Chapter 48: Chance

2.1K 60 5
                                    


Mikhail Ren's POv

Nagising naman ako at nasa kwarto naman ako ni Matthew. Binuksan ko naman ang lamp at nakita ko na mahimbing naman ang tulog niya. Lintek. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Nagpakalasing nanaman ako?

Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan kung anong oras na.

"Damn it. 2:30am" agad ako tumungo sa CR at nagsusuka. Nagsipilyo naman ako at naisipang magpahangin sa labas.

Paglabas ko ng room , nagtagpo naman kame ni Krystal.

"Hanggang sa pagtulog ko? sinusundan mo parin ako?" inis na panimula ko.

"No. It just I woke up and I can hardly sleep." Inayos niya naman ang sarili niya.

Naisipan ko bumili ng coffee yung nabibili sa vending machine. Pakiramdam ko may nakabuntot saken.

"LINTEK NAMAN KRYSTAL! HUWAG MO AKO MAGULAT GULAT!" wala man lang ingay na sumunod pala saken ang babaeng 'to. Anak ng pusa!

"Sorry, grabe ka naman Ren, OA mo magulat." Ngumuso naman siya. Bumili rin siya ng kape niya.

"Don't follow me! Go back to your room!"

"I'm alone in my room Ren. Can I stay with you?" sabay ihip niya sa kape. Maganda naman talaga si krystal, kaso nga lang. Ayaw ko talaga sa kanya.

"ngayon lang ha. And no touching! Don't call me honey!" banta ko sa kanya. Tumango naman siya, kaya naisipan namin namnamin ang kape namin sa labas ng hotel. Nakaupo naman kame sa bench at nagpapahangin sa tabing dagat.

Hindi naman ako sanay sa babaeng 'to. Naka Over ang pagkatahimik.

"Hoy. Why are so silent?" panimula ko.

"You told me that I'm too annoying." Sinabi ko ba yun? Siguro nga.

"Talk now. Hindi ako sanay na ganyan ka." itinabi ko naman ang kape ko. Ang haba talaga ng gabing 'to. Siguro may mga tao parin nag eenjoy sa party. Sayang nagpakalasing agad ako.

"Ren..." tawag niya saken. Lahat KUYA ang tawag niya sa joe's ko. Saken lang hindi, baby face kasi. Haha!

"Hmm?" kunwari walang gana.

"I like you a lot." Sinamaan ko siya ng tingin. "Tell me that I do not know."

"I love you." Dagdag niya. Nako nako. Napasabunot nalang ako sa gwapong buhok ko. Bakit ba niya sinasabi ito?

"ayaw mo ba sumagot Ren?"

"Hindi mo magugustuhan ang sagot ko."

"But, I'm already immune to it." Mas nilapitan niya ako at lumayo ako ng pwesto sa kanya. Baliw kasi siya.

"tigilan mo nga ako Krystal. Magtira ka nga ng self respect dyan sa sarili mo. Maswerte ka kapatid ka ni Ace." Dapat pala hindi ko na siya pinasalita pa. Sumasakit nanaman ang ulo ko dahil sa kanya.

"If I'm not kuya's baby sis, will you like me?" tanong niya saken. Tiningnan ko naman siya, mata sa mata..puso sa puso.. de joke lang. Inis na inis na ako!

"Krystal." Mahinahong banta ko.

"Will you like me?" tanong niya ulit saken. Huminga muna ako ng malalim.

"No." Sincere na sagot ko.

"But, I'll never stop liking you Ren. I promised to myself that you'll be the one man in my life. You'll be my first love, first kiss, first date and my only love of my life."

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now