Chapter 31

8 1 0
                                    

Chapter 31

“Gupitin na ‘yan! Gupitin na ‘yan!”

We were chanting happily to Issabela because it's her flower shop’s grand opening. I'm with Anna, Aura, and my boyfriend. Finally, Issabela became the florist that she had dreamt of.

My heart is happy for my Issabela. I felt like I was a proud parent seeing her achieve her dream. After the incident, we became more careful of her, like she was a fragile thing that we needed to hold with care because we were afraid to see her being broken. Kaya ngayon na nakikita ko ang ngiti niya, hindi ko maiwasan na hindi maging emosyonal.

“Gusto mo ako na gumupit diyan, Issabela?” suhestyon nang katabi kong si Jinoh, malaki ang ngisi kay Issabela. “Tumabi ka, ako na!”

“Moment niya ‘yan,” mahina kong sabi, natatawa. Pinigilan ko pa nga siya dahil akmang maglalakad papunta talaga kay Issabela.

“Itabi mo ‘yang mukha mo!” singhal ni Issabela, at dumila pa para mang-asar.

“I'm just trying to help you, my friend.”

“Siraulo ka! Pakitali nga ng bunganga niyan ng boyfriend mo, Ella, please lang,” tila umiiyak na sabi ni Issabela sa akin, naasar na. “Dylan, akin na ang gunting. Uunahin kong gupitin ang nguso ng lalaking gilagid.”

We all laughed. Pigil ko ang tawa dahil inaasar na ni Anna si Jinoh tungkol sa gilagid. Nang makita niya akong natatawa ay sumimangot siya sa akin.

“Gilagid daw ako,” bulong niya sa nagsusumbong na tono.

“Mahal pa rin kita,” ngiti ko, hinaplos pa ang pisngi niya para mawala ang mahabang nguso nito sa akin.

“Elein…” Hinapit niya ang baywang ko palapit sa kaniya, ‘saka hinalikan ang gilid ng ulo ko. "Ang bango mo," sabi niya.

“Makinig na muna tayo kay Issabela, Jiovanni…” sabi ko, iniba ang usapan dahil para akong nahihipnotismo sa kaniya.

"Okay," he nodded.

Akala ko tapos na ang kadaldalan niya dahil nga sumang-ayon siya sa akin, pero mali ako. Kahit lamang lang kasi ng kaunti ang agwat ng taas niya ay inihiga niya ang ulo sa balikat ko, at dumaldal muli.

“Nagugutom na ako. Hindi ka pa ba nagugutom?”

“Kakain na rin tayo maya-maya, hmm?” malambing kong sabi, sabay hinaplos ang pisngi niya. “Makinig muna tayo.”

Pinanood namin si Issabela habang nagbibigay siya ng speech niya. Yellow is her color. The way her yellow dress suits her skin tone while she just stood there. With trembling hands, she finally cuts the ribbon in front of the main door of her shop, making us all cheered in chorus.

“My name is Issabela Olivia, the owner of Flower Hearts,” she ended her speech.

“Anak ko ‘yan!” emosyonal na sabi ni Tita, lumapit kay Issabela at niyakap.

“Kaibigan namin ‘yan!” si Anna naman ang sumigaw.

Issabela looked at us, smiling sweetly and I could see her eyes getting teary. I smiled at her, and mouthed ‘I love you’. Bago pa man ako tuluyang maging emosyonal ay yumakap na ako kay Jinoh, ibinaon ko ang mukha sa dibdib niya.

“Congrats ulit sa bebe ko! Cheers!” sigaw ni Anna. Nasa rooftop kami ng shop ni Issabela dahil may celebration kaming apat ngayon. Kaninang umaga ang panlahatan. “Business woman na ang atake natin!”

“Thank you, Annastasia.” She hugged her.

“Kailangan talaga first name?” Pabirong bumitaw sa yakap si Anna at umismid. “Welcome, bebe ko.”

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon