Chapter 27

38 2 0
                                    

Chapter 27

Jiovanni Noah, a man who made me feel that I am loved and special, too. Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mas lalo lang akong nahuhulog… napamamahal sa kaniya.

Nasasanay akong mayroon akong masasandalan. Na sa umaga, si Jinoh ang bubungad sa akin. At sa gabi, sasalubungin niya ako ng yakap niya. He always makes my heart lighten. He always makes me happy.

He's always there for me.

And I hope that it won't end.

“Halika, nay, sa dulo po may vacant pa,” aya ko sa bagong pasok na customer na may edad na. “Sa dulo po tayo, nay, kasi malambot ang sofa roon para komportable po kayo.”

"Salamat nang marami, hija," aniya.

“Walang anuman po. Tara po, ma'am.”

Nakaalalay ako kay Nanay habang papunta kami sa may couch. Nakita ko pa ang ngiti niya habang nililibot ng tingin ang loob ng shop. Miski ako na matagal ng nagtatrabaho ay namamangha pa rin sa interior design ng shop.

“Ayos na po ba?” tanong ko nang ayusin ko ang ilang unan sa tabi ni Nanay.

“Maraming salamat, Lein,” ngingiti niyang sabi, binasa ang pangalan ko sa dibdib kaya ngumiti ako. “May boyfriend ka na ba? May apo ako kasi ako at wala pang girlfriend ‘yon.”

Napangiti ako. “May boyfriend na po ako—manliligaw po pala,” agap ko.

Tama lang naman ang sinabi ko dahil hindi ko pa boyfriend si Jinoh. Manliligaw pa lang… na malapit ko nang sasagutin.

Hindi na ako kinulit pa ni Nanay kaya naman inabot ko rin ang menu sa kaniya. Sa huli ay blueberry cheesecake ang nagustuhan niya at isang kape.

“Salamat nang marami, hija,” aniya nang malapag ko ang mga orders niya. Mabilis lang din kasi dahil ilan na rin kaming worker dito.

"Walang anuman po," malumanay na boses na sabi ko. "Taas niyo na lang po kamay niyo kung may kailangan po kayo. Sisilip-silipin ko kayo dito, okay po ba?"

Tinanguan niya lang ako kaya naman iniwan ko na rin si Nanay. Naglabas na lang din ako ng bagong pastries na ilalagay sa estante. Nginitian ko si Lovely nang makita niya ako.

May bagong part ng shop, si Lovely at Lito. Si Lovely ang katulong ko at ni Ms. Bubbles sa pag-bake. Si Lito naman ang katulong ni Luis sa paggawa ng kape. Kagaya rati, kapag tapos na kami sa nakatoka ay tutulong din kami sa pag-serve ng order.

“Hindi ka man lang ata dinadapuan ng pawis,” natatawang sabi ni Lovely sa akin. “Nakakainis, ang ganda-ganda mo, Lein.”

I just smiled at her. I think that was enough as my response. Ayoko naman mag-thank you. Lumawak pa ang ngiti ko nang makita kong pumasok si Jinoh sa shop. May dala-dala siyang lunch bag.

“Hi, Jinoh.”

“Hi, ganda,” aniya na nagpa-init ng pisngi ko. “Nagluto ulit ako ng lunch mo. Let me know if it tastes bad, okay? ‘Wag mong pilitin ang sarili mo kung pangit luto ko.”

“Kailan ka ba nagluto ng hindi masarap?” I asked, smiling.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses niya na akong hinahatiran ng lunch. Basta ang alam ko, after kong magsabi sa kaniya na may nakain ata akong hindi maganda sa isang karinderya ay roon na rin niya ako sinimulan lutuan ng lunch.

“Don't worry, masarap lahat ng luto mo.”

“Binobola mo lang ata ako, eh!” pigil ang ngiti na sabi niya.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon