Chapter 34- Is She The One?

2.9K 67 24
                                    

A/N:  waaa! it's been a while! :D Enjoy reading. love Love. 


Normal lang naman ang araw sa Maven University. Nag aaral ng mabuti ang mga dean's lister, nangongopya ng assignments ang tamad na mag-aaral, tuloy lang sa pag chismis ang magbabarkada, may mga loner rin, at may mga masasakit sa mata na magkasintahan dahil sa over public display of affection. Maraming bitter sa panahon ngayon, kaya talagang masakit sa mata.

"BORING!!!" reklamo naman ni Ren. Kailangan nilang mag tiis sa student center, student kiosk o canteen. Wala na silang 'special tambayan' na pag aari ni Carl, off limits na according to Miss Maven.

"Haaay, wala kana bang ma bully Ren? Para naman may mapanood kame, pang kill time." Nakapalumbabang saad ni Ace. Masyadong dry ang araw na 'to para sa kanila.

"Ano? Allergic na ako mag community service, ikaw nalang Ace back up lang ako. Haha! Sinong magandang biktima?" mukhang naging excited naman si Ren.

"Why don't you sit down and study your lesson?" iritang saad naman ni Nathan. Busy kasi siya sa kakasagot ng laborartory manual niya. Ngumuso lang si Ren, hindi nalang nag salita si Ace.

"Loser." Bulong ni Ren. "Hey! I heard that." Sabay glare ni Nathan kay Ren. Agad naman nag peace sign si Ren.

"Kailan kaya ang uwi ni Carlito?" sabay tapped ni Ace ng pencil ni Nathan.

" 2 days palang nga wala ang tao, namimiss mo na? Well, I can't blame you, you're such a gay." Agad naman sinuntok ni Ace si Ren sa balikat neto. Akmang gaganti si Ren pero....

Matthew Kurt's POV

"Can't you see I'm sleeping?" nakagising naman ako dahil sa ingay ng walang hiyang isip bata na si Ren at Ace. I'm freaking tired. Tapos nag iingay lang sila.

"Si Ace kasi Matt. Sinuntok ako oh." Sumbong naman ni Ren saken. Si Nathan naman patuloy lang sa pag sagot sa bu*sit na manual niya. Hindi ba niya pwedeng pagsabihan ang dalawang 'to?

"Will you stop it? You're too loud." Nakita ko naman si Ace sabay bukol sign kay Ren, I also glared at him. Ang ingay ingay. Ang kulit kulit. Mga batang 'to.

"Sana sa library ka natulog. Pssh." Bulong ni Ren.

"Come again?" inis na tanong ko sa kanya. Akala niya siguro bingi ako? Kumukulo nanaman ang dugo ko. Walang araw na hindi ako napipikon sa mga kaibigan ko. But, I'm glad because they didn't get rid of me even though I'm like this.

"hehe. Sabi ko, syeet ang gwapo ko." natatawang pahayag naman niya.

"Hey Jessy!" tawag naman ni Nathan kay---MISTER?! Akala ko wala siyang pake sa mundo? Bakit siya tatawag-tawag kay Mister? Hindi na ako inaantok. Nakangiting pumansin si Mister kay Nathan, pero nung nadako ang tingin niya samin nina Ren at Ace, agad siya nag snob. That Mister! What's her problem?

"Hmm. Snobera. Akala mo sinong maganda. Ble!" sabay belat naman ni Ren kay Mister pero hindi nalang siya pinansin. Siguro nasanay na sa ugali ni Ren.

"What don't you call her to sit with us?" kinausap ko naman si Nathan. Tiningnan lang ako ng dalawang gago. Sino pa? Si Ren at Ace. Si Nathan naman ay mukhang tanga nakatitig lang saken. Problema niya?

"Ikaw na tumawag, nakakatamad magsalita Matt." Bumalik ang atensyon niya sa manual na sinasagutan niya. This moron! Sinamaan ko siya ng tingin, pero hindi niya na ako pinansin. Blood pressure: 180/140mmHg

"Alam mo Matt, kapag gusto mo makatabi si duckling, dapat ikaw nag iinvite. Hindi yung nang uutos ka ng ibang tao."

"Makatabi? Ha! I don't even want to be near her." Sabay tingin ulit kay Mister. Medyo nakakalayo na kasi siya. Saan kaya punta nun? Sana man lang lumapit muna siya samin.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now