Chapter 15: Coffee prince?

3.5K 82 6
  • Dedicated to Hillary Jan Lee :)
                                    

~ After 3 days

>> Saturday Night

Mikhail Ren's POV

Simula nung activity naming "Introduce ourselves with a twist " iniiwasan na kame ni ugly duckling na parang may nakakahawang kameng sakit. Ang boring tuloy, wala na akong maasar. Kahit si nerdy bihira ko nalang makita. Si Matt naman ay nagiging abala sa pag aaral ng kanilang businesses. At yung ibang Joe's ko din parang bihira lang kame mag kita at makapag usap ng matino. Si Carl nga di ko na nakikita simula nung nagsuntukan sina Matt at Nathan.

 Saan kaya yun nag suot? Palaging si Ace nalang ang kasama ko at busy din yun sa mga 'kunwaring' nililigawan niyang babae. Haay nako ang boring talaga pag wala ang mga Joe's.

Siguro, nextweek tsaka ko makita si ugly duckling kaklase ko yun sa lahat ng major subjects ko.  Ang boring kapag umiinom ka ng mag isa. Nandito ako sa may plaza at alam kong pinagtitinginan ako ng mga chicks na  nandito. Pero wala muna akong panahon sa kanila kasi naman parang di pa Cool ang dalawang joe's ko, sina Matt at Than.

Makayosi nga muna, nakakatamad talaga. Akala ko pa naman magiging exciting ang college life ko. Nakoo..sana naman may kachismis ako ngayon.

"Ren? Hoyy! Ren! Ikaw pala yan?" takte! Si Carl! Namiss ko ang gagong ito. Kaya naman inakbay ko siya sabay batok.

"Carl!! Saan ka galing 3 days ka talaga di nagpakita! Ano ka ba ang boring nung wala ka!" tinapon ko agad ang yosi ko. Baka maatake nanaman to ng asthma niya. Weak kasi si Lolo Carlito. Haha! Nag yoyosi din siya kahit may asthma siya—ganyan siya kagago.

"Ano ba Ren! Nasa rest house lang ako kasi may mga pasa ang mukha ko. Nakakahiyang pumunta sa school ng panget ang itsura. Lakas ng tama sakin ng bestfriend ni Jessy." Umupo kame sa bench. Inabutan ko siya ng beer in can tinanggap niya naman ito.

"Talaga? I wish I was there and witnessed how he kicked your ass. Hahaha!" namiss ko talaga ang gagong ito.  Teka...ano daw --Jessy? Kalian pa siya natutong tawaging si ugly sa first name neto?

"Ano? Kalian kapa naging close kay ugly duckling at tawagin siya sa first name niya?" nilapit ko ang mukha ko sa kanya para suriin kung okay lang ba siya, tinulak niya naman ang mukha ko. Bastos talaga ang lampang ito.

"Gago! Eh second name niya naman yun eh! Camellia kaya ang first name nun! At hindi kame close!" ang defensive naman neto. Nakataas lang ang kilay ko. Alam kong may idudugtong pa siya sa sagot niya.

"ahmm... humingi na ako ng tawad sa kanya." Nakayuko lang siya at hinihimas ang batok niya. Ganyan ang mannerism niya kapag nahihiya siya. Teka..ano daw?

"ANO?!! KAILAN KAPA NAGING MABAIT SA PANGET NA YUN?" sinong hinding magugulat ? eh siya talaga ang anti-JESSY sa grupo namin.

"ehh.. kasi di ko pa naikwekwento sayo ano ang nangyari.. huwag ka nga sumigaw! Gago!" I just crossed my arms and waited for him to start to narrate what really happened that day.

Naikwento niya sakin na hinabol siya ng mga siga, tapos nawala niya ang inhaler niya at napulot pala yun ni ugly duckling at hinabol siya ni ugly duckling at napagkamalang kasama niya si ugly duckling at yun ang dahilan kaya hinabol din si ugly duckling ng mga panget na siga at dahil sa ginawa ni ugly duckling buhay parin siya hanggang ngayon.

"Ganun ang nangyari at malaki ang utang na loob ko sa babaeng yun " sabay inom ng beer.

"Yun lang?" syempre kunwaring di ako na-amaze. Amaze na amaze ako sa ginawa ng panget . Ang sama ng pakikitungo sa kanya ni Carlito pero nagawa niya pa yun. Kapag ako ang nasa posisyon ni ugly duckling, hahayaan kong maubusan ng hininga si Carlito. HAHAHA. Joke lang.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now