Chapter 20: Ignore

3.1K 73 16
                                    

A/N: oh yes! Chapter 20 na rin. Di ko akalain na hahaba ito (Mahaba na ba? hahaha) Thank God kasi ang daming ideas pumapasok sa isip ko. Thank you rin sa mga readers na nag-aabang ng updates ko, kapag wala kayo? Wala rin ang story. Kaya sobrang thank you talaga! Pasensya na po sa mga errors ha. Don't worry, kapag aabot na ng chapter 30+  (hopefully) i'll re-edit ng story again. Sorry po. :D salamat po! Love love.

Paalala: Hindi lang sa mahal na araw nagpapatawad, dapat araw-arawin. :3

Meishah22

~ At Cafeteria

Nathan Elric's POV

I'm just wondering.. bumalik na ata ang hanging amihan ha? Ang lamig na kasi ni Matthew.  Hindi na rin siya nakikipag usap masyado sa amin, ay mali, nauso ba sa kanya na kausapin kame ? Hindi kaya siya madaldal. -__- Ano ba naman yan..

Pero may nagbago sa kanya, napansin kong hindi na siya nag yoyosi. Pang past time niya kaya yun. Talaga bang dahil kay Jessy? Yun naman kasi ang dahilan sa akin ni Ren, loko talaga ang ungas na yun. No wonder kaya pinagtabuyan sila ni Matt nung nakita sila neto na sinusundan siya. Hindi parin naikwento sa amin ni Matt kung ano ang nangyari sa lakad nila ni Jessy.

Napapatingin ako kay Matt kasi naman kaharap ko lang siya ngayon. Napansin kong hindi pa niya nauubos ang pagkain. Sandwich lang ang in-order nyan ha tapos hindi niya parin nagagalaw. Tapos kame nina Carl? Parang wala ng bukas ang pang-lunch namin, hindi rin kasi kame nag breakfast.

"Matt." Tawag pansin ko sa kanya. Pero hindi niya ata ako naririnig.Nakahawak lang siya sa may cellphone niya at nakatitig lang sa screen neto. Ano naman meron sa cellphone niya? Baka naghihintay ng call. Well, ewan ko sa kanya.

"Problema nyan?" bulong sa akin ni Carl. I just shrugged. Hindi ko rin kasi alam eh. Teka, nasaan na ba sina Mikhail Ren at Ace? Akala ko ba mag huhugas lang sila ng kamay?

" Matthew, ok ka lang? May sakit kaba?" tanong naman ni Carl kay Matt. Aba, concern talaga yank ay Matt kahit palagi siyang bukol kay Matt. Haha! Malaki rin kasi ang utang na loob niya kay Matt.

"Ha?.. sorry, come again?" anong problema niya? Disoriented masyado? Aba, milagro. Kahit akala namin wala yan sa mundo pero nakikinig yan sa mga usapan namin. Ngayon lang ata hindi.

"Are you okay? Hindi mo pa kasi nagagalaw ang pagkain mo" nakataas na kilay na sabi ko sa kanya. Tapos napa sigh lang siya at tinago ang cellphone niya. Ang lalim ng problema ha?  Kung maka sigh parang pasan ang mundo.

"problema mo? You know you can tell us." Binaba ko naman ang spoon and fork ko para makinig sa problema niya, pero sinimulan na niyang kainin ang sandwich niya. Ayy takte! Parang ewan talaga ang ugali neto, makakain na nga!

"oh si Jessy." Sabi naman ni Carl. Biglang naubo naman si Matt, inabutan ko siya na tubig. Ahh.. I see. Bigla ako napangiti ng palihim.

" no one give a damn." Kumagat na ulit ng sandwich si Matt. Sige, tuloy mo yan Matt.

"Ngayon ko lang kasi nakita si Jessy sa cafeteria eh. Hindi naman kasi siya dito kumakain eh. Pansin niyo yun?" sagot ni Carl, napatingin nalang ako sa lugar nina Jessy, kasama niya yung kaibigan niyang si Loise. Tama, second week of school na, ngayon ko lang nakita si Jessy na tumapak sa cafeteria.   

"Just eat your meal Carl." Nakatuon lang ang pansin ni Matt sa kanyang sandwich. Parang hindi nga siya ngumunguya eh, nilulunok niya lang ang sandwich niya.

"Matt, nakatingin siya sa dito sa atin." Bulong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagkagat ng sandwich niya. Tapos tumingin sa may kaliwa. Haha! Naniwala naman siya? Sinamaan niya lang ako ng tingin. Kumain nalang din ako.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now