Mikhail Ren's POV
Yoohoo~ Miss me? alam niyo dear readers parang wala ng role si Matthew dito sa story na 'to. Dapat naman talaga siya ag madaming POV's dito ,pero mas gwapo kasi ako kesa sa kanya kaya eto may POV nanaman ako.
Sabi ni Miss Author, extra chapter lang 'to. Gusto niya lang daw gumawa dahil na miss niya kameng Handsome Joe's. Lalo na ako. Kaya mag vote, comment, at i-share ang story na 'to para ma inspire naman si Miss Tagapaglikha. Haha!
Tanong ko lang guys, ano ang magandang gift kay Ate Preciosa? Eto talaga ang mahirap ba, hindi namin alam kung ano ang best gift para sa kanya lalo na't mayaman naman sila at kayang bilhin kahit na anong binebenta sa mundong 'to.
"Oy Than, kanina pa tayo paikot ikot, naiinip na ako. Ano bang magandang gift sa kanya?" Si Nathan naman ay patingin tingin sa mga damit na naka hang sa isang stall.
"Kaya nga naghahanap, diba?"
"Sa tingin mo tatanggapin niya yan?" kumuha siya ng couple shirts.
"Bakit? Bawal ba neto?"
"Hoy Than! May balak kaba na isyota si Ate Cathy ko?! We agreed that we should never fall inlove sa mga siblings ng mga joe's." Umepal naman si Carl. Si Nathan at Cathy? BWAHAHAH. Isang malaking joke.
"Bakit? Binilhan lang ng couple shirt may balak na agad i syota? Pwede naman niyang ibigay 'to sa magiging boyfriend niya! And besides, almost 5 years difference Carl ang agwat namin."
Napa weh lang kame ni Carl. Agad kame nakatanggap ng isang malakas na batok, hindi talaga siya mabiro. Katulad na talaga sila ni Matthew.
" How about this one?" tinaas naman ni Matthew ang isang libro. Titled: Good Manners and Right conduct.
"grabe ka naman Matt, kahit halimaw si Ate, mabait naman yun." Pagtatanggol naman ni Carl.
"Pssh. She's your sister that's why."
"Aish. Ang hirap mag decide. Bigyan kaya natin ng lalake yun?" suggest ko naman.
"Anong klaseng lalake?" Tanong naman saken ni Carl.
"Ano ba? Hmm~"
"Matipuno ang katawan, mabait, matalino,gwapo..mga ganun. Ganun ang type ni Ate sa pagkakaalam ko. "
" Pasado ako dyan, pero 'di ko type ang ate mo. Si Nathan nalang. ARAY!!" sinikmurahan ako agad ni Nathan. Ang pikon talaga neto.
"Shut up! -__-" Pssh. Sakit nun ha? Mabuti nalang good mood ako kung hindi magrurumble kame dito.
"Hi! There you are. May nabili na ako para sa kanya." agad naman nilabas ni Ace ang isang kahon.
Whoa. Isang Killer stilettos. Bakit kaya ang hilig ng babae sa ganyang heels? Ang galing talaga ni Ace mamili ng regalo, kaya naman pamatay rin siya sa chicks.
"Ayos, diba?" sabay close eyes pa niya.Edi siya na, amaze na kame sa kanya.
"Eh? May ganyan na si Ate!"
DEVASTATED.
"Tengena naman! Pinaghirapan ko 'to hanapin! At ang mahal pa naman neto." Whoa. Napamura tuloy si Ace.
"Hahah! Edi ipasuot mo kay Carlito. Babagay sa kanya yan, tatangkad pa."
"pakyu hard!" sabay dirty finger niya saken pero agad tinapik ni Matthew ang kamay niya at binatukan nanaman kame.
"Stop it."
"Aray... Ano kaya magandang i gift? Napkin kaya?" Another batok from Nathan.
"WOYYY! SUMUSOBRA NA KAYO HA!" sigaw ko naman. Nag glare lang saken si Matthew. O__O Okey, hindi na ako papalag.
"Aha! Kung Victoria secret sexy undies kaya?" sabay kagat sa labi ni Ace. Nakatanggap rin ng batok si Ace galing kay Nathan. Hindi ba napupudpod ang kamay niyan, kakabatok?
"Ouch! I'm just kidding."
"Rumespeto kayo kay Ate Cathy ha. Mahiya kayo, nandito si Carl." Teka, nasan si Carl? Tingin sa taas, tingin sa baba, kaliwa---kanan. Ayun! Nakaharap sa isang mannequin na may suot ng two-piece swimming outfit. At hinawakan ang DIBDIB neto.
O___________O – reaksyon naming apat.
" Hey, I think sakto 'to kay Ate." Tawag niya samin at hinawakan ang dibdib ng mannequin gamit ang dalawang kamay neto. Napatingin rin ang ibang namimili sa kanya at maging samin tumingin rin ng masama ang matatandang customer. Agad naman siyang hinila ni Ace at sinabunutan neto. Ang bading ng dalawang yan.
So? Ang ending? Napag kasunduan naming hindi nalang mag bibigay ng gift kay Ate Preciosa. Grabe, ang bait namin.
Psssh. Anong klaseng extra chapter 'to Miss author? Ang sakit ng ulo ko dahil sa kakabatok saken. X__x.
So, ano? gusto ng bagong chapter mula kay Author? Miss ko na ang existence ko sa The impossible Girl. Miss you guys! :) laging gwapo-- Ren.
A/N: i'm sorry for the corny extra chapter. napagtripan ko lang gumawa. Ginagawa ko pa kasi ang bagong chapter. Haha! XDD gusto ko ng tapusin ang Lame na story na 'to. thanks sa pagbabasa.
YOU ARE READING
The Impossible Girl (COMPLETED)
RandomDate Completed: November 25,2016 First Published: January 22,2015 Book cover: Made by me. (@Meishah22) Genre: Humor, School, Friendship, Romance Camellia Jessy Gonzales, o mas kilalang 'Jessy' na nangangarap na makapagtapos sa isang kilala na uniber...