A/N: Chapter 24 is out! Just sit back and enjoy reading. GodBless. AHUHU. Sorry kung natagalan ako mag UD, ang busy ko kasi. Pasensya na talaga T~T pinahaba ko naman ang update ko ngayon, sana magustuhan niyo.
~~ 3 days later after 'swimming pool' incident
Matthew Kurt's POV
Today is day 3 of 'I-Don't-Know-You' since the swimming pool incident. I thought after I saved her from drowning we'll get back to what we used to be before. Mas masaya pala na kaaway siya kesa sa hindi siya kapansinan. May lakas na loob na ako na pansinin siya, kaso siya naman ngayon ang umiiwas sa akin. Anyare? May nasabi ba akong weirdo nung niligtas ko siya sa pool? kasalanan niya naman yun eh! Bakit ba niya ako sinipa pa? aissh. Kapag nagkikita kame, tumatango lang siya saken then run afterwards.
Kakausapain ko na sana siya ng matino nung araw na yun, kaso dumating ang eepal-epal na sina Nathan at Carl, then they accompanied Mister way back home. Why is it Luck is not on my side?
At sa mga nagdaang araw na hindi ko siya naasar, si Carl ang mas nagiging malapit sa kanya. Parang linta si Carl na dikit ng dikit sa Mister na yun! Parang naisantabi kameng mga NAUNANG kaibigan niya simula dumating ang Mister na yan! Hindi pa nakuntento, palagi na nga lutang ang isip ko dahil sa Mister na yun, inaagaw pa ang kaibigan namin.
Friday na ngayon, then weekend nanaman. Hahaba nanaman ang araw na hindi kame nagkakaasaran. Palagi nalang ako nagski-skip ng class ko, at walang ganang kumain. Puweh! Hindi dahil sa kanya, sadyang may iniisip lang ako tungkol sa business namin. Ano bang bago ngayon? Washday namin tuwing Friday, actually 3 days ang washday ng Mavenian's (Maven Univeristy Student) tuwing Wednesday, Friday and Saturday; but I don't have any class during Saturday. I need a break at least two days. I have works to do, I study my family business during weekends. I usually read the reports of our business from our office.
"Hi Matthew! Good morning!" Ace appeared in front of me. Saan galing 'to? Siguro hindi ko siya napansin dahil lutang ang isip ko. Aish.
"What's good in morning." Inirapan ko naman siya.
"Aish.. Bakit badtrip ang joe's ko? Si Ren, di ko rin ma-gets ang mood." Sinabayan niya naman ako sa paglalakad sa hallway. Ganun? Badtrip rin si Ren? Bakit? The hell I care. I have no time to think about him.
"Hi joe!" masiglang bati naman sa amin ni Carl, niyakap niya naman si Ace. Sila ang close eh! Sarap sakalin ng Carlito na 'to. Ang lakas maka epal. Bakit ba ako naiinis ng walang dahilan kay Carl? Nababaliw na ata ako. Tiningnan ko lang siya, ngumiti lang siya sa akin. Ayt! Sarap tirisin ang mapupulang labi niya. (-__-*) (A/N: Hala, ang bad mo Matt.)
"May problema ba Matt?" mukhang nahalata naman ni Carl na naaasar ako. Nagtago naman siya sa likod ni Ace. Palagi siyang ganyan kapag tinititigan ko siya ng maigi.
"Nothing. " inalis ko ang tingin kay Carl at naunang naglakad.
"Problema ni King? Lately, mainitin ang ulo niya." Saad naman ni Carl kay Ace.
" Kailan ba naging kalmado yan?" sagot naman ni Ace kay Carl. Kaya naman nilingon ko sila, tapos binigyan nila ako ng abot langit na ngiti sabay kamot sa ulo. Mga kumag na 'to. Dumating naman si Nathan ang 'diligent student' sa grupo namin. May dala siyang sling bag at may bitbit na book.
"Oh? Kumain na kayo? Tara kain?" tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang takaw-takaw ng kapreng 'to. Kaya ang tangkad-tangkad niya. Sa tuwing maaga kame sa school yan ang favorite line niya 'tara kain?' Hampasin ko 'to ng pancake sa mukha. (A/N: ang sungit mo.. XD)
YOU ARE READING
The Impossible Girl (COMPLETED)
RandomDate Completed: November 25,2016 First Published: January 22,2015 Book cover: Made by me. (@Meishah22) Genre: Humor, School, Friendship, Romance Camellia Jessy Gonzales, o mas kilalang 'Jessy' na nangangarap na makapagtapos sa isang kilala na uniber...