You'll be safe here - Adie
Chapter 30
“S-sir Lorenzo? Bakit po kayo nandito?”
Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ay sinalubong na agad kami ni Papa sa pintuan. Nang silipin ko si Jinoh, puno nang pagtataka ang mata niya na nakatingin kay Papa.
“Bakit? Bahay ko itong pinuntahan mo,” sagot naman ni Papa na nagbaba pa nang tingin sa magkahawak na kamay namin ni Jinoh. “At ‘yang kamay na hawak mo ay sa anak ko. Okay na ba?”
I felt Jinoh' cold hand, he even slightly squeezed my hand. “Ah… Good evening po, sir Lorenzo…”
“Pumasok na kayong dalawa. Roon tayo sa loob mag-usap,” ani Papa, pinipigilan ang ngiti nang talikuran kami.
Na kay Papa pa rin ang buong atensyon ni Jinoh. Napangiti ako nang makita ang malalim niyang paglunok, hindi mawala ang mata sa loob ng bahay.
“Elein…” he said meekly.
Marahan ang pag-alis ko sa kamay niya, ni hindi naramdaman dahil busy pa rin ang tingin kay Papa. Hinuli ko ang magkabila niyang pisngi para ibaling ang tingin sa akin.
"Elein…”
“Still not believing in my father?”
“Tatay mo si sir Lorenzo? Paano nangyari?”
“Anong paano?” I laughed a little, then let go of his face. “Tatay ko siya. Bakit parang takot ka naman?”
“No, I'm not. Ah, kaya pala nang banggitin ko ang pangalan mo sa kaniya noon, bigla na lang nagbago ang tono ng boses niya.”
“Ako? Bakit?”
“Wala ‘yon,” pag-ngiti niya.
“Ikaw? Paano mo naman nakilala si Papa? Nagkita na ba kayo noon?”
“Lagi kaming nagkikita, Elein,” he smiled. “I'm the owner of sir Lorenzo's workplace. Kaya ayon… palagi kaming nagkikita at madalas din ang pag-uusap namin.”
“Boss ka ni Papa?” Napa-atras ako. I felt like my mind went black when he nodded his head. What? Sa kaniya ‘yong The Upper na pinuntahan namin ni Papa?
Jiovanni Noah Madrigal.
I remembered now! Nakasulat ang pangalan niya sa pinto ng opisina. Bakit ngayon ko lang naalala? Nakakainis!
I composed myself, then nibbled my lower lip. “He's too rich…” I whispered.
“Are you okay?” he asked. “Kinakabahan ka rin ba? Woah! Akala ko ako lang ang kabado sa atin. Buti naman may kadamay ako.”
Nagpawala pa siya nang malalim na buntong hininga bago ngumiti, na para bang naalis ang tinik sa dibdib niya. Gusto kong sabihin na hindi iyon ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, pero sinarili ko na lang para hindi na siga mag-isip pa.
“Let's go inside,” aya ko, ready na pumasok, at natigil lang nang hawakan niya muli ang kamay ko. “Bakit? May problema ba?”
“Elein, about what you've said earlier.”
“Na sinasagot na kita?” Ngumiti ako na agad din napalis nang makita ang pagbuntong hininga niya. Kinabahan ako. “May problema ba dahil sinagot kita?”
I nibbled my lower lip when my heart started to feel tight. Anxious crawled through my heart.
Masyado ba’ng maaga para sa aming dalawa? Hindi pa ba siya handa na maging girlfriend ako? O baka tingin niya ay nagmamadali ako?

BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...