guarding her." bigla namang nawala ang pagiging happy mood ni King.

Bago siya makasagot ay biglang tumunog ang isang malakas na horn sound, parang pang native na hudyat or something. What the hec- "It's time, magkita nalang tayo mamaya!"

Oh? Is it some sort of bell ng school? bakit hindi nalang bell yung pinatunog nila? Sobrang modern tngnan ng school pero napakaweird ng bell nila.

'Hala si Lord Magnus andito!'

'Oh my God! Ang gwapo niya talaga'

'Sana mapansin niya ako.'

"Did you hear that? Ang gwapo ko daw, do you think so too?" I looked at him weirdly, ano bang nasa utak nito't tinanong ako ng ganyan? "Hey-

"Malay ko." wag nating ipahalata na patay na patay tayo sa ating bias ok? Jusko, wag na tayong dadaldal at baka madulas pa tayo.

"What? why? You don't think I'm good looking?" tanong niya ulit, I have to refrain myself para isagot yun. "Hey-

"M-may nakita akong ibang mas gwapo pa sayo." Palusot ko para di na siya magtanong, mukhang effective naman dahil hindi siya umimik.

Of course that was obviously a lie. Para namang tumahimik na siya at hindi magtatanong ng ikakalaglag ko no?

The Prof arrived and started discussing, syempre nakinig ako kung ano ang dapat gawin. It's getting boring dahil super duper boring ng boses ng prof.

If only si Prof Tiff yung magdi-didscuss edi sana makikinig ako, atsaka mukhang mahinhin ang teacher na to. So walang choice ang utak ko kundi lumipad ulit.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa dalawang kaklaseng lalake na nakaupo sa harap namin ni Magnus. "Sila ba? You've been staring at both of them."

Nagtaka naman ako sa tinanong ni Magnus, pero since lumilipad ang utak non ay wala ako sa sarili na tumango.

May narinig ulit kaming hudyat and I guess it's lunch time, wala akong naintindihan sa sinasabi ng prof pero baka makakapasa naman siguro ako diba?

Nakakahiya naman pag bagsak ako tas kapatid ng isang top 1. "San tayo kakain- why do you look so mad?"

"Nothing." Maikling sagot niya pero yung hawak niya lapis eh nadudurog na, he was looking at those two guy students na tintigan ko rin kanina.

"Ok, tara na. nagugutom na ako." kung hindi ko lang siya hinatak papaalis don, di sana siya aalis at di sana niya titigilan ng tingin yung dalawang estudyanteng iyon.

I feel sorry for both of those guys, baka ang laki talaga ng kasalanan nila kay Magnus kaya galit na galit ito. Well as long as di ko kasalanan I don't care.

Nakita naman namin sina Mel at King na nag-aantay saamin sa labas. "Wow the Prince looks like sh*t, anong ginawa mo Princess Mel?"

Narinig naming tanong ni Mel, "What? bakit ako ang tinatanong mo? He's none of my business no? baka nag-away sila don sa fiancé niya."

"Hey tara na't kumain! Nagugutom na ako!" pasigaw na tawag ko sakanila at sabay naman silang lumapit, ewan ko ba pero palagi nang sumasama si King samin.

We arrived in the cafeteria at nag-order na, since hindi kami mapaghiwalay ni Magnus. I have to wait for him to finish getting his Slurpee.

Lumapit naman ng konti si King at may ibinulong.

"By the way, anong ginawa mo kay wizard boy? He looks like he's going to kill someone." Tanong ni King

"Huh? Oh may nakita siyang dalawang lalake kanina, may utang ata sakanya na di binayaran kaya galit na galit." Pabulong na sagot ko.

"Utang? We're rich, we don't do utang." Napa-huh naman ako. Hindi pala? Edi ewan ko. basta galit siya sa dalawang yun.

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon