Chapter 22: Can I ask You A Question?

7.2K 362 1
                                    

Sabay naman kaming napalingon ni Magnus, he tilted his head ang shrugged. "Ngayon ko lang nakitang umiyak ang prinsipe na yan."

"O-Oo nga no?" never ko pang nakita or nabasa na umiyak si Gareth, he didn't cry in the novel at all. So why is he whining right now? "Puntahan ba natin?"

"Nah, leave him be. Parang may sasabihin talaga siya sa prinsesa eh." True, so makikinig ba kami? Ewan kooo... "Let's go, he needs time for his self."

Time? Time san? Time umiyak? I get that he's crying kasi walang tao na sa aquarium. Hinila na ako ni Magnus paalis don since magkadikit naman ang kamay namin.

Hays this is gonna be a problem for me, seeing my bias is enough pero being stuck with him for 24 hours is just too much.

Di kaya to kakayanin ng puso ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Andito na kami sa kwarto ko, nagpaalam na si King samin since si Magnus lang ang makakapasok sa girl's dorm dahil sa aksidente.

Magnus even teased King dahil dito. Pero King was just so sorry sa ginawa nila ni Mel, si Mel naman ay nasa kwarto na niya. she said she'll visit me mamaya.

And this wizard here is just so chill. Hindi ba siya naiilang na babae ang kasama niyang matutulog ngayon?!

Kasi ako oo! my God, pano kung maliligo ako bukas para pumasok?! Alangan namang sabay kaming maligo diba? So wrong!

"Bakit mas malaki ang kwarto niyo kesa sa kwarto namin?" tanong ni Magnus habang namamasyal sa loob ng kwarto ko, can't he just stop moving?

"Wag ka ngang mamasyal dito- stop moving! Maliligo na ako." inis na sabi ko kay Magnus kaya napatigil naman siya.

"Maliligo?" doon ko naman narealize ang sinabi ko sabay bato sakanya ng pangkatulog na dress. "Psh, hindi naman ako sisilip eh."

'Ano ba ang dapat silipin?' uminit naman ang ulo ko sa bulong ni Magnus, so he's into princesses with bigger breasts now huh? Edi don siya kay Mel at Erina!

Basta malaki yung sakanila at si Herabella naman ay... you know normal. Not that wala siyang chest bust but hers is just normal.

Also I have to rip out my dress para matanggal lang since magkadkit kami ni Magnus... "Wag kang mag-alala pag may isusuot kang dress. I'll use magic instead."

Jusko naman dapat sinabi niya na kaya niya palang gamitan ng mahika para maisuot ko ng maayos ang dress! I have to rip that one dress na gawa ni Mel! This- GRRRRRR!!!

Padabog akong pumasok sa shower room, hinahatak ko din siya ng malakas. "Teka-

"Use your magic para ma-cover ang mata mo. Kung hindi- I will kill you in your sleep." sabay sirado ng kurtina. Wala naman akong choice eh.

Yung right hand ko ay nasa labas kaya hirap na hirap akong maligo. Tas ang likot pa ni Magnus kaya hindi ako makapagligo ng maayos.

My god this is awkward, ang ingay lang na mariring mo ay yung shower at humming sound na ginagawa ni Magnus.

Binigyan na ako ng Magnus nung night dress ko and he used magic para maisuot ko iyon ng maayos. Since that dress is kind of hard to put on... because of the lace at thread-

"Wag kang malikot-" inis na sabi ko dahil sa hirap ng pagsuot ko. His magic works pero basta ang hirap lang!

"Stop moving din, hindi ako makafocu- AH!" and so natumba kami ni Magnus, good thing naisuot ko na ang dress ko pero hindi pa nabutones at natali yung mga strings.

But thank God I'm also wearing something underneath in case mangyari to and it did. I'm wearing a night dress yet may sapaw naman. HAYS.

Mel also arrived with Magnus' clothes basta bigla nalang siyang pumasok.

"Lord Magnus! I got you an outfit galing kay King, andito na din ang uniform mo para bukas." Masiglang bati ni Mel sabay titig samin. "U-Uh did I... interrupt something-?

"NO! Tulungan mo kami, we can't get up." sagot ko, agad naman niya kaming tinulungan. Ibinigay naman ni Mel yung susuotin ni Magnus sakanya.

"Pasensya na talaga sa nangyari Lord Magnus, hindi ko talaga sinasadya." Pag-sosorry ni Mel, she said it like a ton of times now.

"Ok lang." yeah ok lang my ass! Sobrang nahihirapan kaming dalawa, ano pa kaya bukas na may klase kami?

Pumasok na si Magnus sa kung san ako nag shower and left me kasama si Mel sa labas. Naka-smile naman si Mel nung humarap siya sakin.

"So you having a good time?" nakangiting tanong niya. "Oh by the way, andon na sa bed side yung makakain niyo. I think you'd like a dinner in bed instead."

Sinamaan ko naman siya ng tingin because 'dinner in bed' sounds so wrong. Parang may ibang meaning or green minded lang talaga ako.

"Ah by the way Mel, may gusto ka ba kay Big brother?" since kanina pa ako atat na atat itanong sakanya ang tanong na yan. Nanlaki pa nga ang mata niya eh.

"Uh... you do know he's engage right?" muntik na ako mapaubo sa gulat, teka talaga?! Why didn't I know that?! "Ikaw pa nga mismo ang nagsabi sakin eh."

F-CK I thought talaga single pa si Harris, I mean he acts aloof tas super close niya kay Mel. So I thought she liked him? Sino kaya yung fiancé niya?

"Atsaka I only though of him as a big brother since he's your brother. I... also wanted an older brother." Nakita kong lumungkot ang mata niya nung sinabi niya yon.

So they only have a sibling relationship? Hindi din kasi ako marunong bumasa ng feelings ok?

Nagpaalam na siya dahil matutulog na daw siya, hindi padin natapos si Magnus. Mag-iimagine sana ako kung ano ang mangyayari bukas kaso biglang sumulpot si Rios.

"DAFUQ-" halos mapasigaw ako sa gulat dahil akala ko multo. Tinaasan niya lang naman ako ng kilay, muntik na akong atakihin sa puso.

"You ok there?" tanong ni Magnus, maybe because sumigaw ako sabay galaw ng right hand ko.

"Y-yeah ok lang." can't Rios appear normally ng hindi manggugulat at hindi magmumukhang multo?

He was looking kung san umalis si Mel, "Why would you ask that question?"

Anong masama sa tanong ko? I was just curious kung may gusto si Mel kay Harris, it wasn't the case pero bakit parang nagagalit siya sa tanong ko.

I didn't answer since andito si Magnus sa tabi ko, but I know nababasa niya ang isip ko. He eventually faded away like he always does...

Reincarnated as a Side-CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon