A/N: Mabuti naman at umulan na rin sa lugar namin. Oh my~ Thank God.
Huhu.. pinipilit ko ang aking sarili na kumain ng carrots para maiwasan ang pagkasira ng mata. Wahaha! Ayy, sana magustuhan niyo ang chapter 23. :D enjoy sa pagbabasa.
P.S: Pagkagising sa umaga ugaliing tumingin sa color green, particularly sa mga trees/halaman. Nakakabuti kasi ito sa mata. Charaaan~ Enjoy the sun . Ingat!
Love Love :*
Meishah22
~ at Cafeteria
Mikhail Ren's POV
Kaharap ko lang naman ang babaeng halos kitilan na ako sa buhay sa talas ng tingin sa gwapo kong mukha. Aba, magkasama pa sila ni Carl. Hindi na ako nagtaka kung bakit nag-aya si ICE KING na dapat samahan namin sina Carlito at Ugly Duckling kumain, gumagana ang Selos Hormone ni manong Matthew.
Hindi ko talaga maiwasan na ngumiti, si Ace nga panay ang tingin sa akin tapos binigyan ako ng makahulugang ngiti. Maybe we have the same thought. Si Nathan lang naman ang walang alam dito, kumbaga sa movie-EXTRA lang ang mahal kong kaibigan na si Nathan. Haha! Ako kaya ang bida dito, ako lang at walang iba. Ang kontrabida si Ugly Duckling, panget kasi siya. Dejoke lang. Sige na, pagbibigyan ko na si Matthew, siya ang main cast dito at ako ang supporting actor. Ayos ba? Well, balik tayo sa pangyayari..
"I heard that you can't finish these foods. That's why we are here. Is it okay?" tanong ko sa kanila, pero hindi ko na sila hinintay na sumagot baka paalisin pa kame. Agad ako nang-utos ng isang estudyante na kunan kame ng plato. Haha!
"Ahm.. ano ang problema joe's?" tanong naman sa amin ni Carl. Oo Carl, meron. Si Matthew, hindi man niya aminin nag seselos siya dahil sa lalakeng este panget na babae na kasama mo. Gusto ko talaga sabihin ang laman ng isip ko kay Carl, kaso huwag na. Hahayaan kong magsalita si ICE KING.
"Nothing.I'm starving. Let's eat." Sagot naman ni Matt. Aba, with eye contact pa kay Ugly duckling. Dyan yan nagsisimula eh! Sa simpleng eye contact hanggang aabot sa matamis na pagtitinginan. Ay lintek! Ang corny! Nilapag na ng inutusan kong estudyante ang mga plato namin. Magiging masayang Lunch 'to.
"Oh well. Help yourself." Nilagyan ko ng spoon and fork ang plato ni Ugly duckling tapos ngumiti ako sa kanya. Pero yung mata niya naniningkit na. Gusto ko matawa. Alam kong awkward sa kalagayan niya ang ganitong set-up. Syempre, kaharap niya ang gwapong lalake sa balat ng lupa. Si Mikhail Ren Lenon. At yung taong totorpe-torpe at sira ulo na si Matthew Kurt King at ang nag iisang tinitingala niya sa grupo namin, si Nathan Elric Valor.
"Oh sige. Kain na tayo?" tiningnan naman ako ng masama ni Carl. Haha! Akala niya siguro nagbago na ako. Ngumiti lang ako sa kanya then he rolled his eyes.
"Kanin oh." Inabot naman ni Carl ang kanin para kay Jessy kaso...
" Ahw.. I'm really starving. Thanks." Kinuha ni Matthew ang lalagyan ng kanin kay Carl.Nagulat si Carl nung una kaso tumango nalang ito.
"Ehem.. Jessy, kumuha ka na muna ng ulam." Inabot naman ni Nathan ang isang dish, pero kinuha naman ito ni..
"I love this dish." Agad kinuha ni Matthew ang plato na hawak ni Nathan na lalagyan ng ulam. Napansin ko naman si Ace na nagpipigil na matawa. Umiwas nalang ako ng tingin pati ako natatawa sa pinaggagawa ni Matthew.
" Ah, kumain nalang kayo. Busog pa naman ako. Mauna nalang ako." akmang tatayo na si Ugly duckling.
"Jessy naman. Hindi ba eto yung bayad mo sa locker at books mo?" pigil naman ni Carl. Whoa. Talaga? Binigyan niya ng locker at ng bagong books si Jessy?
YOU ARE READING
The Impossible Girl (COMPLETED)
RandomDate Completed: November 25,2016 First Published: January 22,2015 Book cover: Made by me. (@Meishah22) Genre: Humor, School, Friendship, Romance Camellia Jessy Gonzales, o mas kilalang 'Jessy' na nangangarap na makapagtapos sa isang kilala na uniber...