Chapter 61: Sign

1.9K 72 3
                                    


Maaga nagising si Matthew dahil magluluto siya ng babaunin nila ni Jessy sa kanilang first date. Count it as second, pero sa pagkakataon itong hindi napilitan si Jessy para makipagdate sa kanya. Hindi pa sumisikat ang araw nang magising si Matthew. Abala na siya sa kusina kahit tulog na tulog pa ang lahat. Nauna pa siya sa manok.

"Waaa! Lintek Matt! Akala ko pinasok na tayo ng magnanakaw! Linteeek. Alas tres palang ng umaga." Sabay kusot sa mata niya. "Go back to sleep! You're disturbing me!"

"Grabe siya oh. Pero, teka..ang aga mo nagising ha? May gagawin kang bagong dish?" tumungo naman sa fridge si Ren para uminom ng tubig. "tsk. Antok ka diba? Matulog kana nga ulit"

"Uyy, nagtatanong lang. Nag aalala lang ako sayo, ang aga pa pero eto ka para kang baliw nagluluto. Ano bang meron ha?"

"Tsk. This day is special to me! So please, don't disturb me, okay? Shooo~ Go to your room."

"Ah, look at this lad. Ano nga sabi mer---" sinunggaban ng spatula ni Matthew ang bibig ni Ren. "Shut up and sleep!"

"HOY!! ANG SAKIT NUN HA! pag dumugo ang labi ko, hahalikan talaga kita!" Matt glared at him and he just nodded and went to his room without asking again. Bumalik sa pagluluto si Matthew.

**

5:30am at tapos na naligo si Jessy, kinumbinsi niya ang sarili niya na hindi siya excited pero the day before their date hindi siya makatulog ng mahimbing. Kaya maaga siya nagising at naligo. Agad naman siya nagpabango. Hinalungkat ang cabinet para tingnan kung anong matinong damit ang isusuot niya.

All of her clothes are on her bed. Sinuot niya ang karamihan dito, pero wala siyang mapili ng maayos.

"Haist! Jessy! Kailan kapa naging mapili sa pananamit?!" kinausap naman niya ang sarili sa salamin. "Maganda naba 'to? bagay ba?" sinuot niya naman ang old blouse. Nakita niya naman na may punit sa bandang kili-kili agad niya ito hinubad at tinapon palayo.

"Waaaa! Anong susuotin ko?!" sabay sabunot sa buhok niya naman. Nag sukat nanaman siya ng damit. At the end ang napili niya ay simpleng loose shirt na kulay sky blue at skinny jeans. At sinuot niya ang bigay ni Matthew na pair of sneakers.

"Pony tail? Head band? O lugay nalang?" inayos niya naman ang buhok niya.

~Mean while in King's Residence.

"Ren! Ren!" panic na gising naman ni Matthew kay Ren. Dahil sa sobrang OA nahulog tuloy ito sa kama. Napamura wala sa oras si Ren, pero agad namang natahimik nang makita niya si Matthew pala ang pakana ng paghulog niya.

"Oh? Ano naman ngayon?" halos nakapikit pa ang mata neto.

"I need your help." Inupo naman agad ni Matthew si Ren sa gilid ng kama. "Ha?" disoriented na saad neto. Tumakbo paloob ng CR si Matthew para kumuha ng basin at sapilitang nilublob ang mukha ni Ren sa tubig.

"HOY!!! Pweh!! Muntikan ko mainom ang tubig galing sa banyo ha! Akala mo saken, aso?!"

"Sorry about that. But, please wake up! I need you to fix my hair."

"Huh?" yun lang ang sabi ni Ren pero agad naman siya hinila ni Matthew patungo sa labas. Inayusan naman ni Ren ang buhok ni Matthew. Nilagyan ng gel at ginawan ng style.

"Oh. Bagay naman sayo." Sinuri neto ang ayos, at nakuntento na ito. "oo na Matt, gwapo kana. Huwag ka nga pa obvious na excited ka sa date niyo ni Jessy."

"you knew?" tanong ni Matt. Ngumiti lang si Ren sa kanya yung derp style. "Seriously Matt? Akala mo saken Slow? First time mo kasi makipag date, kaya oo halata sayo! " tumingin ulit si Matthew sa salamin.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now