Chapter 44: Joe's

2.3K 62 4
                                    


Dedicated to:  @PelameMuez

Mikhail Ren's POV

Nakagising ako dahil umiba ang tiyan ko. Agad ako tumungo sa comfort room at nag susuka.

Ano bang nangyari kagabi?

Talaga bang knock down ako dito sa bahay ng mga Mavens?

Malamang. Dito nga ako nagising! Pssh. Kasama ko sa kwarto si Ace at Carl. Tulog na tulog parin sila.

Ang sakit talaga ng ulo ko. Nag hilamos ako at nag toothbrush. May bagong stock ng toothbrush kaya ginamit ko na. Akala niyo gagamitin ko ang mabahong toothbrush ni Carl? Yaks.

Lumabas na ako ng kwarto, gusto ko uminom ng mainit na kape.

Pakiramdam ko may nasabi akong mali kagabi. Ano naman kaya yun?

Kasalanan 'to ni Than! Nilasing ako masyado.

Nasa kitchen na ako at nagulat naman ako kay...

"Matthew? Haaay nako. Nakakagulat ha. Ang aga mo naman ngayon."naghismas himas ako sa macho kong chest.

Nagtitimpla siya ng kape, handa na rin ang pagkain sa mesa. Hmm ang bango.

Sweet sweet niya talaga kahit kailan.

"Sit."  Sabi niya. Iba naman ang aura niya ngayon.Umupo na ako at inabutan niya ako ng kape. Tumungo nanaman siya sa stove parang may itinitimpla siya doon.

"Matt. Sobrang lasing ko kagabi ano? May nasabi ba ako kagabi? Parang wala akong---" nag flashback naman lahat saken.

Lahat ng sinabi ko kagabi tungkol kay....Loise. Natandaan ko ring umiyak ako.

Umiyak ba talaga ako?

"Ahm.. Matt.. nasabi ko na sayo?" Pero tahimik parin siya. Sana panaginip lang yun. Pero parang hindi eh.

"Matt. Si Loise ang supergirl natin." Pag amin ko naman sa kanya pero hindi niya ako pinapansin.

"Sinabi ko sa kanya na siya ang hinahanap natin pero hindi ko muna siya pinayagang sabihin yun sa inyo. Wala kasi siyang maalala Matt. "Still no answer. Galit nga si Matthew. I can't blame him.

"Nag gagalit galitan naman ako sa kanya kapag kaharap ko kayo, para hindi niyo maisip na nagbago ako." Nakangiti ako ng mapait while stirring my coffee.

"Matt.. sorry. Sorry kasi inagaw ko rin ang identity mo. Sinabi ko sa kanya lahat ng ginawa sayo ni Supergirl. Sinabi ko sa kanya ang ginagawa mo dati sa kanya--- gamit ang pangalan ko." Nanuyo naman ang lalamunan ko. Shit. Ang selfish ko talaga. Sana pinaalam ko nalang sa kanila nung una pa.

Panalo nalang kaya kame? Baka magbabago na ang lahat. Kasalanan ko naman lahat ng 'to. Walang ibang sisisihin kundi ako lang.

"You think I'm going to steal her from you?" Nagsalita naman siya.

"What do you mean Matt?" Umupo narin siya sa harap ko.

"You like her, right?" Gusto? Oo, gusto ko ang nerd na yun kaso hindi pwede, nandyan si Ace at lalo na si Matt.

"Hindi." Pagsisinungaling ko.

"Ah. Yun naman ang dahilan kaya tinago mo yun, diba?" Umiling lang ako. Napayuko ako. Syet. Nababading na ako. Naluluna ako. Siguro may kapeng lalabas sa mata ko.

"Remember what I told you about supergirl?" Tiningnan ko naman siya.

"Sabi ko sayo malalaman ko lang ang sagot sa nararamdaman ko kapag nakita ko siya ulit. " He sipped his coffee and look at me.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now