Chapter 42: The Zombie King

2.1K 57 1
                                    


Chapter 42: The Zombie King

Carl's POV

"Hmm..ahh"

Yaks! Anong naririnig ko ngayon?

Hindi ako green minded pero alam niyo ba ang iniisip ko? Syet. Baka si Zack Hunter yan! panigurado, may nilalandi nanaman siguro. Grabe, kahit nasa mission pa kame, nagagawa niya pa yan?!

"Hmm. Ah..Oh"

Nako naman po. Talagang tumutunog pa yung pintuan oh. Siguro nandyan siya sa pintuan.

Halos lumundag ako dahil sunod sunod ang tadyak sa pintuan.

"errr.. may tao ba dyan?" nilapit ko ang tenga ko sa pinto. Halos mabingi naman ako dahil sa taong gustong gumiba ng pinto.

"Hindi kaya multo yan?" gusto ko sana tumakbo palayo. Naka video parin ako sa sarili ko. Medyo madilim pa naman dito. Hindi kaya zombie ang nasa loob?

"Hmm..mmm..mm!!! Ca-Cawrlll. Cawrl.." umuungol naman na tawag niya saken.

Bakit naman pangalan ko ang binabanggit niya? Masilip nga.

"Putek!! Ren?!" agad ako lumuhod sa tabi niya.

"Bakit kaba nakatali at para kang baboy na handang i-lelechon?!" inalis ko ang takip sa mata niya at panyo sa bibig niya.

"Putek.putek talaga." Hingal na hingal naman siya.

"Anong nangyari sayo Ren? Bakit kaba nagkaganyan? Sino gumawa neto?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Inalis ko rin ang tali sa kamay at paa niya.

"GAGU TALAGA. YANG BESTFRIEND MO NA SI ACE! SIYA ANG ZOMBIE KING! SIYA ANG MAY GAWA NETO SAKEN!" napakurap naman ako.

"pfft. Lol. Joker ka talaga. Hindi si Ace ang zombie king. Si Nathan o Matthew! May mga pweba kame na isa sa kanila ang zombie king! Si Ace ang nagpatunay nun samin!" Aba't. Akala namin mga inosente pero hindi pala.

Kaya pala Missing in Action ang dalawang yun. Nako nako. Mga best actor!

"Hindi! Hindi si Matthew o Than.. Si Ace! Si Ace talaga. Leche. May antidote ka dyan?!" halos natataranta naman siya.

"Bakit kaba nagkakagayan? Maswerte ka nakahanap ako ng antido---" agad naman may kumuha ng antidote na dapat iaabot ko kay Ren.

Napatingin kame, si Brianna.

"Mine." Nanlaki ang mata ni Ren nang inumin ito ni Brianna. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.

"WTF?!" hiyaw ni Ren kaso tumakbo na palayo ang babae.

"Putakte joe! Kalaban natin yun! Alam mo ba plano niya i eliminate ang team natin para team nalang nila ang matitira para sila ang manalo?!"

"Walanjo! Hindi ako papayag!! Punyemas na babae na yun!"

"Ilang minuto nalang ba ang kailangan bago ka maging zombie?" agad may lumapit zombie at napasigaw ako. Kaso nakaupo parin ako sa floor.

"Tapos na ang time mo Ren. Kaya i-make up kita para maging zombie ka. Okie?" sabi ni ate na zombie na may dalang make up kit.

"EH?! MAY MAKE OVER PA PALA?!" hindi nakatanggi si Ren dahil nagsimula nang lagyan ng kolorete ang mukha niya.

Tungkol pala kay Ace... tatanungin ko sana siya. "Bakit nasabi mo na si Ace..."

"There you are." Agad inalis ni Ace ang nametag ko. "WTF?! ACE BAKIT MO GINAWA YUN?!" at may lumapit ring make up artist na zombie at sinimulan akong lagyan ng make up.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now