Jessy's POV
Waaaaah! Nakakahiya talaga yung nangyari kanina! Kapag naaalala ko yun napapasabunot ako sa buhok ko.
Mayaman daw yun sabi ni Ate Marites sakin. Nakaka inis talaga ang Mister Yabang na yun! Sabi kasi ni Ate isa daw yun sa mga mayayamang customer, sorry hindi ko alam. Buti nalang di niya ako ni reklamo sa boss ko. Patay talaga ako pag nagkataon.
Pauwi na ako sa apartment ko nang bigla may tumakip sa mata ko.. napangiti nalang ako.
"Tigilan mo ako Dani Luis Marcelino!" inalis ko yung kamay niya na nakatakip sa mata ko at hinarap ko siya.
Siya ang bestfriend ko simula pumunta ako dito 5 years ago, taga probinsya kasi ako at siya ang tumulong sakin nag hanap ng apartment at mga trabaho dito sa ciudad.
Magkatabi lang ang apartment namin. Katulad ko, isa rin siyang working student. Pero siya, hinahangaan ng lahat kasi may itsura na---- matalino pa. Eh ako?
TOMBOY daw. Pisti!
" oh esfriend? ano nanaman?" pa cute face nanaman siya. Tinuturi ko siyang kuya kahit magkasing edad lang kame.
"Ay esfriend may balita ako sayo! Magkaka pera na rin ako! yehey! " sabay akbay sakin.
Etong si esfriend ulila na siya sa buhay simula nung 10 years old palang siya , buti nalang kinupkop siya ni Lola Teresita. Siya yung byudang may ari ng apartment na tinutuluyan namin.
"Oh? Anong trabaho ba yan esfriend? Don't tell me isa kang Male stripper?!! O_o " pasigaw na tanong ko. Binatukan niya naman ako. Aray ko po. Gusto ko gantihan, pero huwag na. Ang tangkad kasi niya.
"Sira! Ang inosente ko kaya! Birhen pa ang esfriend mo! Isa na akong model esfriend.. kinuha nila ako . ang gwapo ko ano?" *wink
Nagtawanan nalang kame. Akalain mo isang model? Wow! Kahit ako mag apply ng G.O.R di ako qualified.Kaloka.
" Whoa Congrats esfriend! Ikaw na! pautang naman dyan ! basta huwag mo kalimutan Mag 3rd year college kana sa pasukan! Dapat unahin mo parin ang pag aaral mo noh. Business Engineering pa naman ang kinukuha mo..galing mo esfriend!" sabay pat sa balikat niya.
"oo ako pa! oh ikaw naman. Bakit ba kasi gusto mo mag enroll sa international school na yun? Yung Maven University ba? Balita ko ang daming spoiled brats dun.. pag nag aral ka sa school ko, edi same year na tayo " paliwanag niya.
"tange! Ehh kahit nung highschool nag international school din kaya ako. Kaya di talaga tayo batch nuh.. sayang naman kasi ang 8k na allowance every month. Kaya gusto ko matapos ako sa international school kasi galing din ako sa international school nung highschool pa ako" kumunot lang noo niya sa mga sinabi ko.
"ohh that explains. Basta importante makatapos ka dyan! At BAWAL mag boyfriend ha! " diniin niya talaga ang BAWAL. Masyado talaga siya over protective sakin kasi daw nag iisang kaibigan niya daw ako. At ako nalang ang pamilyang tinuturi niya.
"Opo Itay" ngumiti nalang ako sa mga sinabi ng bestfriend ko. Malayo man ako sa pamilya ko nandito naman siya sa tabi ko para gabayan ako.
Naglakad na kame papunta sa apartment namin.
Dani Luis' POV
Oo may pag tingin ako kay Jessy. Simula dumating siya sa buhay ko, naging masaya na ulit ang buhay ko.
Pweh! Ang corny naman pero yun ang totoo. Kahit madami mang umaaligid sakin wala paring epekto kasi , MY HEART WILL ALWAYS BELONG TO JESSY. But, what the eff!
YOU ARE READING
The Impossible Girl (COMPLETED)
RandomDate Completed: November 25,2016 First Published: January 22,2015 Book cover: Made by me. (@Meishah22) Genre: Humor, School, Friendship, Romance Camellia Jessy Gonzales, o mas kilalang 'Jessy' na nangangarap na makapagtapos sa isang kilala na uniber...